"Instead of a goodluck why not an I love you?"

Tumawa siya nang matahimik ako. "Kidding--"

"I love you, love."

Ibinaba ko na ang tawag at malalim na napabuntong-hininga.

"So you know how to say those words, sweetie. I thought you're different from your mother, hindi ka pa ba nadala sa kinahinatnan ng iyong ina?"

I stiffened when I heard the voice coming from my back. "What the hell are you doing here?"

Luminga-linga ako sa paligid at may mangilan-ngilan na napapatingin sa amin. Probably curious about Xenon.

Standing at 6ft tall, he was your typical handsome american guy with his gorgeous face and his muscular body. He would surely catch the attention of the crowd here in the Philippines. He's in his late 40's but he still have that looks that my mother loved and worshipped.

"I'm here because I wanted to see you, isn't that obvious?" He smirked and I badly wanted to slap him.

Tumalikod ako at naglakad patungo sa hagdan na bihirang ginagamit ng mga estudyante dahil nage-elevator sila idagdag pa na oras pa ng klase.

"Nagkasundo na tayo! Why the hell did you come here?!"

Sumandal siya sa dingding at naglabas ng sigarilyo. Iniumang niya sa akin ang isa pero hindi ko iyon kinuha.

"So what now? You also stopped smoking? Alice come on, this is not you,"

"Shut up!"

Humithit-buga siya sa hawak na sigarilyo bago ibinagsak 'yon at madiin na inapakan. Nawala ang mapaglarong tingin niya at mabilis akong isinalya sa dingding. Diniinan niya ang pagkakahawak sa panga ko.

"Don't shut me up, bitch!"

Nanindig ang balahibo ko nang bumaba ang mukha niya sa leeg ko at dampian ng halik iyon. "Who gave you permission to love?! Did he already f@cked you?! Goddamn it! You still smell so good," Ibinuhos ko ang buong lakas ko para maitulak siya.

"N-Nakakadiri ka pa rin!"

"Oh come on, para namang hindi mo nagustuhan ang mga ginawa ko sa 'yo noong hindi pa nabaliw ang nanay mo at napagdiskitahan ang pagkalalaki ko!"

Nang bumalik ang mga alaala ko sa ginawa niya sa akin ay nandiri ako sa sarili ko. Naramdaman ko na naman ang kagustuhan na lunurin ang sarili ko sa banyo at paulit-ulit kuskusin ang katawan ko.

"You disgusts me X, why can't you just kill me?"

"You're mine. How can I kill you?" Seryoso niyang saad sabay lapit sa akin para hawakan ang pisngi ko pero mabilis kong iniwas ang sarili ko palayo sa kanya.

"You're crazy,"

Ngumisi siya. "I know sweetie, I need you to be in the airport at 2 am, our flight to Los Angeles is 6."

"Why Los Angeles?! Gusto ko nang makita si Rence!"

"You'll see him after our transaction in LA and don't you dare mess it up."

Nang makaalis siya ay nanghihina ang tuhod kong napaupo ako sa lapag. Ni wala ng luhang tumakas sa mga mata ko. Unti-unti ko nang natatanggap na hindi na ako kailanman makakalaya mula sa kamay ni X.

Kumabog nang malakas ang puso ko ng may pares ng paa na huminto sa harap ko. Tumingala ako at bumungad sa akin si Migael. Ang mga mata niya ay puno ng katanungan.

Tumayo ako at aalis na sana nang hawakan niya ang braso ko. "Who is he, Alice?!"

"It's none of your business. I-I need to go,"

Falling Relentlessly (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon