Chapter Thirty Six

Start from the beginning
                                    



Me: " Si Stell. " Maikling sagot ko.



Nakita kong nilingon ako ni Stell nang marinig nitong binanggit ko ang pangalan niya. I mouthed 'Kingsley ' sabay turo ko sa phone nito referring sa kausap ko ngayon sa phone.



Stell: " Hi King! " Bati nito kay Kinsgley habang nakatihaya parin ngayon sa inuupuan nito.



Kingsley : " Paki Hi ako ni Stell. Tell him, may ibibigay ako sa kanyang mga signature clothes na never ko pang nagamit. I'm pretty sure he'll like it. Paki daan nalang dito sa condo please.. Tinatamad talaga ako ngayon eh. " Sabi nito.



Me: " Alright Alright.. " Sagot ko dito. " Sige daanan namin dyan mamaya. " Sabi ko dito at pinutol na agad ang linya. " Stell, dadaan tayo mamaya kina Kingsley. May ibibigay daw siyang mga Signature clothes sayo na never pa nyang nagamit. "



Nilingon ko si Stell nang mapansin kong walang sumagot. Nakita ko itong nakakubli sa maliit na hallway papuntang comfort room na para bang may pinagtataguan ito.



Me: " Anong ginagawa mo dyan? " Nagtatakang tanong ko dito.



Stell: " Sshhh... Wag kang maingay! Nandyan si Dorothy! " Pabulong na sabi niya at sumenyas na huwag akong maingay.



Nagtatakang nagpa lingon lingon ako sa paligid. Sinong Dorothy ang sinasabi nito? At bakit takot si Stell dito?



" Super Fan ni Stell. "



Muntik na akong napatalon ng makita kong may tao na pala sa likuran ko. It was Ken. Anong ginagawa nito dito at sumulpot lang itong bigla?



Me: " Dude! " Gulat na sabi ko dito. " Are you planning to kill me!??? " Singhal ko dito. " Aatakihin ako sayo eh! "



Ken: " Super obsessed na fan si Dorothy ni Stell. " sabay nguso sa babaeng nasa may entrance ng clinic.



Tiningnan ko itong mabuti. She's pretty. Basi sa suot nitong white slacks and white blazer na penaresan ng black shoes, I figured she's a student of some sort of any medical related course. Naka name plate din ito. Maputi ito at parang may halong dugong chinese or korean. Bagay dito ang suot na uniform.

Nilingon ko ulit si Stell pero nagmamakaawang sumensyas ito na wag akong maingay. So hindi na ako nag salita pa.

Nakita kong pumasok na ang babaeng naka puting uniform sa clinic at lumapit sa front desk.

SB19 || Love Me BackWhere stories live. Discover now