No.1-dernier espoir(last hope)

11 1 0
                                    


"Kyla,bumalik kana pls"


Siguro kung ako parin yung dating ako matutuwa ako, magtatalon sa tuwa at parang gustong isigaw sa buong mundo kung gaano ako kaswerte nung binanggit mo yang mga katagang yan, pero hindi kasi sa tagal kong hinintay na halos araw araw kong iniisip kung paanong paraan mo yan sasabihin.


Nagmumukha na akong tanga sa kakaisip kung pano ka babalik sa akin dati pero dahil lang sa isang dahilan iniwan mo na ko.


Halos araw araw akong nagmamakaawa na bumalik ka, ang saya ko siguro kung bumalik ka ng mga panahon andun pa yung dating ako... pero wala na.

"jared, I'm sorry... Ayoko" banggit ko na ikinalungkot ng iyong mga mukha, mga luhang nagbabadyang tumulo,pagkagat sa labi na senyales na pinipigilan mong lumuha

"im sorry kyla kung iniwan kita,pls bumalik ka na"aniya ng nakayuko dahil alam kong ayaw mong nakikita kang umiiyak ng kahit na sino

"jared, nung mga panahon na gustong gusto kong marinig yan bakit hindi mo sinabi? Dahil ba napagod ka?"tanong ko na syang mas lalong ikinayuko ng yong ulo

"s-sorry" yan lang ang sinabi mo sa lahat ng sakit na naramdaman ko nun... yan lang masasabi mo?

"pinanindigan kita na di kita iiwan kahit di na masaya, di na nakakakilig, kahit mahirap na, kahit nakakapagod na... P*tangina, tapos sorry lang sinabi mo??" sabi ko at nagbabadyang tumulo ang luha ko pero pinigilan ko


Bakit ang hilig nyong mang iwan kapag di na masaya, kapag wala ng kilig, kapag may problema na.

Bakit ang pag ibig ba sa kilig lang?, sa saya lang ba?, kailangan ba ang pagmamahalan walang problema?

"sorry kung napagod ako" aniya at lumuhod ka ng dahan dahan sa harap ko na parang batang nagsusumbong dahil na agawan ng laruan ng kalaro.

"napagod ka?, jared isang beses lang ako napagod kakalaban sa relasyon natin, isang beses lang!. Gusto kong ikaw naman yung lumaban para sa atin... Alam mong babalik ako, lalaban ulit ako pero isang beses lang ako napagod iniwan mo na ko. Nagmakaawa ako na bumalik ka kahit pagod na pagod na ko! kasi nagtiwala ako na maibabalik pa natin na may pag-asa pa tayo, pero nang dahil sa ginawa mo nawala yung kakaunting pag-asa na kinakapitan ko" ang sobrang sakit lahat ng pinagdaanan ko ng dahil sa nangyari, buong buhay kong pinagsisisihan na di ko iningatan sarili ko, yung pag-asang nakikita ko naglaho nalang bigla.

"k-kyla alam kong dala mo yang anak natin, ayokong lumaki yan ng walang ama, gusto ko ulit mabuo tayo n-nagmamakaawa ako" isang malakas na sampal ang tumunog sa buong cafe na ikinatigil ng lahat ng naroroon at dahilan upang magsimulang magunahan pababa ang aking mga luha na kanina ko pa pinipigilan

"n-nang d-dah-hil say-yo n-nawala y-yung p-pag-asa k-ko"nanginginig kong sinabi na ikinatigil mo because reality hits you, na parang yung maliit na pag-asang pinanghahawakan mo ay biglang nawala

"ang tanga tanga ko para habulin ka at magmakaawa sayo, halos sambahin ko lahat ng santo bumalik kalang, pero sa kakahabol ko sayo napagod yung batang nasa sinapupunan ko" yung pag-asang nakikita ko pero nabalewala ko dahil sa kakahabol sayo, yung pag-asang alam ko na ikakabuo ulit natin kung pinakinggan mo lang sana ako kesa talikuran at tingnan na may pandidiri sa mga mata mo.


(flashback)

"Jared!!"

"Jaredd!!"

"Jareddd!!"

Napatigil ako sa pagsigaw at napatingin ako dahil sa linawag na tumatama sa aking mata na nanggagaling sa ilaw ng isang sasakyan. Hindi ko na lamang ito pinansin at itinuloy ko nalamang ang pagsigaw sa labas ng bahay nila jared. Kailangan nyang malaman na walang nangyari samin ni lance.

"Jare--"napahinto ako sa pagsigaw at napalingon sa aking likuran ng maramdaman kong may humawak sa aking balikat

"kyla pls stop, hindi maganda sa kalusugan mo yang ginagawa mo, tumigil ka na"banggit ng matalik kong kaibigan na kahit sa anong problema hindi ako pinabayaan

"N-NO!!,im sure jared will be happy about the truth"aniya ko at ipinagpatuloy ang pagsigaw ng kanyang pangalan sa kasagsagan ng ulan, nakita kong sinenyasan mo ang dalawa mong bodyguards at naramdaman kong may humawak sa braso ko ng pwersahan papuntang sasakyan kung kaya't pinilit kong kumawala sakanila at patuloy pa rin ang pagsigaw sa pangalan nya.


Ng nagawa kong kumawala sa kanila ay deretso akong tumakbo papunta sa gate nila na siya ring saktong bumukas at lumabas ang taong pinakamamahal ko

"Jared"sabi ko habang sumilay ang ngiti sa aking mga labi dahil alam kong may pag-asa pa para mabalik sa dati ang lahat


Sinalubong mo ako ng may malalamig na titig na may halong pandidiri, ngunit hindi ko pinansin iyon at patuloy pa rin sa paglapit sayo dahil alam kong babalik sa dati ang lahat kapag nalaman mo ang katotohanan.

"Jared, i need to talk t-"hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng bigla mo akong itulak ng malakas na siyang ikinabagsak ko kung saan nakaramdam ako ng sakit sa aking tiyan, ngunit ininda ko na lamang ang sakit.

"kyla, no need to explain everything sinabi na nila sakin, and i still dont care whatever the result is... You're still a whore in my eyes kahit anong sabihin mo hindi ba yun naman ang gusto mo? ang matikman ang isa sa mga kaibigan ko?, Now there you have it bakit gusto mo pang bumalik? Di ka pa ba satisfied?... Oh! Dont answer my question I dont even care to what a whore would've said. Please dont comeback at my house I dont want to see you again!"sabi mo at pumasok na ulit.


Hindi ko na napigilan ang sarili ko na humagugol dahil sa sakit ng mga sinabi mo, naramdaman kong yumakap sakin ang bestfriend ko na si hazel. Unti unting nagdilim ang aking paningin hanggang sa nawalan ako ng malay.


(end of flashback)


"nang dahil sa nangyari jared napabayaan ko yung sarili ko kakaisip kung pano ka babalik" aniya ko at patuloy parin sa pagiyak habang sinasabi lahat ng masasakit na nangyari

"walang maayos na tulog, hindi ako kumakain,tinangka ko pang magpakamatay ng ilang beses para lang mawala yung sakit na nararamdaman ko"aniya ko na punong puno ng pagsisisi sa lahat ng nabanggit ko

"dahil don nawala sya jared, dahil don"mas lalong lumakas ang aking iyak hanggang sa humagulgol na ako

Nawala yung anak ko dahil sa kapabayaan ko hindi sana sya bumitaw sa pagkakakapit nya.

"n-nagising nalang ako na wala na sya sa s-sinapupunan ko d-dahil sya ang pinaka n-naapektuhan sa lahat ng ginawa k-ko at di niya nakayanang k-kumapit" nangangatal kong sabi habang walang tigil ang pagpatak ng aking luha

"So as you can see jared yung pag-asang pinanghawakan ko dati wala na, yung chance na magbubuo ulit sa atin... Wala na!"
Aniya ko habang nanggagalaiti akong tumingin sayo ngunit dahan dahan ka ulit lumuhod sa harap ko ang paulit na nagsasabing sorry


Pinunasan ko na ang aking mga luha at tumayo na sa aking kinauupuan, kinuha ang aking mga gamit at nilagpasan si jared habang patuloy pa rin sya pag iyak. Sa aking paglabas sa cafe ay tumingala ako at tinitigan ang magandang kalangitan... I smiled seeing how beautiful the sky and knowing that my baby is at that beautiful place.


"baby alam kong nandyan kana sa taas at alam kong sasaya ka dyan, pero nalulungkot ng sobra si mommy gusto na kitang makita pero hindi pa ito ang tamang panahon"sabi ko sa aking isip tumingin na sa ako sa aking harap na nakataas noo at tuluyan ng umalis sa cafe.

One Shot StoryWhere stories live. Discover now