Chapter 8: Go Back

20 0 0
                                    

Nanginginig ang mga kamay ko, may hawak akong baril, maraming dugo na bumabalot sa katawan ko.
Tinutok ko yung baril sa ulo ko at dahan-dahan kong kinalabit ang gatilyo



...BANG!
At nagising ako. Tangina panaginip lang pala, ang bilis ng tibok ng puso ko at natatakot ako

"You okay?"tanong sakin ni Gabriel

"Yeah, I'm okay. Asan na tayo?"

"Medyo malayo pa, gutom kana?" Tumigil sya sa daan tapos may kinuha sa likod. "Here" sabay abot sa akin yung burger na hawak nya. Sinimulan ko nang kainin yung burger, gutom na ako eh, na alala ko yung gaano ka caring si Gabriel sa akin noong nanliligaw palang sya, halos busog ka pagkasama mo sya, magaling magluto. Hanggang sa naging kami ang bait nyang jowa, yung hindi ka mag-aalala sa future mo dahil sya na yung perfect guy na inaasam mo... pero hindi pala, yang perfect looking guy is a jerk.

Sa tinagal-tagal ng biyahe sa wakas naka rating na din kami sa destinasyon namin, andito kami ngayon sa rest house nila Gabriel, dito kami mag-stay. Kasama namin yung caretaker nung bahay si Manong Kurt

"Oh, mga sir buti napadalaw kayo"-Manong

"Opo, isang gabi lang kami dito"-Gabriel

"Ay sige po, pasok na po tayo, magpapahanda na po ako ng makakain nyo saglit lang po"-Manong

"Sige po Manong"-Gabriel

Pumasok na kami sa bahay, pinilit akong sa kwarto nya kami matulog ni Gabriel pero sa guest room ako matutulog at wala syang magagawa. Nakaligo na ako at ginamit palang yung damit ni Gab. At may biglang kumatok,"Sir, ready na po yung pagkain" sabi nung isang Yaya nila Gabriel."Okay po" sabi ko.

Tapos na kaming kumain, papunta kami ngayon kila Kaine malapit ko ding kaibigan, nagpa-party kasi sya sa bahay nila dahil wala yung parents nya. Nakarating na kami sa kanila, ang lakas nung music at ang daming tao yung iba lasing na at nagwi-wild, makikita mo nalang yung iba naghahalikan walang pakealam paligid nila. Pero hindi ko makita sila Kaine.

"Tara na"sabi sakin ni Gab, naglakad kami papunta sa likod ng bahay, merong masukal na gubat, pinasok namin yun sinundan yung daan, ang dilim at yung liwanag lang nung buwan ang ilaw namin. Pagkarating namin sa gitna ng gubat merong isang maliit na pinto sa sahig na may nakasulat na "go away" "danger" "keep out" at pumasok kami dito. Ang loob ang isang maliit na kwarto,
puno ng gamit... gamit sa pagpahirap ng tao.

"Oh andito na pala kayo" sabi nung nag salitang babae na naka-upo sa dilim, tumayo sya at lumapit kay Gabriel, sinubukan nyang halikan si Gabriel, pero pinigilan sya.

"Sorry Kaine, natagalan kami sa biyahe"-Gabriel

"It's okay" sabi ni Kaine kay Gab. Bumaling ang atensyon nya sa akin at sinabing "Hi Devi, welcome back". Nginitian ko lang sya

"Asan si Maia?" Tanong ko

"Ay, hindi mo pa ba alam?... alam mo bang may boyfriend na sya"-Kaine

"Edi thats good for her"

"Yah, they dated for such a long time, but..."-Kaine

"But? What?"

"But... I saw the guy is cheating on Maia"-Kaine

Ayaw na ayaw kong sinasaktan ng iba ang mga kaibigan ko, mas lalo na ang best friend ko.

"Gab, bakit hindi mo agad sinabi?"

"Wala lang. masaya lang na makita kang iritado, kaya hindi ko sinabi"-Gabriel

"Asan yung lalaki?" Tanong ko sa kanina, at ngumiti sila

PLEASANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon