"C'mon, Kaye! Let's dance! I know you are broken right now!"

"Gago! Saan mo napulot 'yang fake news mo?" Anong broken? Si Kartini ang magiging broken dahil tatapusin ko na ang kung anong meron kami ngayon.

Tumalikod ako at iniwan siya sa dance floor. Bumalik ako sa pwesto nila Mickel pero tanging si Elyce at Reishi na lang ang naabutan ko doon.

"Nasan 'yung dalawa?" Naupo ako at pinaypayan ang sarili. Pinagpawisan ako masyado.

"May nakilalang babae doon sa taas." Si Reishi ang sumagot.

Umarko ang kilay ko. Talaga lang ha. Himala'y nambabae sila ngayon.

"Himala at hindi ka sumama? Iwan mo na dito sa 'kin si Elyce," biro ko na ikinahalakhak niya. Ang huli naman ay sinamaam ako ng tingin.

"You're funny, Kaye. I would never do that to my sweety. I'm loyal to her," sagot naman ni Reishi at inakbayan ang huli at hinalikan sa noo.

Eh di sila na!

"Kaye, are you okay?" Tanong ni Elyce nang matahimik ako mayamaya. "We saw Kartini kanina. He's with a... girl," may pag-aalinlangang aniya. "And they look so sweet. Akala ko ba, kayong dalawa?"

Dahil sa nalaman ay mas lalong nag-init ang ulo ko. Konti na lang, sasabog na talaga ako.

"Nandito pa ba sila?" ani ko, kinokontrol ang namumuong galit.

"I think, nakita ko sila ngayon pa lang. Actually palabas na sila ng Bar--wait Kaye, where are you going?"

"D'yan lang sa tabi." Tumayo akopara pumunta sa parking. Titingnan ko lang kung nandun pa sila. At hindi nga ako nabigo dahil akma pa lamang silang papasok sa loob ng sasakyan.

"Ang sweet naman," sarkastikong sambit ko. Sumandal pa ako sa hindi pamilyar na sasakyan. Pinagkrus ko ang mga braso ko sa tapat ng aking dibdib.

Naunang lumingon sa 'kin ang babaeng berde ang mata. "Hey! You're the girl at the mall."

"Oh tapos?" Lumapit ako sa kanila at hinila sa kamay ang walang imik na si Kartini.

May sinasabi pa ang babae at mukhang nagulat sa ginawa ko pero hindi ko na lang pinansin.

"Let's talk, Kartini." Nagpatiuna ako sa paglalakad.

Pero bigla akong nagulat nang yakapin niya ako mula sa likuran. Napapikit ako at bumuga ng hangin.

"I'm sorry, Lady."

Pabalya kong tinanggal ang kamay niyang nakapulupot sa 'kin at sinamaan siya ng tingin. "For what? Para saan ang sorry mo?  Ano? Girlfriend mo ba 'yun?"

Hindi siya umimik kaya mas lalong nadagdagan ang iritasyon ko. Kumuyom ang kamao ko lalo na nang mag-iwas siya ng tingin sa 'kin. Lumakas ang kabog ng dibdib ko hindi dahil sa nararamdamang pagmamahal ko sa kanya.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa at hindi niya sinagot ang tanong ko, o matatakot ako sa posibilidad na kapag sinagot niya ang tanong ko ay baka masaktan lang niya ako.

"Sumagot ka! Pota! Girlfriend mo ba!?"

Bumuga siya ng hangin at akmang ibubuka ang mga labi nang sumulpot naman sa likod niya ang  babaeng kasama niya.

"Baby. Let's go. I'm already sleepy."

Napapikit ako at agad na tumalikod dahil sa narinig. Pakiramdam ko'y nanginig ang kalamnan ko sa nadinig. Para akong tinaryador dahil doon!

"Kaye--"

Hindi lumilingon na itinaas ko ang kamay ko para patigilin siya. Ayoko siyang marinig na magsalita at baka kasinungalingan lang ang lumabas sa bibig niya.

My Maton Girlfriend (On Going)Where stories live. Discover now