[SC 2]

14 3 0
                                    

"Paano mo nga siya nakilala?" Pa-uwi na kami ni Cali nang tanungin niya ako.

"Makakalimutin ka nga pala." Tango-tango ko at pinagpatuloy ang pagmamaneho.

"Oo na, ako na ang ulyanin. Sabihin mo na." Pilit niya at hinawakan pa ang braso ko sabay alog kaya napa-preno ako ng wala sa oras.

Mabuti nalang at wala kaming kasunod kundi, hay naku!

Sinamaan ko siya ng tingin at pinaandar muli ang makina ng sasakyan.

"Naalala mo si Leo?" Hindi ko inaalis ang tingin sa daan na tanong ko kay Cali.

"Oh? Yung pinagpalit ka kay Gina?" Tinapunan ko siya nang masamang tingin dahil sa sinabi niya.

Ang dami niyang pwedeng maalala na tungkol sa'min ni Leo, 'yon pa!

"High blood ka pa 'rin sa taong 'yon? My gosh it's already 8 years Prim! 'Wag kang ganiyan." Umiling-iling lang ako.

"Pinatawad ko pero 'di ko lang malimutan yung inis sa kaniya." Irap ko pa.

"Oh eh anong connect niyan kay Simon?"

Nginitian ko lang siya at sinimulan ng i-kuwento...

"Ulitin mo ang sinabi mo." Malamig kong utos sa lalakeng kaharap ko.

Isang lalaking nakayuko sa aking harapan ang kumausap sa akin. Pinapa-ulit ko ang huling niyang sinabi ngunit nanatili lamang siyang tahimik.

Pati ang mga kaklase ko ay tahimik at mukhang nakikinig. Ang mga kaibigan ko naman ay naka-dekwatro ng upo, handang bumack-up.

"I'm sorry Prim." Natawa ako nang mahina sa sinabi niya.

"Sorry?! Gago ka, alam mo ba yun? Ang kapal naman ng mukha mong lokohin ako." May tono ng galit ang pagsagot ko sa kaniya, dinidiinan ang salitang lokohin.

"Did you know that I almost break my promises to my parents just to be with you?" Sumbat ko sa kaniya. Napaluhod naman siya sa harapan ko na nagpa-init ng ulo ko.

"Tumayo ka nga! Gusto ko lang sabihin sayo lahat ng gusto kong sabihin!" Napabalik siya sa kinauupuan kanina habang ako ay nakatayo.

"Gusto kong humingi ng tawad." Pagsi-simula niya muli.

"Pakinggan mo lang ako sa eksplenasyon ko Prim. Just hear me out." Paki-usap niyang tinanguan ko nalang.

"Si Gina. I met her before, isa siya sa cheerleader ng dati kong school." Napapikit ako ng marinig muli ang pangalan ng babae.

"We we're inlove before but suddenly, nawala ang communication namin. And then--" I cut him off.

"And then you met me." Malamig kong tugon. Tatayo na sana si Tallya para makisali pero pinigilan ko siya sa isang titig.

"Alam mong hindi ako nagtatanggap ng manliligaw, but I made you an exception. I trusted you!" I gritted my teeth because of anger.

Simon's CaféWhere stories live. Discover now