PROLOGUE

158 8 1
                                    

"GUSTO KITA!" sigaw ko sa kanya habang hingal na hingal dahil sa paghabol sa kanya.

Huminto siya sa paglalakad at humarap sa'kin.

Bigla namang lumakas ang kabog ng dibdib ko ng tumingin siya sa mata ko.

Shit bakit ba ang gwapo ng isang to? Sabi ko sa sarili ko.

" Wag ka ngang magpatawa Mattina ang bata mo pa para sa'kin."

"Ano naman ngayon? Kung makapagsalita parang ang tanda mo na."

"Because that's the truth."

"Grabe ka naman! Parang eight years lang ang gap nating dalawa!"

"Yun na nga eh! I'm eight years older than you. Para na kitang kapatid kaya tumigil ka na Mattina dahil hindi ako magkakagusto sa babaeng walong taon ang tanda ko."

"Pwede naman siguro yun diba? I mean yung iba nga dyan sampung taon o di kaya mas higit pa ang agwat nila pero mahal naman nila ang isa't isa. Wala naman sa edad yan basta mahal mo ang isang tao yun na yun!" naluluhang sabi ko.

"Wag ka na ngang makulit!" Inis na sambit nito.

"No! until you don't tell me why you don't like me I won't stop!"

"Gusto mo bang malaman kung bakit hindi kita magustuhan?"

"Oo."

"Dahil napaka-isip bata mo! Gusto mo lahat nakukuha mo! Mattina hindi lahat ng gusto mo makukuha mo agad dapat mo itong paghirapan, palibhasa kasi spoiled brat ka." pagka tapos ay iniwan niya ako sa daan.

Gusto kong umiyak dahil sa mga sinabi niya pero ano naman ang magagawa non? Makukuha ko ba siya kung iiyak ako? Diba hindi? Kaya hindi ako susuko! Kung gusto niyang paghirapan para makuha siya gagawin ko!

******
A/N: Heto na ang story ni Hanz and Mattina. Kaibigan ni Frost sa I'm Married To MR.WHO? Sana ay magustuhan niyo at suportahan ako. Kung hindi niyo pa nabasa ang I'm Married To MR.WHO? Basahin niyo na hehehe.

Comment and vote. ❤️

And if you don't like my story feel free to leave.

Marry me, Mattina (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon