05. December

61 3 0
                                    

December

(Note: See media for the first song. Tara iyaq. HAHAHAHA.)

Naniniwala ako sa divine intervention. Naniniwala ako na eventually, gagawa ang universe ng paraan para i-reward ka sa mga mabubuting bagay na ginawa mo. It’s more commonly known as “karma”, and I think I’ve done enough good in my life at dalawang beses na akong biniyayaan ng universe this year pagdating sa mga petsa na hindi magaganda ang mga alaala. For example, noong September 16, ibang lalaki na ang papasok sa isip ko. Imbis na marinig ko ang mga bulungan namin ni Rambo sa gabing iyon, ang boses na ni Nigel na kumakanta ng “Best Part” ang maririnig ko. At last month, sa birthday ni Rambo, imbis na maalala ko ang pagkakaalam ko na mas importante sa kanya yung Janine, ang aalalahanin ko na sa susunod na mga taon ay ang impromptu na hangout namin ni Nigel.

Ayokong isipin na may chansa ako sa kanya, pero parang nalulunod sa usok ang utak ko every time na nginingitian niya ako. Hindi ko naman masasabing super close na kami, dahil parang one-time na conversation lang naman yun, pero nagpa-pansinan kami sa campus. Lagi akong tinutukso nina Annette at Kim, pero okay lang naman kay Nigel na may ganun basta hindi siya binabastos. Buti naman at may sense din namang magbiro ang dalawang yun. Ang kinakatakutan kong makasama kung magka-salubong kami ni Nigel ay si Jesse. Hindi ko alam kung anong pwede niyang gawin kung ganun ang mangyari. Buti lang at ibang college siya at sobrang liit ng possibility na magkasama kami sa campus, but it’s still possible and it’s still scary.

And, as I feared, dumating nga talaga ang araw na nagkasama talaga kami nina Jesse sa campus. University Christmas Party namin ngayon, at magkasama kaming apat nina Jesse, Kim, at Annette na pumunta pagkatapos ng klase. Si Rambo naman, hindi sumama. Noong tinanong siya ni Annette kung bakit ayaw niya, na-test ang patience ko sa sagot niya. Muntik ko nang itapon ang sofa sa kanya.

“Oh, Rambo, di ka sasama?” tanong sa kanya ni Annette paglabas niya sa CR na naka-sando at boxers lang. “Magbihis ka na!”

‘Wag kang sumama. ‘Wag kang sumama. Please lang.

“Meh, okay lang. Dito lang ako sa bahay, tatapusin ko na lang ‘tong series na pinapanood ko,” sagot niya. Tumalikod ako ng mabilis para di nila makita ang ngiti ko. ‘Yan. Buti ‘yan. I just wanna celebrate Christmas in peace so ‘wag mo nang sirain.

“Isa pa,” dagdag niya. “Baka masira ang gabi ni Matt kung sasama ako.”

Bigla akong napa-balik ng tingin sa direksyon. The fuck did you just say?

“Hala, okay lang yan. Magkakaibigan tayo, di’ba? Okay lang di’ba, Kuya Matt?” epal ni Jesse. Gago talaga ‘to. Hindi ako nito titigilan hanggang ‘di ko kinukwento sa kanya ang nangyari sa pagitan namin ni Rambo.

Nakangiti naman si Rambo na naghihintay ng sagot. So that’s how you wanna play, huh? Magpapapilit ka? Not today, sir.

“Okay lang naman kung dito lang siya. At least may babantay ng bahay. Tutal, pang-aso naman ang pangalan niya,” sabi ko, at nag-apply ulit ng pressed powder kasi parang nag-oily ulit ang mukha ko. “Let’s go. Baka sa likod tayo mamaya manonood ng live band. Di pa naman ako matangkad.”

At nauna na akong lumabas. Di na lang ang iba sumagot kaya sumunod na lang sila.

Therefore, I conclude in teleserye icon Ivy Aguas’ words, “’Wag ako.”

**

Buti lang at hindi pa masyadong marami ang tao sa field pagdating naming apat. Medyo natatakot ako na makasalubong namin si Nigel. Mapapahiya ako ng wala sa oras kung magkataon, especially dahil nandito si Jesse. Wala pa namang filter ‘yan. Buti na lang nagreklamo si Kim na nagugutom siya, nag-volunteer naman ang isa.

People Like UsWhere stories live. Discover now