Nanghihina man ay nagawa ko pa rin ihakbang ang mga paa ko paalis. Tangna! Kahit 'wag na siyang sumagot! Kumpirmado na!

Bumalik ako sa loob ng Bar at sakto namang nakasalubong ko si Art kaya hinigit ko pabalik sa gitna ng dance floor.

"Woah! Why so aggressive now?" Natatawang aniya.

"Shut up!" singhal ko saka ipinulupot ang kamay sa batok niya.

"I'm staring to like what you're doing now, Kaye," ngingising-ngisi namang aniya saka hinapit ako sa beywang.

Nang subukan akong halikan ni Art ay hindi ko siya pinigilan at hinayaan lang. Ganti ko man lang 'to sa ginawang panloloko sa 'kin ni Kartini.

Ipinikit ko ang aking mata nang halikan ko siya pabalik. Pero sa pagdilat ko, sakto namang tumama ang mata ko sa lalakeng dahilan kung bakit kumikirot ngayon ang puso ko.

Pero imbis na habulin, hinayaan ko lang siyang umalis. Para saan pa? Para magmukha akong tanga? Bata pa ako. Madami pa akong makikilalang lalake. Hindi lang siya ang magiging karelasyon ko. Kaya itong saamin, experience lang 'to.

Kinabukasan, araw ng linggo, saka lang nag-sink in sa utak ko ang mga pinaggagawa ko kagabi.  Pero wala akong pake. Nasasaktan ako kaya gagawin ko ang lahat ng gusto ko.

Buong maghapon, itinuon ko lang ang atensyon sa pag-aaral. Pero nang mapagod,  nagbukas ako ng Facebook. Buburahin ko lang ang relationship status ko at ia-unblock ko na si Nanay habang hindi niya pa nalalaman. Baka kasi kurutin pa ako sa singit. Broken na nga, nakurot pa. Dobleng sakit na 'yun.

Nang matanggal ay nag-scroll lang ako sa news feed ko. At hindi sinasadyang may isang friend suggestion akong nakita.

Walang pagdadalawang isip na ni-click ang isa pang pangalan ni Kartini. At doon nakita kong ang ginamit niyang account na pinag-add sa 'kin ay ang second account niya. Dahil sa official account, nakita ko ang lahat ng picture nila ng babaeng berde ang mata.

Napamura ako habang tinitingnan kung gaano nila ka-sweet sa picture. Sa sobrang bigat ng dibdib at hindi na nakayanan ang mga nakita, nag-angry react ako sa lahat ng sweet photos nila total naka-public naman ang mga 'yun.

Wala akong pake kung mag-notify ang mga 'yun sa kanilan. Malaman man lang ni Kartini na hindi niya ako magagawang tanga at galit ako sa kanya.

Pota! Kung kaylan ako nagkagusto, saka naman naging ganito.

Pinahid ko ang luha ko. Hindi ko inaasahang iiyak ako ng dahil sa lalake lang.

Nang dumating ang lunes, balik normal ang lahat. Hindi ako nagpahalata sa tropa na basag ang puso ko. Mabuti na lang at wala silang nababanggit patungkol kay Kartini. Subukan lang nila at bibigwasan ko talaga sila.

Nang dumating ang lunch, inakbayan ko si Daimler papuntang cafeteria. Nakita ko pa si Kartini sa labas ng room para sa subject namin ng araw na 'yun, pero umakto akong walang nakikita. Bakit ba? Hindi kami magkakilala. Wala akong kilalang manloloko.

"Hindi mo papansinin?"

Tiningala ko si Daimler at umiling. "Para saan pa?"

Kahit kasi hindi ko sabihin, alam kong may alam sila. Pero hindi lang nagtatanong at napapansin nilang ayaw kong magkwento.

"To explain his side."

Umirap ako. "Wala akong panahon makinig sa kasinungalingang sasabihin niya."

Imbis na maghintay sa mesa, sumama ako sa kanila sa pag-order. Ayaw kong maiwan kasama si Elyce katulad ng nakagawian at baka kulitin lang ako na magkwento.

"Anong sayo, Kaye? Libre ko na."

Ngumisi ako kay Mickel saka tinuro ang gusto ko. Sabay-sabay na kaming bumalik sa mesa.

Tawang-tawa pa si Mickel sa kini-kwento niya, "Pota talaga 'yung nakasama kong babae nung sabado, ang inosente! Hindi marunong humalik. Pero success pa rin at nadala ko sa langit."

Nakitawa rin sina Daimler at Reishi. Pero nang suwayin ni Elyce ang huli, hindi na ito nakisabat pa.

"Gago ka! Mabuntis mo sana at nang maging batang ama ka!" pang-aasar ko naman na lalong nagpalakas ng tawanan nila.

"Hoy Kaye! Gago naman! 'Wag!" ani Mickel, natataranta at nagawa pang katukin ang mesa ng tatlong beses.

As usual, napuno ng tawanan ang mesa naming 'yun. Muntik pa ngang mabilaukan si Reishi dahil sa sinabi ni Daimler.

"Pero maiba ako. Anong meron nung sabado at ang lawak ng ngiti ng gagong si Art? Tinatanong ko, ngingisian lang ako. Parang gago lang!"

Lahat ng atensyon nila ay nalipat sa 'kin dahil sa sinabing 'yun ni Mickel.

Nangibit balikat ako. "Bakit niyo sa 'kin tinatanong? Kelan pa naging Art ang pangalan ko?"

"Sus naman, Kaye! Kilala ko ang gagong 'yun. Sabihin mo na kasi!"

Inirapan ko si Mickel. Wala akong dapat na sabihin sa kanila. Malay ko ba kung ano ang dahilan at nangingiti ang isang 'yun.

"Kilala mo pala, eh di siya ang tanungin mo." Tumayo ako para bumili ng tubig. Ubos na kasi 'yung nauna kong binili.

Pumihit ako patalikod sa kanila at akmang ihahakbang ang mga paa nang may humawak naman sa kamay ko at hinigit ako papalabas ng cafeteria.

Imbis na pilitin si Kartini na bitawan ang kamay ko, hinayaan ko lang siya. Hanggang sa makarating sa likod ng gym, saka lang niya ako binitiwan.

Humikab ako at bagot siyang tiningnan. "May problema ka ba?" parang wala lang na tanong ko.

Inis na bumuntong hininga si Kartini at sinamaan ako ng tingin. "Why the fuck did you kissed that boy?"

Nagsalubong ang mga kilay ko. Tungkol ba ito sa nangyari nung sabado? Bakit ngayon niya lang itinanong? Bakit hindi siya tumawag sa 'kin? Ah... baka busy sila nung girlfriend niya.

"Wala akong dapat na ipaliwanag sa 'yo." Tumalikod ako para umalis na. Pota! Nauuhaw na ako. Wrong timing ang paghigit niya dito.

"Fuck Kaye! I am your boyfriend. You awe me an explanation!"

Bahagya akong natigilan sa narinig. Natawa pa ako ng pagak. Pumihit ako paharap at sinampal siya na ikinalaki ng mata niya. "Boyfriend? Pota! Kung Boyfriend kita, anu ako? Pangalawa?" Sinamaan ko siya ng tingin. "I awe you an explanation? Talaga ba
...? Mukha mo! Bakit? Ako ba? Pinag-explain ba kita kung bakit pinagsabay mo ako dun sa girlfriend mong sobrang ganda? Hindi naman di'ba? Kaya asa ka!"

Sa haba ng sinabi ko, umiwas lang siya ng tingin. Napakuyom ang kamao mo. Halatang guilty ang damulag.

"Ano Kartini? Bored ka? Habang wala 'yung original, hanap ka na muna dito sa Pinas ng paglilibangan? Actually ang galing mong manloko. Congrats. Akalain mo 'yun, nahulog ako sa 'yo...  Pota! Ang uto-uto ko lang di'ba?"

Gusto ko nang umiyak. Pero ayokong makita niyang nasasaktan ako. Hindi niya pwedeng malaman na sobrang naapektuhan ako sa ginawa niya.

First boyfriend, first heartbreak. Ang reason pa, dahil pa sa panloloko niya. Hindi man lang dahil sa hindi nag-work ang relasyon naming dalawa.

"Are you done? Can I explain my side now?" may pagsusumamong aniya saka hinigit ako sa beywang. Pinatong niya ang baba sa balikat ko at niyakap ako ng mahigpit.

"You can explain pero 'wag mo akong yakapin." Tinabig ko ang kamay niya saka humakbang paatras mula sa kanya.

Huminga siya ng malalim saka tumungo. "Lady, it's true that..." Pumikit siya, tila nahihirapan sa sasabihin. "That she was my girlfriend back in New york. But--"

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin at sinampal. Wala nang paliwanag pa. Kompirmado na!

"You know what? Let's break up!" ani ko at nag-walk out.

Itutuloy...
04-26-20

My Maton Girlfriend (On Going)Where stories live. Discover now