Chapter 20

20 4 0
                                    

Chapter 20

Selene's POV

Time passed by quickly, from lunch, finally it's dismissal.

I'm now walking to the parking lot together with Ella and Bella. Late kaming pinalabas ng Professor, due to an activity that we had to finish. Fortunately, konti nalang ang mga estudyanteng nagkalat ngayon dito. But, ofcourse, hindi parin nawala ang mga nandidiring tingin na nakukuha ko mula sa madadaanan namin. As usual, i can't do anything but, to ignore them.

"Bella, sabay ako sa inyo ah!" paalam ni Ella.

"Saan? Sa kotse?" tanong ni Bella.

"Kung pwede. Nag commute lang ako kaninang umaga, eh."

"Sige, madadaanan din naman namin yung sainyo." sang ayon niya.

When we finally reached the parking space where Bella parked her car, agad din kaming sumakay. Ako, sa passenger's seat, si Bella sa driver's, at si Ella sa Back seat.

Pinaandar din naman agad ni Bella ang sasakyan dahil late na nga at medyo dumidilim na din ang paligid.

I thought i was quite lucky now, kasi walang masiyadong nangyaring gulo, pero akala ko lang pala yon. Hindi ko naman inaasahan na sa paglabas namin sa mismong campus ay may nag-aantay nanaman sa aking gulo.

Inaasahan ko ng gaganti sa akin si Jake, pero hindi ko naman inaasahang ngayon 'yon.


Bella's POV

Naipreno ko ng biglaan ang kotse ko dahil hindi pa man kami masiyadong nakakalayo sa gate ng Campus ay may humarang na sa aming grupo ng kalalakihan.

Dumidilim na ang paligid kaya Nung una akala ko ay mga nanti-trip lang. Ngunit nang matapatan sila ng ilaw mula sa kotse ko ay agad akong kinabahan.

Grupo ito ni Jake, at paniguradong si Selene ang puntirya nila.

Hindi ako kinakabahan para sa sarili ko at kay Ella, Kinakabahan ako para kay Selene dahil kahit kaya niyang lumaban ay marami sila at malalaki din ang mga katawan. Lahat sila ay nakahilera at pawang nakaharang sa daanan.

Lord, help!

"Damn it." napatingin kami ni Ella kay Selene nang sabihin niya iyon.

At nanlaki agad ang mata ko nang makita kong tinatanggal na niya ang seatbelt niya at handa ng lumabas.

"S-Saan ka pupunta, Selene?" halata ang kaba na saad ni Ella.

"I have to face them. Masiyado na silang nakakaabala." tanging sagot niya at saka binuksan ang pinto at bumaba.

Agad din naman kaming sumunod ni Ella sa labas kahit pareho kaming kinakabahan.

"Selene! Ano ba?!" pigil sa kaniya ni Ella.

Ngunit hindi siya pinansin ni Selene at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad papunta sa harap ng kotse.

Pumunta naman ako sa tabi ni Ella at sa halip na tulungan siya na pigilan si Selene ay hinarang ko ang kamay ko sa harapan niya, Sinyales na hayaan niya lang si Selene. Taka niya akong tiningnan matapos kong gawin yon.

"Hayaan mo siya, I know she can handle this." usal ko.

Hindi na niya ako sinagot at nanahimik nalang.

"What do you want?" dinig kong nahinahon na tanong ni Selene sa kanila habang inaayos ang eyeglasses niya.

Nananatili parin kami ni Ella sa gilid ng kotse habang kabadong pinapanood sila.

A Journey To Forever [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon