THIRD NIGHT

12 9 0
                                    

Medyo may kalayuan ang byahe nila, mga forty-five minutes. Sumandal si Sarah sa bintanang salamin ng sasakyan at pinagmamasdan ang anumang kanilang madaraanan sa gitna ng byahe.

Napapangiti si Sarah sa tuwing may madadaanan silang kalsada na may maraming ilaw. Kaya lalo syang natuwa nung inilihis ng kanyang kuya ang sasakyan para sa kabilang bahagi sila ng bayan dumaan.

Isang mahabang tulay ang kanilang dinaanan na may sunod sunod na street lights. Sobrang dami, sobrang ganda! Bumagay pa ito sa madilim na paligid, bilog na buwan at nagkikislapang mga bituin.

Noong makalagpas na sila sa tulay ay kalsada ulit. Pero hindi ito ordinaryong kalsada lang. Sa kabilang bahagi ng kalsada makikita mo ang malalaking bundok at sa kabila naman ay ang dagat. May iilang bahay at street lights sa gilid. Medyo may kahabaan ang kalsadang iyon sa tabi ng dagat kaya kumuha si Sarah ng sitsirya mula sa pinamili nila, binuksan iyon at kinain.

Binuksan nya din ang bintana ng sasakyan. Tumambad sa kanyang mukha ang malamig na simoy ng hangin. Medyo dumungaw pa sya nang kaunti sa bintana para makita pa lalo ang paligid.

Nakita nyang ang magandang reflection ng buwan sa dagat. Naririnig nya ang hampas ng alon sa dalampasigan. At nararamdaman nya ang malamig na hangin na dumadampi sa kanyang pisnge. Umayos na sya ulit ng upo at pinagmamasdan pa rin ang kagandahan ng dagat.

Dahilan ito para siya ay matulala at magmuni muni.

Ang ganda talaga ng dagat! Kumikislap ito dahil sa liwanag mula sa buwan. Gusto ko ang ideya ng dagat, tahimik, kalmado at tuwing nakakakita ako ng dagat nawawala mga problema ko. Bukod pa dito, may alaala din sa akin ang dagat. Isang masayang alaala na hindi ko makakalimutan kasama ang taong mahal ko.

Mahal, diba gagawa dapat tayo nun ng project? Haha Pero hindi naman natuloy kasi kulang tayo sa miyembro at lumiban pa yung leader natin. Sa tabing dagat kasi yung napag usapan nating lugar para doon kumuha ng mga larawang gagamitin para sa proyekto natin.

Dahil kulang nga, uuwi na sana tayo pero dumating ang ibang kaklase natin na gagawa din ng kanilang proyekto. Pagkatapos nun, napagdisesyonan nating pumunta na sa dagat na yun. Wala man sa plano, natuloy nalang tayo doon kasama ang iba pa nating kaklase.

Seven NightsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt