Chapter 9

1 0 0
                                    

“Hindi naman sinabi sa akin niyang ate Mabelle mo na pupunta pala siya sa Baler para salubungin ang bagyo”, pagalit na wika ni Nanay Agnes.
“Nay, bakit ba parang bago sayo ang pagpunta ni ate sa mga ganyan? Eh lagi naman po siyang napunta kung nasaan ang bagyo ah”, tugon ni Rizzle.
“Pero anak, hindi mo ako naiintindihan. Iba dun. Baler yun anak. Baler”, panggigigil na sagot ng ina.
“Bakit nga po Nay? Maganda naman po sa Baler ah. Gusto ko ngang pumunta dun at magbakasyon eh”, sagot ni Rizzle sa kanyang ina.
“Ay nako! Akin na nga ang cellphone ko at tatawagan ko yang ate mo”, pagalit na utos ng ina.
Napakamot na lamang ng ulo si Rizzle habang iniaabot ang cellphone ng kanyang Nanay.
Ilang beses na tinawagan ng kanyang Nanay si Mabelle ngunit hindi ito sumasagot.
“Naku anak! Baka kung ano ng nangyari sa ate mo”, pag-aalalang wika ng ina.
“Nay, may sa pusa po yun si ate. Hindi yun basta-basta mapapaano dun. Nakakailang bagyo na yun na hinarap Nay at hanggang ngayon alive at kicking pa rin si ate. Hayaan n’yo po Nay mamaya tatawagan ko, baka sakaling sumagot. Busy lang po siguro yun ngayon”, pagpapalakas ng loob na sagot ni Rizzle sa ina.
“Sana nga anak”, tugon ng ina habang umiiling ng ulo.
Habang nagliligpit ng pinagkainan si Rizzle ay bigla itong  nagtanong sa ina, “Teka Nay, sa dinami-dami naman na ng napuntahan ni ate Mabelle na lugar tuwing may bagyo eh parang ngayon ko lang po kayo nakitang ganyan kaalala sa kanya.”
“Naku anak, kung alam mo lang”, tugon ng ina.
“Ano nga po yun Nay? Paano ko nga pong malalaman kung ayaw mo naman pong ipaalam. Nay naman, tayo-tayo na nga lang nila ate magsisikretohan pa ba tayo. Aha! Baka may ex-boyfriend kang nakatira dun Nay. O di kaya, taga Baler ang tunay na mga magulang ni Ate. Hindi kami tunay na magkapatid ni Ate, Nanay?”,  pangungulit na tanong ni Rizzle.
“Ha? San nanggaling ang lahat ng yun? Ikaw Rizzle tigil-tigilan mo na yang kapapanuod mo ng mga teleserye ha? Nag-iiba na ang takbo ng utak mong bata ka”, pasigaw na sagot nito.
Bago pa man makapagsalita pang muli si Rizzle ay muli ng nagsimulang magkwento ang kanyang Nanay.
“Bata ka pa kasi nun ng mamatay ang ama mo”, malumay na wika ng ina.
“Bakit Nanay, may kinalaman si Tatay sa Baler? Dun na ba siya naninirahan ngayon? May iba na ba siyang pamilya? Nay, akala ko ba patay na si Tatay, Nay magsalita ka?”, sunod-sunod na tanong ng anak.
“Hay! Ewan ko sa’yo. Kakausapin ko nalang ang ate mo. Tawagan mo agad pagkatapos mong maghugas ng pinggan dyan! Ang gulo mong kausap”,  pagalit na wika ng ina.
“Nay naman. Pinapasaya ko lang po kayo para di kayo mag-alala kay ate. Alam ko namang mahal na mahal n’yo kaming dalawa kaya alam kong kung si ate ang nasa katayuan ko ngayon at nag-aalala ka sa akin eh pasasayahin ka rin po nun para di ka na mag-alala. Bati na tayo Nay”, paglalambing na sagot sa kanyang ina.  
“Ok sige na. Bati na tayo. Ayusin mo na yan. At tawagan mo na ang ate mo”, pag-uutos ng ina.
Matapos maghugas ng pinggan at maglinis ng hapagkainan ay tinawagan ni Rizzle ang kanyang ate Mabelle.
Nagkausap ang dalawa matapos ang limang minutong kumustahan.
“Nay, kakausapin mo po ba si ate? Ok naman daw po siya don!”, pasigaw na wika ni Rizzle sa inang nasa banyo.
“Sige anak sandali lang”, tugon ng ina.
Bago pa man maibigay ni Rizzle sa ina ang cellphone ay natapos na ang tawag.
“Naku Nay, wala na pong load”, kunot noong pagsasabi nito sa ina.
“Ikaw talagang bata ka”, wika ng ina sabay pagpalo sa puwet ng anak.
“Ang tagal n’yo kasi Nay lumabas ng banyo. Tapos ako po ang sisisihin n’yo”, pabirong sagot nito na kumakamot ng ulo.
#

Ikalabing-isa’t tatlumpu’t apat na minuto ng umaga. Madilim sa labas. Umaambon.
Magkasama ang grupo nila Mabelle sa isang evacuation center kung saan naroon din ang batang kanilang tinutulungan na mahanap ang kanyang mga magulang. Hindi nila alintana ang gutom sa serbisyo ng kanilang pagtulong. Marami kasing mga dumating na tulong mula sa iba’t ibang pribado at publikong ahensya.
“Boy, anong pangalan mo?”, malambing na pagtatanong ni Mabelle sa bata.
Habang may lamang pagkain ang bibig ng bata ay sumagot ito, “Rafael po, ate”.
Hindi naintindihang mabuti ni Mabelle ang sinabi ng bata at tila iba sa kanyang narinig ang sinabi nito, kaya muli siyang nagtanong, “Raphael ba ang sabi mong pangalan mo?”
“Opo. Rafael po na may F at hindi P”, tugon ng bata.
Natawa si Mabelle sa sagot nito. Napatawa nalang din ang bata kahit hindi niya alam kung ano ang dahilan ng pagtawa ng dalaga.
“Ate, bakit po tayo nagtatawa?”, tanong ng bata.
Umiling si Mabelle at nagwika, “Ah, wala naman. May naalala lang ako.”
“Ah… Nakita n’yo na po ba sila nanay at tatay ko?, pangungulit na tanong nito.
Hindi agad nakapag-isip ng maisasagot si Mabelle kaya’t agad na nagsalita si William.
“Ginagawa namin ang lahat upang mahanap sila nanay at tatay mo sa abot ng aming makakaya, Rafael”, nakangiting pagsagot ni William.
“Salamat po. Sana po makasama ko na sila”, malungkot na wika ng bata.
Habang tumutulong ang buong team sa pagbibigay ng relief goods sa mga nasa evacuation center ay nakita nilang parating si Raphael. Agad itong sinalubong ni William.
“Bok, kumusta ka?”, bungad na tanong nito sa kaibigan.
“Ayos lang ako. Kinailangan ko lang huminga. Yung bata asan na?”, tugon ni Raphael. “Gusto ko siyang makausap”, dagdag nito.
Agad na sinamahan ni William si Raphael kung nasaan ang batang si Rafael.
Hindi nakapagsalita si Raphael ng makita ang bata at agad niya itong niyakap.
“Sino po kayo?”, tanong ng bata.
“Ako si Kuya Raphael”, sagot ng binata.
“Talaga po? Magkapangalan po tayo? Rafael din po ang pangalan ko”, masayang tugon ng bata.
“Talaga ba?”, namamanghang pagtatanong ni Raphael.
“Ang galing magkapangalan po tayo, pero F po yung sa pangalan ko hindi P. Kayo po?”, tanong ng bata.
“Ha? P ang meron ko. PH. R-A-P-H-A-E-L”, sagot ng binata.
“R-A-F-A-E-L naman po ang sa akin. Ang galing! Raphael matanda at Rafael bata”, manghang-manghang bigkas ng bata.
Napangiti si Raphael habang nakikipag-usap sa bata ngunit hindi maitago ang kalungkutan na nararamdaman nito.
“Maaari ba kitang makausap?”, tanong ni Raphael sa bata.
“Magkausap na po tayo hindi ba?”, tugon ng bata.
“Oo nga naman”, napangiting sagot ni Raphael.
Isinama ni Raphael ang bata sa sasakyan habang nagpatugtog ng masasayang awit. Isinama niya ito sa tabing dagat. Gayong sa mga sandaling iyon ay hindi kagandahan ang tabing dagat dahil sa maraming kalat at madumi din ang kulay ng tubig dulot ng nagdaang bagyo.
Nilibang niya ang bata sa mga simpleng kwento ng kalokohan niya mula ng pagkabata pa lamang niya. Hanggang maging sa mga pagtulong niya sa kanyang kapwa at lahat ng positibong bagay na ginagawa niya magmula ng siya ay maulila.
“Alam mo ba? Lahat ng ‘yun nagawa ko… dahil ako si…”
Agad na sumagot ang bata, “Raphael the brave!”
“Kita mo na?, pareho tayo di ba? Ikaw din si Rafael the Brave, with F”, wika ni Raphael sa bata.
Nang mga sandaling iyon hindi pa rin nababanggit ni Raphael sa bata na wala na ang kanyang mga magulang. Dahil sa masayang kwentuhan ng dalawa mas pinili na muna ni Raphael na hindi sabihin ito.
Pagbalik nila ng evacuation center ay patuloy sa masayang kwentuhan ang dalawa. Nakita ni Mabelle kung paano makipag-usap si Raphael sa bata. Napapangiti ito ng lihim.
“Uuuyyyy… may napapa smile”, pangungulit na biro ni Roji.
“Ako tigil-tigilan mo Roji ha? Baka mainlove na ako neto”, panggagatong sa pang-aasar ng isa pang kasamahang si Ramses.
“Mga bwisit!”, pagsigaw ni Mabelle sabay alis sa mga kasama.
Agad namang bumalik sa ginagawa ang dalawang nambubuwisit.
#
Alas nueve ng gabi. Maaliwalas ang kalangitan. Maraming bituin na nagniningning.
Mas pinili ng grupo ni Mabelle na manatili sa evacuation center kaysa bumalik sa kanilang hotel. Habang nakaupo si Mabelle sa ilalim ng puno at nakatingin sa mga bituin ay kinakausap nito ang kanyang sarili.
“Sa dami na ng lugar na napuntahan ko para sa trabaho. Bakit parang ngayon ko lang ayaw umuwi? Bakit parang napakagaan sa akin ng trabaho ko dito kahit na nahihirapan ako?”
“Siguro dahil may inspirasyon ka dito”, isang boses mula sa kabilang gilid ng puno.
“Hoy! Roji at Ramses. Pinagtitripan n’yo nanaman ako. Sasapakin ko na kayong dalawa”, pagalit na pagbabanta ng dalaga.
“Roji? Ramses?”, tanong ng tinig na kaniyang naririnig.
Sa pagkakataong iyon ay naibahan siya sa boses. Wala sa pamilyar na boses ng dalawang katrabaho ang kanyang narinig.
“Sino ka?”, gulat na pagtatanong ni Mabelle.
Agad na nagpakita mula sa kabilang gilid ng puno ang Tito ni Raphael.
Agad napatayo si Mabelle at gulat na bumati, “Ah. Magandang gabi po. Sino po kayo?”
“Ako nga pala si Rey. Ang Tito ni Raphael. Nakita mo ba siya?”, pagpapakilala at pagtatanong nito.
“Nice meeting you po. Hindi po. Hindi ko pa po siya nakikita mula kaninang hapon. Baka po kasama si Rafael”, nalilito-litong pag sagot ng dalaga.
“Mabelle, si Raphael nga ang hinahanap ko. Kasama ni Raphael o kasama ni William?”, naguguluhang pagtatanong ni Tito Rey.
“Ah! Yung batang Rafael po. Yun po yung tinutulungan niya. Sige po. Mauna na po ako. Sabihin ko po na hanap n’yo siya pag nakita ko”, pagmamadaling tugon ni Mabelle, bago alis.
Natagpuan ni Mabelle na magkasama sina Raphael at Rafael. Nakahiga ang dalawa sa damuhan at nakatingin sa mga bituin sa kalangitan. Hindi agad na sabi ni Mabelle ang dapat niyang sabihin kay Raphael. Umupo ito malapit sa dalawa upang makinig sa pinag-uusapan ng mga ito.
“Naalala mo, sabi ko sa’yo kanina di ba lahat ng ‘yon kinaya ko dahil ako si Raphael the Brave!, sabi yun sa akin ng Daddy ko bago niya ako iwan. Bago nila ako iwan”, malungkot napagkukwento ni Raphael.
“Nila? Sino pong nila?”, tanong ng bata.
“Sila ni Mommy ko. Namatay silang dalawa dahil sa isang malagim na trahedya. Nakakalungkot man pero lahat ng yon kinaya ko. Kasi alam kong dapat akong maging matapang… maging matatag… para sa sarili ko. At para matuwa din sila sa akin kahit na wala na sila sa tabi ko”, pagpapalakas-loob na mga salaysay ng binata sa batang pinalalakas at inihahanda ang loob.
“Kaya dapat ikaw din. Kahit sa anong pagkakataon. Kahit anumang mangyari dapat Rafael the brave ka rin”, dagdag pa nito.
“Pangako po! Magiging Rafael the brave po ako palagi. Tulad mo kuya Raphael”, matikas na sagot ng bata.
Biglang napaubo si Mabelle dahil sa nangangating lalamunan nito.
“Ah. Excuse me”, wika niya.
“Kanina ka pa ba d’yan?”, tanong ni Raphael.
“Medyo”, sagot ng dalaga.
“Narinig mo ang kwentuhan namin?”, tanong muli ng binata.
Kasabay nang pagtaas ng kamay agad na sumagot si Mabelle, “Raphael the Brave! Yey!”
Nagkatinginan at napatawa na lamang ang tatlo.
“Dapat ikaw din po magkwento ng buhay mo ate”, wika ng bata.
“Ha? Bakit pati ako?, Mauna na ako. May gagawin pa ako eh”, patakas na sagot ni Mabelle.
Bago pa man makaalis si Mabelle ay hinawakan ni Raphael ang kamay nito upang hindi makaalis at sinabing, “Pagbigyan mo na yung bata”.
Napatingin si Mabelle sa pagkahawak sa kamay niya. Napangiti ito at hindi na nakatanggi pa kaya nakisama na rin siya sa kwentuhan.
“Gusto ko rin malaman ang tungkol sa pamilya mo ate”, wika ng bata.
Nagkwento si Mabelle tungkol sa kanyang pamilya ngunit hindi niya nababanggit ang tungkol sa kanyang ama. Tinanong siya ni Raphael tungkol dito. Hindi nakasagot si Mabelle.
“Ok. Baka hindi ka pa handang mapag-usapan kung ano man yon”, wika ni Raphael.
“Hinde. Ok lang. Patay na si Papa. Bata pa lang ako nung namatay siya. Hindi ko lang alam kung paano dahil hanggang ngayon hindi pa rin nasasabi ni Mama. Wala din naman kaming dinadalaw sa sementeryo tuwing araw ng mga patay. Ewan. Pare-pareho tayo. Maagang iniwan”, sagot ng dalaga na nakalimot sa sitwasyon ng bata.
Agad na nagkatinginan ang dalawa at napatakip ng bibig si Mabelle.
“Ano pong sabi n’yo?”, listong pagtatanong ng bata.
“Sabi ni Ate Mabelle, pareho daw kami. Maagang iniwan ng tatay namin”, pagpapalusot na sagot ni Raphael.
Nalungkot ang bata. Napaisip.
“Sorry Rafael”, wika ni Mabelle sabay yakap sa bata.
“Siguro nga iniwan na ako nila tatay at nanay. Nararamdaman ko yun. Parang hindi ko na sila makikita”, malungkot na pagbigkas ng bata.
“Bago pa kasi nila ako pinasama sa kapitbahay namin para lumikas sabi ni Tatay magpapakabait daw po ako. Huwag ko daw silang alalahanin. Tapos hinalikan nila ako ni Nanay. Hindi po nila ginagawa yon. Sinabi pa nila na mahal na mahal na mahal daw nila ako. Kailangan kong maging si Rafael the brave”, naluluhang pagsasalaysay ng bata.
Walang nasabi ang dalawa. Napaluha si Mabelle. Agad nilang niyakap ang bata dahil sa kalungkutan na nararamdaman nito.
“Maging matatag ka Rafael! Nandito kami ni Ate Mabelle mo para tulungan ka”, wika ni Raphael.
Muling bumalik sa pagkakahiga sa damuhan ang tatlo at patuloy na pinagmasdam ang kagandahan ng mga bituin sa kalangitan. 


Starlight ExpressWhere stories live. Discover now