Chapter 1: Miting de Avance

7 0 0
                                    

2019|1st year-2nd sem
Esse's P.O.V.

"Get 1whole sheet of bond paper."- prof

Kasalukuyan akong nag eexam. Sari-sari na pumapasok sa isip ko. Hindi ko alam kung excited ba ako o kinahabahan para sa Miting De Avance bukas. Pano ko sasagot sa mga tanong sa debate? Ni hindi ko pa kilala ng lubos yung kapartido ko. Hindi ko parin nakikita kung sino yung kalaban ng partido namin. Kaya lang naman ako tumakbo bilang senator kasi hinikayat ako ng tumatakbong presidente namin dahil dati akong mayor ng JPSME. Pero inisip ko rin na makakatulong rin to para sa pag-aaral ko dahil may 25% ako sa tuition kung sakaling papalarin na manalo. Iniisip ko palang yung speech nauutal na ko. Paano ako mag papakilala sa harap ng maraming tao?

Nalaglag yung calculator ko kaya lahat ng kaklase ko ay napatingin sa akin. Pati na rin ang instructor ko.

Nag simulang mag libot-libot ang instructor namin at nag mamasid na parang leon, inaabangan kung may lilingon sa katabi.

Natapos ang exam namin makalipas ang isa't kalahating oras. Nililigpit ko ang mga gamit ko nung lumapit sakin si Krizel.

"Esse, anong sagot mo sa number 5? Volume tinatanong don diba?"- sabi niya.

Isa siya sa pinaka matalik kong kaibigan dahil kaklase ko na siya mula pa nung grade 1. Biruin mo, since grade 1 mag kaklase na kami until college. Kadalasan siya yung nasasabihan ko ng problema lalo na nung nag break kami ng ex ko. Mabait si Krizel medyo maldita lang. Isa yon sa pinaka magandang ugali na nagustuhan ko sa kanya, ang pagiging pranka.

"Oo volume, 35 cubic meter yung sagot ko. Ask mo rin kay Jim baka mali sagot ko eh." Sadyang di lang ako komportable pag tinatanong sagot ko kasi di rin ako sure kung tama.

"35 rin sagot ko." Sagot ni Jim habang nag lalakad kasabay namin.

"Ay walang ya! Wala akong unit pre!"- biglang nag panic si Johndel dahil di niya alam kung nalagyan niya ba ng unit yung mga sagot sa exam.

At nag debate kami about sa mga sagot sa exam. Ganyan kami palagi. Right after ng exam lagi kami nag tatanungan kung tama ba yung sagot, kung bakit mali ang sagot, turuam kung pano nakuha. Kadalasan nag ggroup study kami kila Donn Dave, pero mas kilala sa tawag na Gaffud. Apilido niya kasi yon at nasanay na kaming tawagin sya sa apilido niya.

Sabay-sabay kaming uuwi ngayon para makapag pahinga. Tapos na kasi ang final exam at huling araw ngayon. Mag hahanda na rin ako para sa Miting de Avance bukas.

Hindi ko pa pala napapakilala hetong iba kong kaibigan. Si William, isa sa mga mautak sa tropa. Magaling yan sa math kaya nag Engineering. Si Jushua na mas kilala sa apilido niyang Prado, isa rin yan sa mga brainy sa tropa dahil kadalasan kasama ko yan maexemp sa exams. Sa kanya ako nag papasuklay kapag walang teacher. Si Allan, ang pari sa tropa. Kadalasan siya yung taga payo. Napaka lalim ng boses niyan lalo na pag kausap mo para kang nasa misa. Kasama ko siyang tumakbo bilang senator ganun din si Jim na kaklase ko na mula pa noong Junior high. Si David, isa sa mga maloko sa tropa. Apilido niya talaga yan dahil ang totoo nyang pangalan ay Michael. Kadalasan binubully niya si Krizel kaya lagi syang sinusungitan nito. Si Bong, na laging kapartner ni David sa kalokohan. Mabait yan at clown ng block namin. Kadalasan siya yung laging napapansin ng teacher pagdating sa kalokohan. Si Merwin, isa sa mga maloko. Madalas kasama niya sila David. Ganun talaga pag malalakas ang trip, sila sila rin palaging magkakasama. Si Marvin, tahimik pero nasa loob ang kulo. NGSB, puro kasi online games eh. Lagi kong hinahawakan bunbunan niya dahil sobrang kulot ng buhok niya.

Karamihan sa kanila lalaki. Ewan ko ba kung bakit hindi puro babae ang mga kasama namin ni Krizel. Siguro dahil mas comfortable kami na sila yung kasama dahil masaya lang kami walang toxicity. Walang away palagi lang tawanan. Kadalasan talaga pag college tatawagin ka na sa apilido mo. Kaya karamihan samin kilala sa apilido. Minsan pa pag kasama ko si daddy, may tatawag sa apilido namin kaya sabay kaming lilingon.

ImaheWhere stories live. Discover now