Actually, Hindi ko pa nakita ng personal ang sinasabi nilang asawa ni  Mr. De Aleghiere pero napanood ko naman ito sa balita at nakita ko rin ang larawan niya sa dyaryo. Kilalang tao si Mr
De Alniya ako ere kaya bawat may nangyayari buhay niya nababalita sa TV o di kaya ay naitala sa Dyaryo. Maganda nga siya at mukhang mabait naman.

"Oh sige, lalabas Mona kami para makapagdede na si baby. Pabalik na rin dito yung isa sa  kasambahay niyo at kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa kanya at kami na ang bahala. At saka may nagpapasabi na dahan dahan ka lang daw sa pagkilos dahil baka mabinat ka. " __Hellion.

Kumunot ang noo ko kung sino ang nagpapasabi sa  huling   sinabi ni Hellion.

"Amhh.. Sinong tinutukoy mo?" Nakakunot Kong tanong dito.

"Ah yung doctor." Mabilis na sagot ni Connor. Tinapik niya ang likod ni Hellion at may binulong dito kaya lang hindi narinig .

"Oh sige Shan, sa labas mona  kami." Paalam na saad ni Connor sa at tumango lamang ako.

"Let's go." Wika ni Xander at inakbayang palabas si Hellion.

Napangiti ako nang tuluyan na silang makalabas. Tunay nga silang kaibigan ng aking asawa. Mga sira ulo pero may mga ginituang puso naman.

Dahan dahan akong humarap sa anak ko at  pinadede. Mabuti nalang dahil hindi  siya umiiyak. Sana'y tuloy tuloy ang pagiging hindi niya iyakin.

Napatingin ako sa may pintuan ng bumukas ito. Si Jaia ang dumating.

"Magandang hapon ma'am." Bati nito sa akin at tipid lamang akong ngumiti.

"Kumusta na ang kambal?" Mahina Kong tanong.

"Hayun po, nag alala parin sa inyo hanggang ngayon. Gustong gusto nga nilang sumama sa akin kanina pero sabi ng mga kaibigan ng asawa niyo ay hintayin na nalang nilang makalabas kayo at pumayag naman silang dalawa."  Sagot nito.







" Welcome home Baby Sydney!!" Malakas nilang wika at napaiyak naman si baby Sydney, mukhang nagulat yata.

Napangiti ako nang makita ko ang dalawang anak ko na may hawak na  tarpaulin at kasama nila sila daddy, pati na rin si Kuya Cloud.

Sabay sabay kaming naghapunan at nakaramdam ako ng kasiyahan sa aking puso. Kung sana'y nandito lang si Tyler, sigurado akong magiging masaya iyon.

"Shan, hindi  na kami magtatagal dahil kailangan na naming umalis. May important kaming lakad. Bye." Paalam ni Xander at kumaway pa ito sa amin.

Silang dalawa ni Hellion ang sumundo sa amin sa hospital at nagpapasalamat ako dahil maraming  bagay ang naitulong nila sa amin. Sila rin ang nagbayad sa bill namin sa hospital kahit na pinigilan ko sila pero hindi pumayag ang mga ito.

"Hija, gusto Kong kargahin ang apo ko." Saad ni daddy na nakaupo sa sofa at lumapit naman ako dito at dahan dahang inabot sa kanya si baby Sydney.

"She's so cute mommy. Manang mana sa akin." Princess said and she giggled while staring to baby Sydney.

"Well, manang manang kayo sa mommy niyo kaya ang gaganda niyo."   Nakangiting saad ni Daddy at napangiti ako.

Umupo ako sa tabi ni kuya Cloud at Prince.  Nakangiti ang mga ito habang nakatingin Kay baby Sydney.

" Kuya, hindi  pa ba kayo uuwi?" Tanong ko Kay kuya Cloud at  humarap ito sa akin na nakakunot ang noo.

"Pinapaalis mo na ba ako ngayon? Parang Hindi mona  mahal ang kuya mo." Nagtatampong sagot nito.

"Eh kuya, iniisip ko lang si ate Calle, baka naiinip na yun sa kahihintay sayo. At saka ang hirap kanyang  mag-alaga ng bata." Paliwag ko sa kanya at tumayo na ito.

"Ito na nga diba, uuwi na. Ikaw talaga, basta mag iingat kayo dito. Isasabay ko na rin si daddy sa akin. Oh, Prince, wag kalimutan ang napag uusapan natin huh? Paalam na sa inyo."
- Cloud.

"Kuya dahan dahan sa pagmamaneho. Diretso na sa pag uwi at wag pupunta kahit saan. Okey."  Paalala ko dito.

"Yes sis." Sagot nito at saludo pa sa akin.

Lamapit ako Kay daddy at kinuha sa kanya si baby Sydney.

"Dad, maiingat kayo." Bilin ko dito.

"Eh kayo rin. Babalik ako sa susunod na araw para bisitahin ang mga apo ko ulit. Paalam mga apo." Wika ni Daddy.

"Bye lo.." Magkasabay na sabi ng dalawa Kong anak.

"Yaya, kayo na ang bahala sa dalawa." Bilin ko sa dalawang kasambahay.

"Yes ma'am." They answered in chorus.

"Good night mommy and baby Sydney." Sambit ni Princess at takbo papunta sa kanyang silid.

"Good night mom." Tipid na saad ni Prince.

"Good night too son."  Sabi ko at himalik ito sa aking pisngi.

Pumunta na ako sa amin habang karga karga ang natutulog na si Sydney.

Dahan dahan Kong inilapag sa kanyang crib at umupo ako sa kama.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang tatlong rosas  na nakapatong sa side table. Lumapit ako dito at kinuha ito.  Biglang bumilis ang tibok ng aking puso ng amoyin ko ito. Ang bango at pamilyar sa akin ang amoy  ng rosas na ito. Ganitong ganito ang Amoy ng mga Rosa's na ibinibigay sa akin ni Tyler dati. Ang bango.

Inilagay ko ang mga ito sa flower base at nakangiting akong pumasok sa banyo.

Pagkatapos Kong maglinis ng katawan ay nahiga ako sa kama.



Napangiti ako ng malawak dahil ang bait bait ni baby Sydney kagabi. Dalawang beses lamang iyong gumising at dalawang beses ko lamang din iyong pinasuso.  Pero ang dahilan kung bakit maganda ang gising ko dahil sa magandang panaginip.

Dinalaw ako ni Tyler sa aking panaginip pero ang ipinagtataka ko lang, parang totoong nangyaring hinalikan niya sa aking mga labi.

"He kissed my lips in my dreams." Pabulong Kong saad at napahawak sa aking mga labi.









VOTES
COMMENTS
FOLLOW

 MR. STRANGER  (COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara