Me: " Ang creepy mo ha! " Tanging nasagot ko.



Malay ko ba kung anong itsura ko nong pumunta siya dito? Baka nakatihaya ako at naglalaway pa! But wait, why do I even care? It's just Ken. I don't care what he thinks of me anyway so whatever. 



Ken: " Sige na.. Kain kana love. Nasa studio kami ngayon at may practice pa kami. Tinatawag na ako ni pinuno. I'll call you later ok? Sabay tayong mag dinner OK?"



Me: " Huh? " Tanging nasabi ko pero pinutol na nito ang linya.



Parang hindi nag si-sink in ang mga pangyayari at ang mga sinabi nito sa utak ko ngayon kaya I'm just staring blankly at my wall trying to process everything that is happening.


Then I recalled what happened before itong umalis kaninang madaling araw.




Ken: " I'll just tell them you're my girlfriend. " Simpleng sagot nito at nagsimula ng kumain. " Kain na. " Sabay turo sa pinamili namin.



Me: " Are you out of your fucking mind!???? And why are you gonna tell them that???!! I'M NOT YOUR GIRLFRIEND!!! " sigaw ko na dito.



Ken: " You are now. "



Kinuha ko nalang ang sandwich at drinks ko sa center table at tinalikuran ko na siya dahil wala talaga akong panalo kung asaran lang ang pag uusapan.


Umupo ako sa stool sa kitchen counter at nakatitig lang ako sa kawalan habang tulalang kumakain ng sandwich.



Ken : " Bakit? Ayaw mo bang maging girlfriend ko? " He asked habang kumakain ng manok. Nasa living area siya ngayon at kita lang sa kung saan ako. " Bagay naman tayo ah.. Gwapo ako, at infairness sayo , may itsura ka naman. " 



Nilingon ko siya at tiningnan ng masama. Wow! At talagang gwapong gwapo ito sa sarili! Hindi nalang ako nag salita at tinapos ko nalang ang sandwich ko at tumayo na.



Me: " Hindi naman ako ang malalagot pag kumalat pictures natin eh.. " Sabi ko sa kanya but he just smirked at nagpatuloy parin sa pagkain. " Hoy!! " Tawag ko sa atensyon niya.



Ken: " Sasabihin ko ngang girlfriend kita OK?? Don't worry hindi kita pa-aasahin. " Sabi pa nito at kinindatan ako.



Me: " Hindi ka pwedeng mag ka girlfriend kasi mas mahal mo ang Anime kesa sa ma jo-jowa mo! " Naka-irap kong sabi sa kanya at nagsimulang maglakad patungog balcony.

SB19 || Love Me BackWhere stories live. Discover now