CHAPTER 28- FEAR AND DOUBT

Začít od začátku
                                    

"Actually, hindi naman pangit ang ugali ni Beatrice. She's just enjoying her own game, I guess?" seryoso niya pang sabi. Natameme naman ako. "Nakakatawa kasi talaga ang reaksyon ninyo sa mga pinagagawa niya sa inyo... Nevermind..." pagtatapos niya pa sa kanyang sasabihin nang mahalatang titig na titig ako sa kanya.

Wait a minute, hmmm? Gusto niya ba si Beatrice?!

"Ell."

Agad naman na napalingon ako. Nang makita ang nandidilim na mukha ni Ash ay pasimple kong siniko si Mer para ipakalas ang kanyang kamay na nakaakbay sa akin. Bahagyang lumayo naman siya sa akin.

"Uy, Boss, good afternoon," bati pa sa kanya ng pinsan.

"Good afternoon? Noon palang."
Pagtatama niya pa.

"Gano'n na rin 'yon. Afternoon or noon basta ang mahalaga, crush ko si Marci at wala kang magagawa sa bagay na iyon," may halong pang-aasar niya pang sagot.

"What do I care if crush mo ang girlfriend ko, Lovimer?" malamig ang kanyang tono.

Ngumisi lang naman ang isa.

"Wala ka palang pakialam?" nangungutya pang usisa ng lalaki sa kanya pero imbes na patulan niya pa ay marahan na hinila na lang ako papasok sa DH.

Nagseselos na naman siya, panigurado iyon.

"Maupo ka na lang diyan," aniya sabay turo ng bakanteng mesa na katabi pa nina Kenya at Dailann. Sinunod ko nalang siya, mukhang badtrip eh.

"Marci, after mong kumain, lalabas ka ng camp," saad ni Kenya dahilan para mapalingon ako sa kanya.

Napakunot-noo ako habang inaanalisa ang kanyang sinabi. Tanong ba iyon o utos? Hindi ko naman kasi nahihimigan ang tanong sa sinabi niya eh.

"You mean, kung lalabas ako ng camp?" paglilinaw ko pa talaga.

Umiling naman siya dahil nasa bunganga niya pa ang kutsarang hawak. Tinanggal niya iyon tsaka ako sinagot.

"No. Ang sabi ko lalabas ka ng camp."

So, utos nga iyon at hindi tanong. Haduf talaga ang babaeng ito, ako lagi ang na pagdidiskitahan eh.

"Bakit naman ako lalabas, aber? You're aware I'm preparing for a mission, so when I leave, it's simply to gather information."

"Ibili mo lang naman ako ng cake, gusto ko Red Ribbon."

Napataas-kilay na talaga ako. Iyon ang pinakaayaw ko sa lahat, eh. Ang utusan ako na hindi man lang kababakasan ng pakiusap.

"Hindi mo ako utusan, Kenya," malamya kong saad. "Ayan si Dailann, utusan mo. Ano pa't nag-asawa kayo kung hindi mo siya kayang utusan, ha?" dagdag asik ko pero umirap lang ang gaga sa asawa niya.

"Yan din naman ang sinabi ko sa kanya Marci, pero ayaw niya eh. Ikaw daw talaga ang gusto niyang bumili," sagot naman ni Dailann.

Napakamot na talaga ako sa noo. Hindi pa rin ba tapos ang paglilihi niya? Kainis naman. Sinasabi ng matanda na dapat daw lahat ng hilingin ng buntis ay kailangang mapagbigyan or else makukunan ito.

To summarize that stupid pamahiin, susundin ko talaga ang utos ng bruhitang ito?

"Kenya naman. Iba na lang, please?"

"Ikaw gusto ko, Marciella, eh. Please?" Nakiusap din, sa wakas. "Or kung ayaw mo, ipagbalat at hiwa mo na lang ako ng sibuyas. Mga sampu."

"Sampu?!" nagugulat ko talagang tanong.

What the heck?

"Yes, gusto ko magluto ng puro sibuyas lang talaga," excited niya pang saad.

"White onion?" usisa ko ulit.

A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat