Chapter 11: Repulsion

Start from the beginning
                                    

Every time I see her, I feel like time dilates, that time is much slower in terms of staring on how beautiful she is. How I admire her full focus on the thing that she loves and how she put her efforts on making the best of herself though time feels faster when I'm happy looking at her and enjoying her, kahit noon pa kapag lagi siyang nanggugulo.

It feels like we have been positively catalyzed, she activated something in me that was much slower back then and that is the ability to feel. I feel like my activation energy gives me the capacity to sympathize more than I could. I started to feel more about my surroundings when I'm with her. I feel more human because of her.

And yet, hindi ko kayang tagalan yon, pakiramdam ko kapag tuluyan kong hinayaan baka masaid ako sa dulo. Baka mamaya ako ung maiwang talunan sa dulo. No! My friends are already broken, ayoko ng dumagdag sa mga usapan tuwing lasing kami!

Nakakatakot lang din mag-invest ng feelings sa isang tao knowing the way love is handle by our generation, masyadong mababaw at masyadong inconsistent, puro tamis at saya lang. And no, I don't want those kind of things for me, bukod sa wala akong oras ma-heart broken, baka na-ooverwhelm lang din ako or naninibago I'm not sure! Baka infatuated lang siya, baka siya rin na-ooverwhelm lang din.

And lastly, she's a girl. And I'm a girl too! And what do same charges does? They repel. Paano ba naman kasi, all my life, I've known I'm a straight girl! Though I didn't have the feeling of being attracted to both sexuality, I know that I'm a woman. Pero ngayon? Puta, di ko na alam! Parang all of the sudden biglang naglaho ung bubble na simula pagkabata ko dala-dala ko and this is the main reason that I'm avoiding her. I feel like we are going to repel each other, hindi ko alam! Kasi alam ko deep down there is something kaya hangga't maari, pigilan!

Masyado akong pinapangunahan ng mga naiisip ko at sobrang nakakaasar iyon!
Nang marinig kong nag-vibrate ang phone ko, agad ko iyong kinuha sa back pocket ko at nakitang si Annica ang tumatawag. Agad ko naman iyong sinagot.

"Bakit, girl?" Tanong ko at napahinto sa tapat ng oval, luminga-linga ako para maghanap ng masisilungan dahil mataas na ang sikat ng araw.

"Alam mo ba kung asan si Monique? Kanina ko pa kasi siya tinatawagan, binababaan ako ng tawag." Alalang tanong ni Annica kaya naman napakunot ang noo ko sa narinig. Bakas ang pag-aalala sa boses niya.

"Binababaan ka ng tawag ni Monique? I don't know hindi pa naman niya ako na-contact." I said habang naglalakad papalapit sa isang malaking puno. I stand underneath it para maliliman ako mula sa araw.

"Nag-aalala na ko, alam mo naman na hindi ganoon ang babaeng 'yon, tapos na ba klase mo? May klase pa kasi ako, eh. Please try to contact her. Nag-aalala ako." She said at mukhang natataranta na rin.

"Hey, calm down. Okay? I'll try to contact her, try ko din hanapin dito. Tapos na klase niya ngayong araw diba?" I said, luminga-linga pa ako sa paligid.

"Okay, sige. Tapos na class niya. Thank you, girl!" she said at ended the call. Napabuntong hininga na lang ako sa nangyayari ngayong araw. I look at my phone when it buzzes again and saw a messenger notification kaya agad ko naman iyon binuksan. The notifications are from Dwayne and Kim.

Dwayne Martinez: Arya? Kita mo si Cap? Hinahanap siya ni Coach, eh.

Kim Fuentes: Ya? Na-sight mo si Cap, di ko macontact, eh. ASAP lang.

Gustohin ko mang mapa-face palm dahil sa akin nila hinanap si Ven naunahan ako ng pag-aalala, parehas ko silang nireplyan na hindi ko alam kung asan si Ven ngayon matapos ng walk-out scene niya kanina sa court after ng practice. Binuksan ko ang Instagram ko to message her.

YannaGL: where are you?

I look at my surroundings at narealize na halos alas tres palang ng hapon. Pakiramdam ko drain na ang buong sistema ko sa mga pinaggagawa ko ngayong linggo!

Why Does it Matter?Where stories live. Discover now