TWENTY ONE

165 43 15
                                    

"What's that smell?" lukot ang mukha na tanong ko kay Min Jun.

Naglilinis kasi siya ng banyo dito sa kwarto namin.

Naguguluhan niya akong binalingan.

Nakatopless siya kaya kita ko ang namumutok niyang mucles na basa na ng pawis. Kanina pa kasi siya naglilinis ng buong bahay.

"What? It's a muriatic acid, babe. Ayaw mo ba sa amoy?" nag-aalalang sabi niya at agad flinush ang bowl ng ilang beses.

"Parang ang lansa e," nakanguso kong sabi.

Bumuntong hininga naman siya.

"Doon ka muna sa kama, babe. Maliligo lang ako," sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.

Nakanguso akong sinunod ang gusto niya.

It's been four months since we moved here in the Philippines at ang pagbubuntis ko. May umbok na ang tiyan ko at pabago-bago na rin ang mood ko. Mabuti na lang at hindi nagrereklamo si Min Jun kapag siya ang napag-aabutan.

I really love him.

Maya-maya pa ay napahikab na ako.

No! I don't want to sleep yet baby!

I groaned.

Nitong mga nakaraang araw ay hindi na ako antukin pero kapag inantok ako ay talagang tulog talaga!

Kagaya na lang ngayon, hindi ko na lang napansin na nakatulog na pala ako.

"Yumi.." nagising ang diwa ko sa isang malambot ngunit malalim na boses ni Min Jun.

Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata. Napangiti ako nang makita ko ang gwapo niyang mukha.

Ang swerte ko talaga sa isang 'to
Kahit hindi pa kami kasal dahil napagdesisyunan naming ikasal matapos kong manganak dahil marami din kaming inasikaso nang lumipat kami rito sa Pilipinas. Nagretiro na siya bilang sundalo at ang inaasikaso na niya ngayon ang kompanya nila ng mga alak. Sikat ang kompanya nila kaya naging busy siya nang siya ang italagang bagong CEO.

"Hey baby, are you hungry?" malambing niyang tanong.

Umiling ako at ngumiti sa kanya. Niyakap ko ang mga braso ko sa leeg niya kaya lumapit ang mukha niya sa akin. Pinatakan ko siya ng halik sa mga labi.

"I love you.."

Napangiti naman siya kaya mas lalong sumingkit ang mga mata niya.

"I like your mood today, hindi mo ako pinapaalis," nakangusong aniya na nagpipigil ng ngiti.

Natawa ako.

"Hindi ko kasalanan 'yun. It's your child's fault, pinaglilihian yata kita," natatawang sabi ko.

Natawa naman siya.

Hinaplos niya ang tiyan ko at marahang pinatakan ng halik.

"Hindi ka pa lumalabas, baby, pinagdadamot mo na ako kay momma," pabulong niya sa tiyan ko.

Natatawang hinaplos ko ang buhok niya.

"Do you think it's a she?" mahinang tanong ko sa kanya.

Eksaheradong umiling siya.

"Oh no! I don't want to have a daughter yet, mas gusto kong lalaki ang panganay para may katulong ako sa pagbabantay sa magiging prinsesa ko," sabi niya.

Natawa na lang ako.

My poor baby princess, hindi ka pa lumalabas ay bantay sarado ka na, I'm sure of it.

38th Parallel #thewattys2020Where stories live. Discover now