Chapter 4

29 2 2
                                    

Bago pa bumaba si Raphael ng bus ay may natapakan siyang ballpen kaya't agad niya itong pinulot. May naka engrave itong MTF, initials ng dalaga. Binulsa na lamang ito ng binata. Sa pag-iisip nab aka sakali silang magkita ay maibalik niya ito.


Tuwang-tuwa ang kanyang Tito Rey ng makita siya pagbaba sa bus. Agad silang nagyakap sa kasabikan na muling magkita. Sumakay na sa sasakayan ang magtiyo at agad na umuwi sa kanilang bahay.


Malakas pa rin ang ulan, may ilang pagbugso ng hangin. Wala pang bagyo pero tila Signal No. 1 na ang nararansan sa kanilang lugar.


Gaya ng kinagawian ni Raphael at ng kanyang Tito Rey at Tita Andrea matapos kumain ay naglalaro ang mga ito ng baraha. Madalas nilang laruin ang Bulaanan.


BULAANAN: Anuman ang card na hawak mo, bago mo ito itira o ibaba ay kailangan mong sabihin kung ano ito. Maaaring kasinungalingan o totoo ang sabihin mo. Nasa mga kalaro mo ang desisyon yung totoo nga ba ang ibinababa mo o pawang kabulaanan lamang ito. Maari kang mabisto kung sasabihin ng kalaro ang salitang BULAAN! (sinungaling). Kung tama ang pagkabisto sa iyong baraha, mapapasaiyo ang lahat ng barahang ibinaba ng bawat isa. Ngunit kung ito ay mali, kung sino ang nagsabi nito ang syang magmamay-ari ng lahat ng barahang naibaba na.


Madalas matalo sa laro si Raphael kahit nung sya ay bata pa. Maging ng gabing iyon ay tila bumalik sa pagkabata si Raphael dahil minsan lamang sila Manalo sa kanyang Tito at Tita.


"Hanggang sa ngayon baga naman, hinde ka pa rin talaga marunong magbulaan anu?." Wika ng kanyang Tito Rey.


"Manang-mana ka talaga sa Tatay mo! Sa tuwing magbubulaan sa nanay mo ay laging nahuhuli! De talaga oobra kahit sa mga sorpresa nahuhuli agad dahil napaka tapat na tao.", dagdag pa ng kanyang Tita Andrea.


Muling nagbalik sa alaala ni Raphael ang kanyang mga magulang. Hindi maitago sa kanyang mukha ang kalungkutan. Kaya agad na iniba ng kanyang Tito ang usapan.


"Sya nga pala. Tungkol sa negosyo" wika ng kanyang Tito.


"Mukang may mali ata sa pamamalakad ng Head Manager sa ngayon, Aba! kung kelan dumami na ang turista dito sa Baler bakit parang wala namang dumadagdag na pasahero sa bus natin. Parang may mali!"pagalit na dagdag ng kanyang Tito.


Ngunit agad namang ibinaling ni Raphael sa iba ang usapan. "Kumusta na po pala si Rhoel sa Amerika?", tanong nito sa mag-asawa.


"Huli po kaming nagkausap ng humingi sya ng pabor sa akin na salubungin at kunin ang relief goods na padala nila sa para sa isang relief operations ng isang TV Station. Kaya lang pagdating ko dun ayaw ibigay sa akin ang mga bagahe dahil may ibang nakapangalan daw po", dagdag nito.


"Ah oo! Ayos naman ang pinsan mo doon. Ayaw na ata talaga kaming tulungan sa negosyo dito. Huling pag uusap nami'y magpopropose na daw sya sa kanyang girlfriend", sagot ni Tito Rey.


"Hay! Oo nga.. Ay ikaw baga Raphael, Kelan mo balak lumagay sa tahimik?" tanong ni Tita Andrea.


"Lagay sa tahimik?! Grabe naman Tita!", pabiglang sagot nito.


"OO nga naman Andrea, wala pang girlfriend si Raphael tapos lagay agad sa tahimik ang tanong?" magilas na pagtatanggol ng kanyang Tito Rey.


Napangisi ang binata.


"Kung ganon, Ay kailan na baga magkaka girlfriend? Masyado ka kasing busy sa mga charity works mo? Di mo pa ba nakikilala si Charity ng buhay mo?" pangungulit na tanong ng kanyang Tita.


Malakas na nagtawanan ang tatlo.


Bago pa matulog ay muling tumambay sa kusina si Raphael. Namiss nya kasi ang paboritong pako salad na madalas gawin ng kanyang Tita kaya kumain muna ito. Habang nakain ay nanuod ng telebisyon. Palipat lipat siya ng channel dahil walang magustuhang palabas sa mga oras na iyon.

Starlight ExpressWhere stories live. Discover now