kabanata 4

1 0 0
                                    

"nandito na tayo sa tulay binibini."-sambit ni mang cris.

kung kaya't diko natanong si sergio kung pano nya nalaman ang pangalan ko.

Dahil nagmamadali nga ako bumaba na agad ako.

"salamat mang cris"-tugon ko.

Habang naglalakad ako ay nauna na,ang kalesang sinasakyan ni sergio.nagulat ako ng biglang dumungaw at kumaway sa akin si sergio,habang sumisigaw nang---

"paalam binibini gusto sana kitang,makita ulit sa susunod na linggo."-pasigaw na sabi nito.

Kumaway din ako at biglang "sumigaw ng,ako den nais kang makita sa susunod na linggo."at tuluyan ng nakaalis ang kalesang sinasakyan niya.

Lakad takbo ang ginawa ko,upang makarating ng mabilis sa aming bahay,malapit na mag-dilim kaya binilisan ko ang takbo ko pauwi sa bahay.

"sa wakas nandito na ako."-mahinang sambit sa aking sarili.nagulat naman si ate tina kaya't tinanong nya ako.

"bakit ganiyan ang itsura mo aking kapatid?may humabol ba sa iyong mga mandurukot?."-takang tanong nito.

Natawa naman ako sa kaniyang reaksiyon.

"hindi ate nag-ehersisyo lamang ako,nilakad ko mula plaza pauwi ng ating tahanan."-pagsisinungaling ko sa kaniya.

"bakit ka naman naglakad ng ganon kalayo carmen! eh may kalesa naman at pwedeng pwede ka magpahatid dito."-sambit nyang muli.

"kase ate wala akong pera pambayad sa kutsero."-kunwaring nahihiyang sambit ko.

"ganoon ba aking kapatid,halika at magpahinga ka muna sa loob ng bahay."-pag-yaya niya sa akin.

Tinungo nya ang kusina at kumuha ng tubig,upang ibigay sa akin.

"ate tina nasaan po sila ama at ina.?"-takang tanong ko.kase madalas nandito si ina sa baba at nagtatahi ng tela,ngunit wala siya at hindi ko rin naman naririnig si ama sa taas.

"ah si ama dumalo sa pag-pupulong sa bayan biglaan nga eh,si ina naman nandon siya kay donya trinidad at inimbitahan syang bumisita roon."-pag sagot niya sa akin.

"ah maaari bang umakyat muna ako sa aking silid?."-tanong ko sa kaniya."sige magpahinga kana muna."-tugon niya sa akin.

At dali-dali akong umakyat sa aking silid.nagulat naman ako kase nakita ko si nini na nag lililinis nang aking silid.

"nariyan na po pala kayo binibining carmen."-sabi nito sa akin.nginitian ko naman siya.

"maaari bang lumabas kana muna sa aking silid."-mahinang sabi ko.

"masusunod binibini."-tugon nyang muli.

Andito ako at nakahiga sa aking higaan,habang iniisip ang taong kanina ko pa lamang nakilala.pero nagtataka paren ako kung bakit niya ako kilala,wala talaga akong maaalala na sinabi ko sa kaniya ang aking pangalan.

Ay nakuu,sana naman makita ko siyang muli sa susunod na linggo."-sambit ko sa aking sarili.

hindi naman mawala ang mga ngiti sa aking labi,na labis kong ipinagtaka.

Hindi maaari carmen ni hindi mo pa nga siya lubusang kilala,ngayon pa lamang kayo nagkita at nagka-usap. -sambit ko sa aking sarili.

Napagod ako ngayong araw at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising na ako,at gabi na pala.agad akong bumaba at bumungad sa akin sila ama at ina,pati naren si ate na nakaupo sa hapag kainan.

"sakto ipatatawag na sana kita kay nini."-sambit ni ina sa akin.

Lumingon naman si ama sa akin,at biglang nagsalita.

"halika na at maupo kana kakain na,upang makapag-pahinga tayo ng maaaga."-sambit niya sa akin.

At sinimulan ko ng kumain,tahimik lamang kami marahil ganon naman palagi,ayaw ni ama ng maingay sa harap ng hapag kainan.

Natapos na kami at,tinulungan kong magligpit si nini,at si manang flor sa paglilinis ng lamesa ng biglang---

"bakit ka naglilinis riyan?"-takang tanong ni ate.

"hindi naman sa inaaasa namin lahat ni ate,ang gawain kila nini at manang flor,ngunit pati ako'y nagtaka asa aking sarili.marahil ay hindi naman talaga ako naglilinis ng lamesa tuwing matatapos kaming kumain,kaya nagulat din ako sa aking giangawa.

"ah--eh tinutulungan kolang sila manang flor at nini,para mapabilis ang kanilang trabaho,at makapag-pahinga narin ng maaga ate."-pagpapalusot ko sa kaniya.

Pagkatapos kung tumulong kay manang flor at nini,ay agad akong umakyat sa aking silid,upang makapag-pahinga nga maaga.marahil ay napagod din ako kanina.

I'm inlove with a ghostWhere stories live. Discover now