Chapter 9

11.8K 308 5
                                    

Malapit na ang Feb. 14. Gusto niyo bang makatanggap ng maraming bulaklak? Magpakamatay kayo, I'm sure, marami ang mag effort para mabigyan ka lang nang bulaklak.
😂😂😂😂😂😂😂😂
Joke only....!!!!!
Wag gawain , bad yun mga baby.
Hahahaha😂😂😂😂😂😂😂

😘
Happy
Reading
&
Happy Valentines
(Advance)

CHAPTER TWELVE

SHANLEI POV:

Limang buwan na ang nakalipas simula noong nawalan ako ng trabaho sa Santillan Company.
Hanggang ngayon ay hindi parin nagpakita sa akin ang salarin. Tsk! Dapat lang!. Sana huwag na siyang magpapakita pa dahil hanggang ngayon ay galit parin ako sa kanya.


Sa araw na iyon pumunta pa ako sa Satillan building. Maki usap sana Kay Xander na huwag na mona niyang tanggapin ang ipinasa ng asungot na yun na resignation letter. At baka pwede niyang bawiin ang sinabi niya last time.


Gusto niya rin akong pabalikin sa trabaho, ngunit ayaw niyang gawin dahil ay para rin naman daw sa kabutihan ko.

Hindi ko talaga maintindihan. Ano bang dahilan niya? Bakit ba makakabuti sa akin ang hindi na magbalik sa trabaho. Eh hindi nga okey yun, dahil mawawalan ako ng trabaho. Tsk!

Hindi ko rin tinanggap ang trabahong inalok niya sa akin.
Hindi ako magtatrbaho sa bwisit na lalaki na yun.

Kahit nawalan ako ng trabaho sa Santillan Company ay laking pasasalamat ko na laging nandiyan si kuya Cloud.


Kuya Cloud help me. Inayos niya lahat ng papeles ng Coffee shop ni mommy na nakapangalan sa akin. Tuluyan na niyang ipina ubaya ang pamamahala sa akin.

Matagal na ngang gusto ni kuya Cloud na ako na ang mag manage pero ako lang itong palaging tumatanggi.

Pinabayaan na siya ni daddy sa mga pasya niya. Dahil matanda na daw si kuya kaya alam na daw niya kung anong nakakabuti para sa akin. Pero hanggang ngayon ay hindi parin ako magawang kausapin ni daddy. Masakit para sa akin dahil ramdam kong sinisisi nya parin ako sa pagkamatay ni mommy hanggang ngayon. Kahit hindi niya sinasabi pero iyon ipinaparamdam niya sa akin. .

Natatawa ako sa tuwing naala ala ko ang inasta ni Zaina noong nag uusap kami ni Xander . Nakabusangot siya at panay irap Kay Xander . Ang malala pa, when Xander asked her about his report, umalis siya na para bang walang narinig.

Bumisita siya sa bahay noong nakaraang araw. Namimiss niya na daw ang kambal. Ewan ko ba sa babaeng iyon. Hindi niya rin sinasabi sa akin ang problema niya. Pero kahit hindi niya sasabihin, nakikita ko ang matinding kalungkutan sa kanyang mga mata. I think it's about Xander, because she's deeply in love with him.

Hindi na muling nagtanong si Princess about Tyler. Pero may napapansin ako sa kanilang dalawa. Palagi silang nagbubulungang dalawa. Kapag tinatanong ko sila, iniiba nila agad ang usapan. Parang may tinatago sila na di ko dapat malaman.

.

I checked the time. It's already 3:40 pm. Inayos ko ang mga gamit ko. Susunduin ko ang mga anak ko ngayon sa paaralan.
Si Mia na ang bahalang magsarado sa coffee shop mamaya. Siya ang palagi Kong pinagkakatiwalaan pagdating sa coffee shop.

 MR. STRANGER  (COMPLETED)Where stories live. Discover now