"Pasensya na kung matagal akong nawalan ng malay. Pero ngayong gising na ako, magiging maayos na ako." sabi niya at tumayo na.

Hindi nagustuhan ni Martin ang kaniyang sinabi. Hindi siya makakapayag na maging ganito na lamang siya. Kailangan pa siyang magamot para makasiguro.

"Nguni—

"Hindi iyon maaari. Hangga't hindi ko sinasabi, magpapatuloy pa rin ang paggamot sa iyo ng doktor." matigas na sabi ni Martin na nakatingin sa mata niya.

Taimtim na tiningnan ni Doña Celestina ang kaniyang anak dahil ngayon lang niya nakitang ganito mag-aalala si Martin. Hindi niya lubos maisip kapag nagkataong tama ang nabubuo niyang konklusyon. Habang di naman maawat sa pagngiti si Rosa dahil sa pangyayari.

"De la Vega, sa akin na mismo nanggaling na maayos na ang pakiramdam ko. Kaya wala nang dahilan para magpatuloy pa 'yang gamot-gamot na 'yan." sabi niya na lalakad na sana pero napatigil siya sa sinabi nito.

"Baka nakakalimutan mo ang patakaran ko." matigas na sabi niya na nagpaharap ulit kay Isabel sa kaniya. Nakita niyang nangunot ang noo nito sa sinabi niya, kaya nagsalita siyang muli.

"Ang panghuling patakaran." may diing sabi niya. Hindi niya na hinintay na makapagsalita pa siya at binara na ang anumang sasabihin niya.

"Tayo muna ay lumabas. Dahil sa aking palagay may dapat pa silang pag-usapan." basag ni Doña Celestina sa namumuong tensyon mula sa pagtitigan ng dalawa. Wala namang kontrang sumunod si Rosa at ang doktor. Sila ay tumungo na sa pintuan at nang makalabas ay doon na hindi naitago ni Rosa ang kniyang ngiti na may kasamang kilig. Kaya napatingin si Doña Celestina sa kaniya.

"Ano ang mayroon iha't tila napakasaya mo?" tanong ni Doña Celestina.

"Ahh.. wala po paumanhin po Doña." magalang niyang sabi. Nakalimutan niyang kasama niya pala ang Doña Celestina. Ngumiti lamang ang Doña.

"Ako po ay patutungo na sa kusina." paalam niya at mabilis na naglakad pabalik.

Nakangiti namang pinagmamasdan ni Doña Celestina si Rosa na bumabalik sa kusina na tila naintindihan niya kung bakit ito napakasaya na maging siya ay ganoon rin at sana ay totoo ang kanilang iniisip para sa kaniyang anak.

"Ang huling patakaran?" sabi ni Isabel na nagtatakang nakatingin kay Martin.

"Oo. Ang huling patakaran kung saan ako—

"At ang panghuli, ako lang ang susundin mo. Oo. At sa pagkakataong ito hindi ko na iyon nakakalimutan." pagpuputol niya kay Martin.

"Mabuti kung ganoon." maikli nitong sabi. Napa 'Tsk!' na lamang si Isabel.

"At hindi muna kailangang isali ang patakaran mo rito dahil kagaya ng sinabi ko, ayos na ang pakiramdam ko." matigas pa rin niyang sabi at naglakad na pero hinawakan ni Martin ang braso niya kaya napatigil siya na tumingin dito.

"Kapag aking sinabi na ikaw ay patuloy na lalapatan ng gamot, hindi ka maaaring umalma. Nagkakaintindihan ba tayo Isabel?" mawtoridad niyang sabi. Hindi makapaniwala si Isabel sa inasta nito.

Habang naguguluhan naman si Martin sa kaniyang sarili kung bakit niya ito ginagawa. At naging mapangahas pa siya sapagkat hinawakan niya si Isabel ngunit napagtanto niyang ganoon din ang binibini sa kaniya kaya kahit isang beses lamang ay susundin niya ang pagiging mapangas ng binibining ito dahil kay Isabel lamang siya ganito. Nagpakawala ng buntong hininga si Isabel at kahit mabigat sa kaniyang loob ay bumalik siya sa kama at naupo.

"Oh? Masaya ka na?" pilosopang sabi ni Isabel sa kaniya habang siya ay nakatingin lang sa kaniya. At pilit na hinahanap ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito.

Saving The Governor-General (Completed) ✓Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora