"Late ka rin?" tanong ko.

Medyo basa pa ang buhok niya dahil siguro sa ulan. Kita ko rin na basang-basa ang payong niya. Ngumiti ako sa kanya. I realized that I should be more sociable and friendly now. I need friends.

"Ah, oo. Nalate ako ng gising e." he explained.

Tumango ako. "Saan ka ba nakatira?"

"Dyan lang. Kayang lakarin. Pero umuulan kaya nag jeep na ako."

Sabay na kami naglakad paakyat ng platform. Suot ko na rin ngayon ang ID ko dahil sa beep card ko. Medyo konti na rin ang mga estudyanteng nakikita ko. Sabagay, late na nga kase.

"Ikaw?" tanong niya.

"Ah... sa Rizal ako."

"Layo." he said, chuckling. "Bakit dito ka sumasakay? Hindi ba may mas malapit na station sa inyo?"

Ngumiti ako. "Isang sakay lang kase 'to sa amin. Kaya dito na ako sumasakay. Mas madali ang daan."

Wala pa ang tren kaya naghihintay nalang kami dito. Wala pa naman masyadong tao. Siguro dahil past rush hour na. Hindi ko na alam ang paguusapan namin. Hindi naman kase kami gaano ka-close.

"Nandun na daw ba prof?" tanong niya.

Umiling ako. "Sabi ni Yasmin, late daw. Kaya siguro, sakto lang tayo."

Tumango siya. Ang awkward. Hindi ko na tuloy alam kung anong isusunod ko.

"Nga pala, hindi na ako nakapagsorry nung first day. Hindi ko naman sinasadya."

"Hala, okay lang. Hindi ko naman dinadamdam." sabi ko sabay tawa.

Dumating na din yung tren, napansin ko naman na halos walang laman 'yun. Tama nga siguro? Pag ganitong oras hindi masyado matao. Wala rin kase nakatayo e.

Pagpasok namin, marami pang bakanteng upuan. Halos wala ngang tao ngayon e. Nakakapanibago!

"Ikaw na umupo," sabi niya.

I nodded. Ayoko na pumalag, baka mawala pa yung upuan e. Sinunod ko nalang siya at umupo sa tabi nung babae. Busy siya sa phone at nakayuko. Si Gray naman nakatayo dun sa malayo.

"Lia?"

Tumingin ako sa kanya. "Lia, diba? Hala, late ka rin?"

Ah... si Sheryl. Isa rin sa blockmates namin. Balita ko, kaklase din daw siya nina Amanda nung high school. Taga-Rizal din. Pero mas malayo sa amin. Marami rin siya kakilala sa section namin. Siguro, dahil halos doon din sila nag-aral.

"Baka pala hindi mo 'ko kilala, Ako pala si Sheryl. Blockmates tayo." pakilala niya sa 'kin na may ngiti.

Ngumiti ako pabalik. "Kilala kita, nakwento ka ni Amanda." Nung lunch kase, sabi ni Amanda, sa kanya na kami sumabay. Kinuwento niya kung sino-sino yung mga blockmates namin. Kaya agad ko nakilala si Sheryl.

"Si Amanda? Ang daldal talaga niya! Nako, ganyan na yan noon."

Kinuwentuhan niya pa ako. Ang daldal! Kaya siguro magkakilala sila ni Amanda...

Noong dumating na sa station namin, sabay na kami lumabas, tumingin din ako kay Gray at sumunod siya sa amin. Agad naman napansin ni Sheryl na kasama ko pala si Gray kanina.

"Gray! Kasama ka pala ni Lia!"

I am amazed at how friendly she can be. Halos lahat ata kami kilala niya. Ako naman, hindi ko pa rin kabisado kung sino yung iba. I am not really good with names eh, history dates pwede pa. Eto talaga, hindi eh.

Rule #1: Rule of FateWhere stories live. Discover now