"I know Drix. Hindi ko pa kayang harapin ngayon. I need more time and now, gusto ko muna mag-focus sa goal ko at yun ay ang naudlot na dream ni Kuya" nakangiti kong sambit sa kanya.

"Why not focus on your dreams?" taka naman niyang tanong sa akin.

"You know the reason and singing is my passion. Anytime pwede kong maabot yun, maraming pwedeng tumulong sa akin pero ako ang may ayaw" simple ko lang na sagot sa kanya.

"It's up to you basta nandito lang ako kapag kailangan mo ko"

"All I want now is peacefulness, kaya mo ibigay? Kahit ilayo mo sa akin yung dalawang iyon" sabay turo ko kanila Jahnice at Mae na nakahiga sa beach bed habang nakababad sa arawan. Mukhang narinig nila ang sinabi ko kaya agad na tumayo at lumapit sa amin.

"Sabi ko naman sayo my dear friend, kung gusto mo nang katahimikan takpan mo yang tenga mo" sabat naman ni Jahnice at umupo na sa tabi ko.

"Walang katahimikan habang nandito kami, minsan na lang tayo magkakasama-sama oh" sabay irap naman ni Mae at nagulat ako ng bigla niya akong sinipa na ikinabagsak ko naman sa pool.

"What the hell, Mae. Nasa katinuan ka ba?" sigaw na tanong ko naman sa kanya at mga siraulo, ang lalakas ng tawa

"Baka sakaling matauhan ka. Ooopss mukhang malabo" at isa isa na nga silang tumalon sa tubig habang tawa nang tawa.

Napapailing na lang ako sa mga kabaliwan ng mga kaibigan ko. Nag-swimming na lang kami magkakasama, may paminsang kwentuhan at paglalaro.

"Okay wait, kukuha ako ng coins tapos ihahagis ko rito. Paramihan ng mga makukuha" sambit naman ni Mae at umalis na nga sa tubig sabay pumasok sa bahay na tinutuluyan nila. Pagbalik niya ay agad na hinagis ang mga coins sa pool.

"Seryoso ka jan Mae? Eh license diver 'tong si Senna kung di mo alam" iritadong sambit naman ni Jahnice na ikinatawa ko na lang. Mae just shrugged her shoulders, jump to the water and started the game.

I'm a licensed diver since I was 16 years old. I enrolled at Junior Open Water course that's suitable for 10-12 years old. Matagal din bago ko nakuha ang certification ko as a licensed scuba diver. I love being in the ocean that's why I entered scuba diving lesson at Lagro De Oro with my brother.

Isa-isa kaming umahon sa tubig habang hawak-hawak ang mhmga coins na mga napanguha namin sa inihagis ni Mae kanina.

"Count it" sambit naman agad ni Mae nang makaahon kaming lahat.

"I got 57 coins" sambit naman agad ni Hendrix pagkatapos niyang bilangin ang mga nakuha niyang coins.

"Mine 30" simpleng sambit ni Mae at tinignan si Jahnice

"ArrggGghhh!! kayo na marunong" iritado niyang sambit sa amin.

"Bakit, ilan ba nakuha mo? I have 89 coins" nakangisi kong sambit sa kanya

"Wala" iritado niyang sambit

"Oh ito piso, bili ka lollipop para hindi ka umiyak" sabay abot ko sa kanya ng piso na ikinatawa naman naming lahat.

"I hate you" sigaw naman niya sa amin habang kami naman ay naglalakad palayo sa pool.

Nag-ayos na agad ako ng sarili ko sa rest room malapit sa pool. Nagbihis na ako ng pamalit ko pagkatapos ay lumabas. Tumambay muna ulit ako sa gilid ng pool. Maghahapon na rin kaya wala na masyadong init.

"Lalim ng iniisip ah, lunod na kami" sarkastikong sambit na naman ni Hendrix ng makalapit sa akin at umupo na naman sa tabi ko

"Manahimik ka jan baka mamaya lunurin talaga kita"

"Try me! I know how to swim even though I'm not a licensed and professional" inirapan ko na lang siya at ikinatahimik na lang naming dalawa.

"What if he show his ass again?" out of nowhere he asked

"Maybe I gonna face him pero wag muna ngayon, darating ang mga Sandoval at busy pa ako sa review" sagot ko naman sa tanong niya.

"Don't worry, email ko sayo mga reviewers when we got home pero mukhang matatagalan kami rito" sagot naman niya sa akin

"Laking gastos, bakit hindi na lang kayo sa bahay namin mag-stay"

"Good idea ghorl. Drix, nakahanda na gamit mo" sagot naman ni Mae. Hindi ko naramdaman pagdating nilang dalawa. Pumasok kami sa bahay na tinutuluyan nila at laking gulat ko na nakaayos na mga gamit nila.

"Hanep! Lakas apog niyo ah." bulalas ko naman

"My dearest friend, thank you" sabay iniwan akong nakatanga sa bahay at naglakad na sila papunta naman sa bahay namin.

Hindi ko talaga alam paano ako nagkaroon ng mga kaibigang ganito. Lagi kong iniisip ano naging problema ko noon at naisipan ko silang gawing kaibigan.

"Kahit hindi mo sabihing mag-stay kami sa bahay niyo, gagawin namin. Dai, ansaket sa bangs ng rent dito" bulalas ni Mae habang hinahatak na ako palabas ng rest house na yun.

Napailing na lang ako sa kanila habang naglalakad na kami papuntang bahay. Mabuti na lang wala pa sila mama at kuya, panigurado ang dami na namang masasabi ng mga yun.

Inayos namin ang mga gamit nila sa kwarto na katabi ng kwarto ko. Si kuya ang umuukupa nun kaso madalas siyang wala kasi busy siya sa trabaho niya. Si mama naman mas gusto naman sa sala lang matulog 

"Ayos na yan, wag na mag-inarte" sabat ko naman nang maiayos na ang mga gamit nila.

"Ikaw Jah, san ka niyan?" baling naman ni Hendrix kay Jahnice nang makalabas ng kwarto

"Baliw, may bahay kami rito. Baba lang sa may mangrove jan" sagot naman ni Jahnice sa kanya. Siya lang din mag-isa sa bahay nila, may binabantayan siyang tourist spot which is the mangrove farm na pag-aari naman nila.

"Oo nga pala, yung farm niyo sino nagbabantay?" tanong ko naman agad. Ang lakas mag-aya may farm nga pala siyang binabantayan

"Wag mo isipin yun, may mga care taker kami roon kaya gora lang ako sa mga gala" natutuwa naman niyang sagot sa amin na ikitango na lang namin.

Kinagabihan, hindi umuwi sila mama at kuya kaya kami lang ang naiwan. Nalaman kong darating ang mga Sandoval sa makalawa kaya walang nakakapasok sa rest house nila. Ilang araw pa lang ako rito parang may isang malaking mangyayari na naman.

Napailing na lang ako at pumasok na sa kwarto ko para magpahinga. Tahimik na rin ang buong bahay, umuwi na rin si Jahnice na hinatid naman ni Hendix. Napabalikwas ako nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng mismong bahay namin kaya maingat akong lumabas ng kwarto.

"Shemay! Kala kung sino" bulalas ko nang makita kung sino ang pumasok ng bahay.

"Sorry natagalan, si Jah kasi" at pakamot siya sa ulo niya na ikinatawa ko naman.

"May gusto kasi yun sayo, ayaw lang aminin" sagot ko naman sa kanya at wala man lang kagulat-gulat sa reaksyon niya

"Alam ko" simple naman niyang sagot habang nakangisi

"Paano?"

"Hindi ako manhid Sens"

"Malapit na talaga yang pangalan ko sa Centavos eh"

"Oh edi ---"

"Oh shut up!" I cut him off and go back to my room.

Makakapanakit talaga ako ng kaibigan eh. Isang bigwas lang para mamahinga na agad.




----

A/N
Win the Fight po ang title ng kanta by Ylona Garcia. Keep reading luvs ♡

Summer LoveWhere stories live. Discover now