kabanata 1

5 0 0
                                    

"Ano ba iyan carmen,bakit hindi kapa nabangon sa iyong higaaan?."-rinig kong sambit nang aking nakakatandang ate,si ate tina.

Mula sa baba rinig na rinig ko ang paghiyaw ni ate tina,kung kaya't nagmamadali akong bumangon,at nag-ayos ng aking sarili.

Pagka-baba ko ay agad kong nakita,si ama't ina na kasama ni ate tina ngayon,at nasa hapag-kainan na.

"ang bagal mo kumilos carmen!."-mahinang sambit ni ate tina.

ngunit ang aking ipinagtataka,ay wala ang aking kuya carlos,na mas nakatatanda pa kay ate tina.

"A--ate?."-mahinang sambit ko.

"nasaan ang ating kuya carlos?."

"maaga syang umalis upang makabiyahe ng maaga papunta sa maynila."-sambit ng aking ate.

"o siya kumain na,at ng makadalo na tayo sa ating simbahan sa bayan."-pag-basag ni ama,sa aming usapan ni ate tina.

Sumakay sa unang kalesa si ama't ina, habang kami naman ni ate tina ay sa panagalawang kalesa.

Sobrang tahimik habang nakasakay kami ni ate tina sa loob ng kalesan to.

"ate tinaa maaari ba akong umalis mamaya?."-pagbasag ko sa katahimikan.

"at saan ka naman magtutungo?."-seryosong tanong niya sa akin.

Hindi ko naman masisisi kung bakit,napaka tahimik at masungit si ate,dahil nag-mana siya sa aming ama,na si don pedro.

"ah-eh pupunta lamang ako sa plaza upang maglibot."-mahinang sambit ko.

"kung ganon maaari ba akong pumun---hindi kona natapos ang aking sasabihin nang biglang magsalita si ate tina.

"siguraduhin mong babalik ka bago ang dilim,at walang ibang kakatagpuin na kahit na sinong binata."-sambit nyang mahina ngunit madiin.

Nandito na kami sa bayan kung saan nakatayo ang simabahan sa aming bayan,nakita ko namang bumaba si ama't ina sa kalesa.

naglakad kami patungo kila ama't ina,ng biglang may makaagaw ng aking atensyon,isang matipuno at matangkad na lalaki.

Diko namalayan na,nakatitig lang ako sa kaniya.

"carmen ano pabang hinihintay mo diyan?!"-sigaw ni ate na halatang inis na dahil saken.

Agad akong tumakbo,habang bit-bit ko ang aking mahabang palda.

"sandali lang ate at papunta na ako riyan."-sigaw ko sa kaniya.

I'm inlove with a ghostWhere stories live. Discover now