Crush mo ba ako?

18 13 0
                                    

Kaya isang araw habang gumagawa tayo ng project, magkatabi tayo noon, tinanong mo ako kung may crush na ako.

Ako naman, akala ko may nararamdaman ka ring kakaiba sa akin kaya sinabi ko na sa iyo kung ano yung nararamdaman ko. Pero mali pala ako, yung akala ko maiintindihan mo, hindi pala. Bigla ka nalang tumayo at lumipat sa kabilang table. Hindi mo pala ako gusto! Sobrang nakakahiya yun. Buti nalang walang ibang nakarinig.

At simula noon, di mo na ako pinapansin, nilalapitan o kinakausap. Umiiwas ka rin ng mga tingin. Nagsisi ako noon sa sarili ko kung bakit ko yun sinabi sayo. May ilang gabi din akong umiiyak. Sobrang nasasayangan ako sa friendship natin kahit ilang months palang tayong magkaibigan.

Pero wala naman akong ibang choice eh kundi ang kalimutan ang mga nangyari at tanggapin ang lahat nang walang ano mang pagsisisi. Mag move on! Maging masaya kahit wala ka na sa tabi ko, ang mahalaga nasabi ko sayo yung nararamdaman ko, kahit naging masalimuot ang kapalit nito.”

At habang kinaka usap ni Sarah ang kanyang sarili ay unti-unti nalang syang naka tulog habang yakap-yakap ang larawan. Nakatulog sya sa kanyang kama.

Nagising si Sarah sunod na umaga dahil sa ingay sa labas ng kanyang kwaro. Mga kamag-anak nya pala ang dumating galing Manila kaya nag dali-dali na rin syang bumangon at inayos ang sarili.

Pagkatapos noon, pinagpatuloy nya ang kanyang pagliligpit sa kanyang kwarto. Isang araw si Sarah nag ayos sa buong bahay kaya pagod na pagod siya.

Seven NightsWhere stories live. Discover now