CHAPTER 26- OFFICIALLY

Magsimula sa umpisa
                                    

"Naiintindihan ko," alangang sagot ng isa, halatang nasindak din.

Napailing na lang ako. May pagkamayabang din talaga ang Silang na ito but thanks to her concern. Lagi ko namang nararamdaman 'yon eh.

"Good. Hindi ko pinagsisihan ang pagsampal ko sa'yo kahit boss pa kita dahil well-deserved mo 'yon, haduf ka! Magkalahi nga kaya ng bwiset na Jinro."

Napangiwi na lang ako. Lumapit siya sa akin.

"Bakit? Sasampalin mo rin ako. Isusumbong kita kay Mommy!"
Inunahan ko na agad siya dahil parang gano'n ang gusto niyang gawin eh.

"Zsss, baka ikaw ang isumbong ko dahil ang tanga mo lang talaga. Sarap mong kunyatan, alam mo 'yon, ha?"

"Hindi ko alam," inosente kong saad para iniisin pa siya lalo. Umarko naman pataas ang kilay niya at tsaka hinila ako papayo kay Ash.

"Pangit ka lang talaga. Wag kang magpapaano kundi patay ka na talaga sa akin kapag nalaman kong nag-ano na naman kayo," pabulong niyang saad na ikinalaki ng mata ko. Bahagya pang nanginit ang pisngi ko.

Haduf talaga!

"Bunganga mo talagang haduf ka!" angil ko pa.

"Naniniguro lang ako, Del Pilar!"

"Oo na para maging payapa na 'yang madumi mong utak," sukong tugon ko.

"Good, tsaka bantayan mo 'yang Ash mo sa higad na Beatrice na 'yon. Ang landi-landi niyon, eh. Pati yata si Jinro ay trip pa."

Napaangat kilay naman ako dahil sa huling sinabi niya. "Kami ba talaga ni Ash ang dahilan ng ikinakainit ng ulo mo ngayon o ang panlalandi ni Beatrice sa mortal enemy yet Partner In-Crime mo?" pang-aalaska ko pa sa kanya. Sumama ang timpla ng kanyang mukha.

"Excuse me?! Wala akong pakialam sa isang iyon kahit pa magpapikot siya sa higad. Tsaka sakaling ang babaeng iyon ang makakatuluyan niya, eh di payapa!"
Tinalikuran niya na ako.

"Tanga ka!" saad ko pa dahilan para mapalingon siya sa akin.

"What?"

"Sabi ko tanga ka kapag hinayaan mong makuha rin ng higad si Jin. Ngayon palang ginagantihan na kita," pang-aalaska ko ulit.

"Wala akong pakialam sa unggoy na iyon. Payapa ang buhay ko kung tatantanan niya na ako." Pagkasabi niya niyon ay agad na lumabas siya at pabagsak pa na isinara ang pinto.

Agad na lumapit ako kay Ash. Sinipat ko ang mukha niyang sinampal ng gaga kong kapatid.

"Masakit ba?" natatawa ko pang tanong dahilan para mapanguso siya.

"Oo, ang lakas manampal ng kakambal mo, pero tama siya well-deserved ko namang masampalan eh."

Hinalikan ko naman ang namumula niya pang pisngi. "Sorry," sambit ko. "Ako na ang humihingi ng pasensiya dahil sa ka-bitteran ng kapatid ko," dagdag ko pa.

Naupo kami sa sofa na nasa sala. Ikinuwento niya sa akin na kinausap pala siya ni Gabriella noon. Yong totoo ay naantig ang puso ko dahil sa nalaman ko. Childish si Gab pagdating sa ibang bagay pero kapag ako na ang usapan ay feeling ko mas matanda pa siya sa akin kung kumilos at mag-isip. Mas magaling pa siyang gumawa ng mga desisyon sa buhay.

Naikwento ko rin sa kanya na nararamdaman ni Gab ang sakit na nararamdaman ko kaya galit ito sa kanya. Naiintindihan niya naman kaya ipinagpasalamat ko iyon.

Pumasok muna ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Pagkalabas ko ay nasa sofa pa rin siya at tila ba inaantok.

Ilang gabi na naman kaya itong hindi natulog? Napaka-workaholic talaga. May pagkakataon din naman na ginagawa na naming araw ang gabi pero iyon ay kapag kailangang-kailangan lang.

A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon