BULAKLAK

123 1 0
                                    

"aking binibini na walang kasing ganda
Ako sana'y pag bigyan na
Sa bawat salita na aking binibigkas ,
ito sana'y maramdaman na"

Naalala ko Pa ang mga kataga
Na lumabas sa mabulaklak mong dila
Sa bawat katagang binitiwan mo
nagmamarka na ito sa isipan ko.

"pangakong iingatan at aalagaan ka,
pangakong mamahalin at hindi mawawala
mga pangakong iyong binitawan
Pangako na saksi ang kalangitan"

Mga salita na nag bigay pagasa
Pagasa na ikaw at wala ng iba
Hindi man ako perpekto sa kanila
Pinadama mo naman na ako ay iba

Isama mo Pa, ang ilang kataga
Mula sa mabulaklak mong dila

"aking binibini
pangakong mamahalin ng totoo
Asahan mong, ikaw at ako hanggang dulo,"

Dila mong mabulaklak
Maganda at walang katulad
Na sa tuwing namumukadkad
Ika'y humahahalimuyak
Bulaklak na matalas ang tinik
tulad ng dila mong matinik

Ginoo
Para kang bulaklak
Maganda man at nakakaakit
Malalanta at malalaos rin
Tulad ng aking paghanga at pag ibig
Gaya ng bulaklak malalanta rin

Spoken Poetry EditionWhere stories live. Discover now