kabanata 9

1 0 0
                                    

Pero iba si sergio at iba rin si sergio na kasintahan ni lola elen. -bulong ko sa sarili.

"halika na ana umakyat na tayo gusto kona magpahinga."-sabi ko sa kaniya.ngumiti lamang sya at tiniklop ang larawan at tinago sa aparador na maalikabok.

"halika na ate."-tugon niya pa,kaya napangiti ako at umakyat.

habang paaakyat kami sa aming kwarto ni isang salita walang lumalabas sa aming mga bibig,napagdesisyunan kong magsalita.

"ana bakit mo nga ba kinuwento sa akin ang buhay ni lola elen?."-tanong kong muli sa kaniya.

Ngumiti naman siya at sabay sabing---

"gusto kolang ibahagi sa iyo ang kwento ng ating lola."

Nasa tapat na kami ng kwarto pero nagtaka ako ng hindi sumama sa akin si ana.

"ana akala ko ba'y dito ka matutulog sa aming kwarto?."-tanong ko.

"doon na lamang ako matutulog sa aking silid ate carmen."-tugon nya sa akin.ngumiti lamang ako at tumango.

Pagpasok ko ay nahihimbing na si ate tina,marahil ay napagod siguro ito.humiga ako sa kama at pumikit,ilang sandali pa ay hindi ako makatulog,kung kaya't napagdesisyunan kong magpalamig at sumilip sa bintana ng aming silid.

Napakalamig ng hangin habang tumatama ang malamig na simoy sa aking mukha at balat.

Nagulat ako ng nay nakita akong lalaki na nakatayo sa ilalim ng puno.

Noong una'y akala ko multo pero si sergio pala ito,napangiti naman ako sa kaniya habang nakatitig pa rin siya sa akin.

ng bigla akong matauhan,bakit andito siya e napakalayo ng san luiz dito?. -takang tanong sa sarili.napapikit naman ako at pag dilat ko wala na siya.

Nagtataka pa rin ako marahil ay ilang araw kona siyang hindi nakikita,kung kaya't namamalikmata lamang ako.

maya maya pa ay napagdesisyunan kong magpahinga na dahil tinatawag na ako ng aking antok,humiga nako sa kama at pinikit ang aking mga mata.




"hindi ayoko ama hindi ako makakapayag!."-sigaw ko.

"kailangan mong maikasal kay eduardo,upang magpatuloy ang magandang samahan ng kanilang pamilya at sa atin."-sigaw ni ama sa akin.

"ngunit ama hindi ko gusto si eduardo."-pagmamakaawa ko.

"matutuhan mo ring mahalin si eduardo pag-dating ng araw kung kayat wag kang sumuway."-sigaw pa ni ama.

Andito ako ngayon sa aking silid at hindi pa rin matigil ang aking mga luha.

"sergio nasan kanaba?magpakita kana sa akin at itanan mo ako,ayokong matali sa lalaking hindi ko naman kayang mahalin at ibigay ng buo ang aking puso. -sambit sa aking sarili habang umiiyak.

dumampi nanaman ang malamig na hangin sa aking balat.kung kaya't napag desisyunan kong magpalamig at sumilip sa binta ng aking silid ng biglangg---

"sergioo ikaw ba yan aking sinta?mag-tanan na tayo at lumayo kay ama. -sambit ko sa sarili.

Naiyak ako at napa-pikit sa sobrang galak,at inayos ang aking mga gamit,muli akong sumilip wala na si sergioo.

"sergioo nasaan ka?bat mo nanaman akong nagawang iwan?sa kalagitnaan ng aking pag-hihinagpis."-sigaw ko.muli nanamang tumulo ang aking luha,at napagtantong marahil namamalikmata lamang ako.

hindi na babalik si sergio matagal na niya akong iniwan,kaya napapikit ako at nagsimula nanamang umiyak.



"gising na anak."-tugon ni ina.

Nang magising ako naalala ko lahat,isa lamang panaginip iyon,ngunit bakit?..bakit ko siya napanaginipan.

Bumaba nalang ako upang mag-almusal.

hindi naman ako umiimik,kaya nagtataka sika sa akin.

"carmen anak may nararamdaman kaba?."-tanong ni ina.

"wala po ayos lang ako ina."-tugon kopa.pagkatapos ay umakyat nako sa aming silid.

Bakit ako ang nagsilbing elen sa panaginip ko?nakakapagtaka lang at hindi naman iyon si ama.

Bakit hindi ko nakita ang mukha ni sergio sa aking panaginip,iyong sergio ni lola elen?malabo ang kaniyang mukha pero alam kong si sergio iyon.

Ang sergio ni lola elen.

Marahil ay binabagabag lamang ako ng aking panaginip kung kaya't nagakakaganito ako,panaginip lang iyon carmen. -sambit sa aking sarili.

* * * * *

Pabitin muna tayo hehehe :' )

I'm inlove with a ghostNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ