Chapter One

526 14 0
                                    

Napadaing ako nang pitikin ni Nurse Mia yung noo ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Napadaing ako nang pitikin ni Nurse Mia yung noo ko. Aguy! Nagsaya lang ng konti e, napakastrikto talaga niya.

"Sabi ko sa'yo magpahatid ka na lang sa driver niyo, hindi magbisikleta!" Sermon niya sa akin at agad na pinainom ako ng aking gamot.

"Nagtry lang naman ako e, at saka alam ko naman na hindi mo sasabihin kay Daddy." Tugon ko naman at akmang kukurutin niya ako sa tagiliran pero hindi na niya natuloy.

"Kapag nalaman ng Daddy mo 'to, pati ako malalagot sa mga pinaggagawa mo, Yancy." Frustrated niyang sabi at sinarado ang medicine kit ko. Halos 9 years na palang inaalagaan ako ni Nurse Mia dito sa bahay namin.

"Sorry na, last na 'yon." Paghingi ko ng tawad at agad naman siyang lumabas sa kwarto ko. Humiga ako at nakipagtitigan sa kisame. Hindi pwedeng magpagod. Ano bang pwedeng gawin na hindi nakakapagod?

Nagulat ako nang biglang may kumatok. Si Tati! Agad na bumangon ako at sinalubong siya ng yakap.

"Kailan ka pa umuwi?!" Bungad ko sa kanya at tumawa naman siya sabay na kumalas kami sa yakap.

"Kagabi lang, hinatid ako ni Felix dito." Tugon naman niya at napalingon ako nang makita si Felix sa may pintuan. Napangiti ako lalo at sabik na niyakap siya.

"Bakit hindi niyo ako tinawagan?!" Natawa siya sa akin at niyakap din ako pabalik. Bestfriends ko sina Felix at Titania (Tati) magmula nung kindergarten hanggang highschool. Hindi ko na sila nakita nung senior high kasi parehas silang napadala sa Canada para maging exchange students.

"Nice to see you too, Yancy." Bati sa akin ni Felix at kumalas ako sa yakap.

"Don't be too upset, baka bumalik na kami sa Canada." Sabi naman ni Tati at inakbayan ako.

"Sige bumalik kayo, hindi ko na kayo kilala." Pag-iinarte ko at tumawa naman silang dalawa.

"Huwag ka nang mag-alala, we will stay here for good." Nanlaki ang mga mata ko sa pagkasabi ni Felix at hinampas naman siya ni Tati.

"Bakit sinabi mo agad-" inakbayan ko silang dalawa at ngumiti.

"Namiss ko kayo." Ani ko at napangiti din sila sa sinabi ko.

"Mas namiss ka namin." Sagot naman ni Tati at nagkwentuhan kami.

Sumunod na araw, nagpaalam ako kay Daddy na ako na lang ang mag-aasikaso ng college enrollment ko pero hindi pa rin ako makatakas sa driver namin. Paglabas ko sa aming bahay ay agad na binati ako ni Kuya Paul, yung driver namin.

Before Anything ElseWhere stories live. Discover now