[SC 3]

20 4 0
                                    

"What's your order ma'am?"

"A piece of chocolate cake and one tall brewed coffee."

"Take out or dine in po?"

"Dine in."

"Okay ma'am. Please write your name here and you can find your seat."

I'm busy preparing 2 hand dripped coffee in ice as I heard the conversation.

"Ma'am kami na po diyan." Nginitian ko lang sila Belle at Shan.

"It's okay. Asikasuhin niyo nalang ang ibang orders." Sabi ko lang sa kanila at tinuon ang pansin sa tumutulong kape sa tasa.

Malamig ngayon sa Pilipinas. Sunod-sunod ang pag-ulan ngayong linggo kung kaya't marami ang dumidiretso sa café to drink coffee. Malamang.

"Jane, ibigay mo na 'to." Tawag ko sa isa sa mga waitress at inabot sa kaniya ang tray na may laman na kape.

"Careful." Paalala ko at pumunas ng kamay sa suot kong apron.

"Marami pa bang orders?" Baling ko kila Belle.

"Inasikaso na po nila Shan at Mike ma'am." Sagot niya sa 'kin kaya tinanguan ko nalang.

"Magpahinga ka muna ma'am." Dagdag niya pa.

Napahawak ako sa sentido ko. "Ayos lang po ba kayo?" Muling tanong ni Belle. Bakas sa tono ang pag-aalala. "Ayos lang." Tipid kong sagot. Uh mukhang kailangan ko rin ng kape.

Kumuha ako ng isang mug at nagsimulang gumawa ng cappuccino. I need this strong drink with a hot milk on top.

"Wala na pong may order ma'am."

"This is for me." Seryoso kong sagot at pinatuloy ang pagtimpla.

Narinig ko ang pagtunog ng wind chime.

"Alert Belle." Saad ko at tinuon ang atensyon sa kape.

"Hi! I want to order the owner of the café!" Nai-angat ko agad ang ulo ko ng marinig ang boses na iyon.

"Sean!" I called and he showed me his dimple again.

Agad kong tinanggal ang suot na apron at agad na lumabas ng counter. Nakita ko ang pagngisi niya kaya nangingiti akong napa-irap.

"Miss mo 'ko?" Tanong niya at agad na humalik sa pisngi ko.

Hindi ko siya sinagot at agad na hinila sa pinaka-dulong lamesa dito sa Café.

"Ahhh alone time." Hinampas ko naman siya sa balikat sa sinabi niya.

"Ba't di mo sinabi sa 'kin na uuwi kana pala? Edi nasundo kita!" Agad kong bulyaw sa kaniya.

"Miss mo nga ako. Nagsu-sungit, payakap nga." Hinila niya ako papalapit sa dibdib niya at saka niyakap. Syempre tinugunan ko na 'rin.

"I want to surprise you kaya, Tada! Your babe's home! Also malakas ang ulan. Baka mapano ka para lang sunduin ako." He mumbled as he pinched my cheeks.

"Aww. How's work? Tapos na lahat?" Tumango lang siya bilang sagot sa tanong ko.

Sean is an architect and he was away for a month para sa isang proyekto sa States. He also architect this café kaya marami ang may gustong tumambay dito. Well...

"I miss you." Nagpapa-cute niyang sabi.

"I miss you too." Sagot ko naman and he kissed me on my forehead. Iginaya naman niya ako pa-upo sa tabi niya.

"Prim, I have to tell you something." As we sit, 'yon ang sinabi niya sa seryosong tono.

"About what?" Nakakunot ang noo kong tanong.

Simon's CaféTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon