3 years ago ng utusan ako ni Rencho na hanapin ang nawawa nyang anak. Matagal nya na raw kasing hinanap ito. Akala ko noon nag layas lamang ito. Hanggang sa kinuwento sa akin ni tito rencho na sanggol pa lamang daw ang kanyang anak ng mawala ito sa kanya.

Sa mga panahong iyon kitang kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Kaya po pinangako ko sa sarili na hahanapin ko sya kahit anong mang yari.

Si tito Rencho ay matalik na kaibigan ng aking ama. Mula nung araw na yon lahat ng lead kung nasan sya inalam ko. Hanggang isang araw nahanap ko sya. Nang malaman yon nila tito tuwang tuwa sila.

Mas dumubli ang saya nila ng sinabi ko sa kanilang may mga apo na sila. Ngunit ng malaman nila kung sino ang ama ng kanilang mga apo ay namuhi sila sa taong yon. Di ko na din inalam ang dahilan. Basta ang alam ko lang galit sila sa lalaking yon.

Nang malaman naming may sakit ang isa sa anak ni anika ay labis labis ang kanilang pag aalala. Nais na nga nilang pag pakita kay anika pero naunahan sila ni Tyrone Samaniego. Kaagad na dinala ni mr. Samaniego sina anika sa amerika. Nag ngitngit sa galit si tito Rencho ng panahong yon. Pero di nya inuna ang galit nya. Mas inuna nya ang kapakanan ng kanyang nag aagaw buhay na apo.

Binayaran nya ng malaking halaga ang mga kilalang doctor para magamot ang kanyang apo. Lahat ng magagaling na doctor.

Nag tagumpay ang operation. Halos maiyak noon si tito rencho sa tuwa. Hanggang sa makita nya ang iba pa nyang mga apo. Nag pakilala sya sa mga ito bilang lolo nila. Kinausap din nya ang mga ito na wag sasabihin kahit kanino ang pag kikita nila ng palihim.

Nang araw ding yon ang inutusan nya akong mag pagawa ng kwentas para sa kanyang mga apo. Pero di basta bastang kwentas ang gusto nya. Gustong nyang sa pamamagitan ng kwentas na yon ay mamomonitor nya ang kalagayan ng kanyang mga apo. Kaya pinalagyan ko ang mga kwentas na yon ng hidden camera.

Hanggang sa bumuti ang lagay ni Aica at umuwi sila ng pinas. Nais non ni tito na mag makilala na sa kanyang anak. Pero di na naman yon na tuloy. Kasi nakiusap si Aica kay anika na don pagaling ng lubusan sa pudir ng kanyang ama. At gaya ni Anika walang nagawa si tito rencho kundi ang pumayag sa gustong mangyari ng apo.

Sa mga nag daang linggo nakasubaybay sya sa mga nang yayari. Hanggang sa isang gabi nasaksihan ng kanyang mga mata kung paano nasaktan di lang ang kanyang anak kundi kanyang mga apo.

Lalo syang nag ngitngit non sa galit. kaya ginawa nya ang lahat ng makakaya upang makapag higanti kay Tyrone Samaniego.

Nung araw na umalis sina anika sa puder ni Tyrone kaagad nya itong pinasundan sa akin. Hindi aksedente ang pag kikita namin ni Anika.

Ang bahay na tinutuluyan nila hindi ko talaga bahay yon. Bahay yon ni Tito Rencho.

Hanggang sa isang araw naabutan ko syang umiiyak. hawak ang isang lumang diary. Tinanong ko kung bakit pero nya ako sinagot. Binigay nya lamang sa akin ang hawak hawak na diary.

Nang mabasa ko ito don ko napag tanto na alam nya na ang totoo. Kaagad ko itong pinaalam kay tito.

Kinabukasan din ng araw na iyon ay nakipag kita sa akin si Tito kasama ang kanyang asawa na nanay ni Anika.

"Handa na kaming mag pakilala sa aming anak. Alam kong sa mga panahon na ito labis syang nasasaktan sa kanyang nalaman."

Malungkot na sabi ni Tita. Kaagad naman syang niyakap ni Tito.

Nang araw di ng iyon nag punta kami sa bahay nina anika. Gulat na gulat sya ng makilala kung sino ang kasama ko. Marahil ay kaagad nya itong nakilala.

Naging madamdamin ang tagpong iyon. Nag kapatawaran at syempre di lang si anika ang nasayahan ng makita ang tunay na mga magulang kundi pati na din ang mga bata.

Mabilis na lumipas ang mga buwan. Hanggang sa isang araw nalaman kung may sakit sya. sinundan ko sya non. Madalas kasi syang umaalis kaya napag pasyahan kung sundan sya.
Hanggang sa pumasok sya sa isang hospital. At doon ko nalaman ang totoo. May stomach cancer si anika. At ang malala stage 4 na ito ng malaman nya.

Nag makaawa sya sa akin na wag na wag sasabihin sa mga bata at sa kanyang mga magulang ang totoong kalagayan nya. Ayaw ko nung pumayag ngunit ng mag simula syang umiyak wala na akong magawa.

Lumipas pa ang ilang buwan lalong nang hihina si anika. Napapansin yon ng mga bata pero kaagad syang nag papanggap na ayos lamang sya.

Hanggang sa dumating yong panahon na nalaman yon nila tito. Labis silang nasaktan sa kanilang nalaman. Si tita iyak ng iyak samantalang si Anika ay sorry ng sorry sa kanila. Maging ako.

Naconfine si Anika nung saktong araw na umuwi sina tita galing state.

Hinang hina na sya non. Maging ang mga bata ay walang ibang ginawa kundi ang umiyak at malungkot.

Ilang araw syang hinang hina sya. At ang panghihinayang yon nag lead para ma comatose sya. Tumagal din yon ng isang linggo mahigit. Halos mawalan na ng pag asa non sina tito.

Pero malakas si Anika lumaban sya. Nagising sya ilang araw lang mula ng magising sya ng kinausap nya ako.

"Randal alam kung di na ako mag tatagal. Kaya gusto kung ipangako mo sa akin na hahanapin mo sya. Alam kung kilala mo ang tinutukoy ko. Sya ang lubos na kakailanganin ng mga bata higit kanino man. Gusto ko din syang makausap Randal pwede mo ba syang puntahan para sa akin. Gusto ko lang din mag paalam sa kanya. Parang awa mo na randal. Para sa akin at para sa mga bata."

Halos malagutan ako ng hininga non. Pero wala akong magawa.

"Mangako ka Randal. Kahit sa huling pag kakataon tuparin mo ang kahilingan ko. Alam kung di papayag sina mommy. Please Randal. Ikaw na lang ang pag asa ko."

Wag kang mag alala Anika tutuparin ko ang ipinangako ko sayo. Pupuntahan ko na sya. Para sayo at para sa mga bata.

Mahal na mahal kita kaya gagawin ko to. Kung san ka sasaya. Lahat gagawin ko para sayo.



                     

~The four angels of mine~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon