"Take off your shirts--"

Nanlaki ang mata ko. "Hala gago! Ang agresibo mo naman! Ire-rape mo 'ko no?"

Pinanlakihan niya rin ako ng mata. "Your mouth, Dwarfy. Stop it." May kung ano siyang inabot sa backseat kapagkwan ay inabutan ako ng itim na damit.

Pasimple ko iyung inamoy. Ang bango! Parang siya!

"Wear that. I'm gonna turn my back while you're  taking off your shirts. Just hurry up. You might catch cold."

"Ba't kaylangang tumalikod pa? Pwede ka namang manuod--charot lang! Heto naman!" bawi ko nang samaan niya ako ng tingin.

Nang tumalikod s'ya'y saka ako naghubad. Tinutukso ko pa at baka sinisilipan niya lang naman ako sa salamin.

"Shut up!" masungit na aniya kaya napahalakhak ako.

Nang matapos ay agad naman siyang naghubad sa harapan ko dahilan para mapaawang ang labi ko.

"Ang hot naman ng Baby Damulag ko," ani ko at hindi ko na naiwasang dumukwang sa kanya at hinalikan siya sa abs. Hindi pa naman ganun ka-develop pero malapit na.

"Fuck, Kaye! Stop it!"

Echosera! Napairap ako. Stop it daw pero hindi naman ako tinutulak papalayo.

Hanggang sa makabihis siya'y masama pa rin ang tingin sa 'kin ni Kartini. Kaya hindi na ako nakatiis at kinagat siya sa balikat. Sakto namang traffic at malakas ang ulan kaya na-stuck kami sa daan.

"What the hell!"

"What the hell mo mukha mo! Ba't galit ka? Ako dapat ang galit sa 'yo kasi nagpanggap kang hindi marunong magtagalog--"

Naputol ako sa sasabihin nang bigla niya akong hinalikan sa labi. "Okay na? Hindi ako galit. 'Wag ka na rin magalit sa 'kin babae ko."

Nag-iwas ako ng tingin at muling sumandig sa bintana. Ang sweet lang niya at ang cute niya magtagalog at okay na sana kung hindi lang babae ko ang naging tawag niya. Parang tunog bayaran lang kasi ako. Pota!

Tumagal pa kami ng halos fifteen minutes dahil sa traffic. Paunti-unti lang ang pag-usad ng sasakyan kaya nababagot na ako.

Napahikab pa ako kasabay pa ng pagtunog ng sikmura ko. Bigla akong nagutom.

"Nagugutom ka ba, babae ko?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Babae ko talaga?"

Inosente naman siyang tumango. "Oo dahil ikaw lang ang babae ko."

Umirap ako. Weg ke nge! "Mag-English ka na lang."

Siya naman ang bumuntong hininga. "Are you famished now my Lady?"

Tumango ako. "Oo at nilalamig ako kaya--" Kinindatan ko siya. "Gusto kong magpainit," pilyang bulong ko.

"Kaye!"

Napairap ako. Ang green minded naman! "Kamag-anak mo ba si Shrek ha?" Singhal ko. "Gusto ko lang mag-kanto--"

"Tumahimik ka babae ko!"

Muli akong napairap. Gusto ko lang naman kumain ng noodles. Ano bang masama? Mga taga-ibang bansa talaga, ang advance mag-isip at liberated. Nandadamay pa ng iba.

Nang may madaanang isang convenient store ay agad kaming bumaba ni Kartini. Nilalamig kasi talaga ako kaya ayun, kumain kami ng cup noodles.

"Hindi ka ba kakain?" ani ko matapos humigop ng sabaw.

Umiling siya. Tumango naman ako pero natigilan ako nang abutin niya ang kanang kamay ko at pinagsiklop 'yun sa kanya.

"You look sexy on my shirt," aniya, ngumingiti.

My Maton Girlfriend (On Going)Where stories live. Discover now