BABALIKAN

63 1 0
                                    

BABALIKAN

Babalikan ang simula, simula ng tayo'y unang mag kita
Babalikan ang alaala, alaala nung tayo ay masaya pa
Babalikan ang tawa, tawa na pinag saluhan nating dalawa
Babalikan ang lahat nung ika'y kasama pa

Napaka sarap balikan ng panahong kasama ka
Panahon na tayo pa
Panahon na may ikaw at ako pa
Napaka saya ng mga sandaling Ako pa , Ako at wala ng iba pa

Masakit pala pag binalikan mo ang nakaraan na
Dahil babalik din ang masasakit na alaala
Babalik ang lungkot, lungkot nung ako'y iyong iwanan.
Iniwan mo ako at sumama ka sa iba.
Wala na sigurong mas sasakit pa

Nakaraan na nag bigay ng sakit at pag iisa
Nakaraan na hindi ko na dapat binalikan pa
Nakaraan na dapat kinalimutan ko na

Tama,
Ang tapos ay tapos na
Kaya kailangang kalimutan na at hindi na dapat balikan pa.

"Wakas"

Spoken Poetry EditionWhere stories live. Discover now