"Ikr gurl and after that we're gonna get drunk! I bought some liquors with me." Masayang saad ni Eltsen.

"Ha? Pwede ba yun?" Tanong ko.

"Pwede kung hindi ka magsususmbong." Saad niya at ngumisi.

"Let's go! Swimming!" Sigaw ni ate at hinila kami sa dagat.

Naka bikini sila kaya ang sesexy nilang tignan samantalang ako naka t-shirt at shorts lang. Wala kasi akong dala at hindi din ako komportable.

Nakita kong nag susurf sila Kenjie sa malalim na part ng dagat. Ang hawtt witwew. Ay no no erasing erasing! Ano ka ba Char?! Hays hindi nga pwede.

Nakita ko namang napasulyap siya sakin pero agad ding umiwas ng tingin. Hindi ko maintindihan pero parang sinaksak ang puso ko.

"Wohooo bonfire time." Masayang giit ni ate.

Andito ako ngayon sa room nila nakikitsismis.

"Eliza sure kana ba dyan sa outfit mo?" Tabong ni Eltsen habang nakataas ang kilay at nakapamewang.

"Oo bakit?" Nagtataka kong sagod.

Nakasuot kasi ako ng pajama para diretso na akong matutulog mamaya. Paniguradong nakakapagod yung bonfire kemerut na yun. Hindi pa kasi ako nakakatry ng ganun.

"Hmm wala never mind." Sagot niya.

Nagulat naman ako sa mga suot nilang ang sesexy. Baka lamigin lang ang mga to sa mamaya. Whatever men.

Pagdating namin sa labas ay nakapwesto na silang lahat ng pabilog habang may apoy sa gitna. Ang ganda mas lalo kang nakakamangha ang tanawin.

Umupo na kami nila ate at saktong kaharap ko si Kenjie pero hindi man lang siya tumingin sa gawi ko.

Hindi ko mapigilang mapasandal kay ate habang tumatawa. Ngayon ko napagtanto kung bakit sila nakapasok sa Elite Class. Bukod sa mga matatalino sila ay meron din silang mga angking talento.

May nag fire dance, may nag spoken poetry, may nag rap, beat box at kung ano-ano pa. Sana ol. Sana ol talaga.

"Splendid! You guys never fail to amaze me and now the most awaited part, jamming time! After jamming we're gonna go back inside na and rest. It's already 10pm so savor it while it last." Masayang giit ni ma'am.

"Kenjie go. Ikaw naman ang may pinaka magandang boses dito at magaling sa guitar kaya take it away." Saad ng isang kaklase nilang babae.

"Si James nalang. Masakit lalamunan ko." Saad niya.

"Oh bummer. Ikaw na Kenj!" Pamimilit ni Eltsen pero napa-iling lang si Kenjie.

"Hays ako na nga lang pero ikaw mag guitar bro." Saad nung James at binigay ang guitar kay Kenjie.

(Play music on the multimedia box)

//Pilit nating iniwasan
Ganitong mga tanungan
At kahit 'di sigurado
Tinuloy natin ang ating ugnayan
Ngayo'y naubos na'ng kwentuhan
Nagsimula nang magsisihan
Lahat ay parang lumabo
'Di alam kung sa'n tutungo//

Natahimik ang lahat ng mag simulang kumanta si James.

//Sabi ko na nga ba
Dapat no'ng una pa lamang
'Di na umasa
'Di naniwala//

Napatingin ako kay Kenjie at nahuli siyang titig na titig sakin. Hindi ko magawang iwasan ang mga tingin niya.

Napatingin naman ang lahat sa kanya ng bigla siyang kumanta pero nanatili ang mga mata niya sakin.

//Hindi tayo pwede
Pinagtagpo pero 'di tinadhana
Hindi na posible
Ang mga puso'y huwag nating pahirapan
Suko na sa laban
Hindi tayo pwede//

Pagkatapos niyang kumanta ay umalis agad siya at naiwan kaming tulala.

"O-okayy. I guess that's all for tonight. Let's all go back inside." Naiilang na anunsiyo ni ma'am.

Hindi na nga talaga pwede.

Hanggang dito nalang kami.









Paalam, my clarity.

That ML player thingWhere stories live. Discover now