Love has no...

13 3 1
                                    

"Where have you been na naman ba? Kakalibing lang ng grandparents natin"

Inirapan ko si Akemi, yung pinsan kong doctor. Pagdatibg ko ay dumeretso na ako sa kwarto ko. Hindi ko din nakita sa baba ang mga magulang ko. Siguro nalulungkot pa rin si daddy sa pagkawala nina lolo at lola.

I miss them too. I was just trying to cheer up my self kasi ayaw naman nina lola at lolo na makitang kaming ganito palagi. Knowing lola Oumie! Talagang ayaw niyang malaman na malungkot ang isa sa amin. Kaya mahal na mahal ko yun.

Tatlong araw naman na.

Ang dami ng nangyari, mga ganap na hindi mo naman inaasahan na mangyayari ng sabay sabay.

I sigh.

I opened my laptop and search his name again.

He was Felipe Aquino Yee, a thirty two year old businesman. Dirty business in the underground market. Ang dami ng kaso niya, drugs, murder, illegal possession of firearms. Sabi niya nang rape din siya pero wala naman sa records niya.

Pero bakit ganito, sa kaniya talaga tumibok ang puso ko. Basta nung una ko siyang makita ay gusto ko na agad siya. Kahit masungit, suplado at tahimik lang siya pero gusto ko talaga siya. Alam naman yun ni Belinda,yung kaibigan kong ikinasal din sa isang preso.

"Just tell me, Ana kung gusto mong pagbibigyan siya ng magandang kwarto doon, magkakaroon kayo ng privacy. Well, you know, naiintindihan kita, kapag mahal mo, jowain mo agad!" she was telling me sa mga kaya niyang gawin sa loob.

"Oh my God, Belinda. Hwag mong sulsulan si Ana. She deserves someone who is a good man, someone better than a preso man --" si Tinay naman iyon.

"Oh shut up Tinay! Mabait naman si Boyet ah? Yes, naging masama siya minsan, but that doesn't mean na masama na siya habang buhay! Napaka judgemental mo talagang babae ka!"

Baka naman kasi magbabago din si Pepe. Sabi ko nga sa sarili ko na magtitiis ako sa kaniya. Mahal ko nga kasi talaga!

Ilang araw akong nag tatrabaho sa kompanya, gustong gusto ko nga sanang dumalaw kau Pepe, namimis ko na siya. Pero ayaw ni Papa na mawala kami sa panibgin niya ngayon. Kailangan niya kami ni Gadz at mama.

"Ma'am, nasa loob po si Sir Max."

Si Max yung matalik na kaibigan ni Gadz, siguro namimis niya na rin ang kapatid ko.

He was on his maroon long-sleeved, tuck in iyon at fitted cream khaki pants, black leather shoes. Bagong shave din siya ngayon, nung isabg araw kasi ay makapal na yung bigote niya.

"Max! Kumusta? Ano, wala si Gadz ngayon --"

"Uhm, ate ikaw talaga ang sadya ko.
Can we talk?"

Inilapag ko ang mga papeles sa ibabaw ng aking table at kumuha ng malamig na orange juice in can sa fridge, binigay ko yun sa kaniya.

"Thanks."

Umupo ako sa tapat niya.

He looked so tense. Malamig nga yung kamay niya nang masagi ko. Anong meron? Uminom siya nang juice, matagal, siguro nga naubos niya na iyon kaya tumawa ako ng mahina.

"Bakit? Anong problema? Nakabuntis ka ba?"

Kahit naman ako ay kinakabahan sa dating niya, di kaya may gusto sa akin ang lalaking ito?

"I'm gay."

Syempre napa "ohh... " ako.

Gusto ko pa ngang matawa sa joke na yun eh.

The Ex-con is InloveWhere stories live. Discover now