Ayaw kong pumihit paharap sa gilid ko dahil alam kong si Kartini ang nakatayo ngayon dito sa tabi ko.

Ramdam ko pa ang mariing tingin na pinupukol nito sa 'kin kaya mas lalo akong kinabahan at nailang.

Napapikit ako at nagbilang ng tatlo bago napagdesisyunang tumayo at akmang aalis na nang matigilan dahil sa pag-strum ng gitara.

I don't know what it is that you've done to me
But it's caused me to act in such a crazy way
Whatever it is that you do when you do what you're doing
It's a feeling that I don't understand

Napabuga ako ng hangin nang pakiramdam ko'y kinakapos ang hininga ko dahil sa malakas na pagtibok ng puso ko.

Dahan-dahan akong pumihit paharap kay Kartini para lamang maabutang mapungay ang mga mata nitong nakatuon sa 'kin habang akap-akap ang isang kulay itim na gitara at kumakanta.

Napaamang ako. Gusto kong kainin ako ng lupa dahil sa nangyayari ngayon. Bakit niya ba 'to ginagawa?

'Cause my heart starts beating triple time
With thoughts of loving you on my mind
I can't figure out just what to do
When the cause and cure is you

Napakurap-kurap ako at dinala ang kanang kamay ko sa aking dibdib at dinama kung gaano kalakas ang pagtibok ng puso ko.

Gusto kong umiwas at umalis pero masyado na akong nakuha sa mga titig ni Kartini. Alam ko din na kinukuhanan na kami ng video ng mga tao dito sa Cafeteria. May mga tumitili at karamihan ay nakangiti.

I get so weak in the knees, I can hardly speak
I lose all control and something takes over me
In a daze and it's so amazing, it's not a phase
I want you to stay with me, by my side
I swallow my pride, your love is so sweet
It knocks me right off of my feet

Tumigil siya sa pagkanta at inihakbang ang paa papalapit sa 'kin. Awtomatiko naman akong napaatras pero nahabol niya ako at hinawakan sa kamay at dinala 'yun sa dibdib niya.

"K-Kartini." Binawi ko ang kamay ko lalo na nang maramdamang kung gaano kabilis ang pagtibok ng puso ko, ganun din ang sa kanya.

Ngumiti siya at ginulo ang sariling buhok bago muling hinawakan ang gitara at nag-strum. "Dwarfy," aniya tumigil sa pagstrum at dumukwang papalapit sa 'kin at hinalikan ako sa noo.

Napapakit ako hanggang sa muli siyang umatras ng isang hakbang sa 'kin at muling nag-strum at kumanta.

"Can't explain why your loving makes me weak."

Kinanta niya 'yun habang nakatingin ng diretsa sa mga mata ko.

Agad naman akong nag-iwas nang makabawi at natauhan sa paghiyaw ng mga tao dito sa cafeteria.

Gusto ko nang umalis at pumunta sa hindi mataong lugar dahil hindi ko na kaya ang nararamdamang pagkabog ng malakas ng dibdib ko pero muli na naman siyang lumapit sa 'kin at dumukwang sa may teynga ko.

"Go on, run as long as you want. But I assure you, I will chase what my heart really want... and that is you, Kaye."

Nag-iinit ang pisngi ko at alam kong pulang-pula na ako ngayon. Hindi ko alam kung paano ako nakaalis sa cafeteria kahit karamihan sa kanila ay tinutukso na kaming dalawa.

Shit! Naihilamos ko ang sariling palad sa aking mukha. Paniguradong kakalat ang video na 'yun. Parang nagsisisi tuloy ako na hindi tinanggap ang bulaklak na inabot nung lalake kanina. Siguro kung tinanggap ko 'yun ay baka hindi gumawa ng ganitong eksena si Kartini.

Ano nang gagawin ko? Paniguradong tutudyuin lang ako nito nila Mickel oras na malaman nila.

"Are you okay, Kaye? Tapos ka na bang kiligin?"

My Maton Girlfriend (On Going)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن