Chapter 10: Chemical Reaction

Comenzar desde el principio
                                    

Nadisappoint ako sa reaksyon na ibinigay sa aking ng players pero I know I don't have the rights to feel like this. Ano nga bang mali sa kanila? I'm never into sports kaya wala akong kaalam-alam kung sino ba yung plastic na Barbie doll na 'yon. Maybe they are a link or ship or something! Ano nga bang pake ko?!

Narinig kong tumunog ang cellphone ko mula sa backpocket ng pantalon ko kaya agad ko naman iyong sinagot.

"Girl! Saan ka! Andito kami ni Monique sa may Starbucks sa may gilid ng entrance!" Annica said over the line, napabuntong hininga muna ako bago tuluyang sumagot sa kanya.

"Kakalabas ko lang, sige punta na ko diyan." I said at agad na pinatay na ang tawag. Napatitig ako sa isang opaque na glass wall sa harap ko. I'm wearing a ripped jean, a green crop shirt at white sneaker. Walang-wala doon sa babae kanina. Iwinaksi ko naman kaagad ang naisip na insecurity dahil wala akong panahon para doon.

Nang makarating ako sa Starbucks, inabot sa akin ni Monique ang large Java Chip na in-order niya para sa akin.

"Bakit hindi pa kayo napasok?" Tanong ko at umiling naman si Monique kaya naman tumingin ako kay Annica.

"The stupid bastard, nag-aaral sa kalaban na school." Sa sinabi ni Annica, I immediately look at Monique na nainom ng kape niya ngunit nakatingin lamang sa labas.

"Bullshit. Nakita niya kayo?" Tanong ko. Umiling naman si Annica at napabuntong-hininga din, bakas sa mukha niya angpag-aalala habang lumipat ang tingin kay Monique.

"Ayaw ko ng manood Arya." Sa sinabi ni Monique ay tinignan ko naman siya. Her face looks paler than usual kaya nag-alala na talaga ako sa kanya. Annica is looking intently at her too. Tumango naman ako sa kanya and try to smile a little. Hinawakan ko naman ang kamay niya to assure her na it's okay.

"Halika na Monique, iuuwi na kita. I'll stay with you for a while. Ikaw naman Arya, alam kong kailangan mo ng bumalik doon." Annica said at binigyan ako ng makabuluhang ngiti. Agad ko naman siyang inirapan dahil sa sinabi niya.

"Arya, you need to tell us soon, okay." Sa sinabi ni Monique ay sobrang naguluhan na ako. Hindi ko naintindihan ang ibig nilang sabihin kaya agad ko silang binigyan ng mukhang hindi naiintindihan ang sinasabi nila. Mahina lamang silang natawa.

"C'mon, ihahatid ko na kayo. Ginagawan niyo na naman ako ng issue, eh." I said at tumayo na. They both stand up to as we head to the parking lot papuntang kotse ni Annica. Nahirapan pa kami dahil sobrang daming tao ang dumadagsa sa arena na kung hindi naka dilaw ay naka green naman.

"Drive safe, okay. Text niyo ko pag nasa bahay na kayo." I said at agad naman akong inirapan ni Annica kaya hinila ko naman ung buhok niya.

"Oo na, nay!" Sigaw niya bago pumasok sa driver seat's ng kotse niya. I look at Monique at niyakap muna siya ng mahigpit.

"You'll be fine. I know." I said at nginitian siya. I know she will be, malakas na tao si Monqieu at hindi siya magpapahatak muli sa sakit na dinanas niya. So all I could give her is my encouragement dahil alam ko siya lang ang makaktulong sa sarili niya.

"Thank you, Arya. I hope you'll be fine too." She meaningfully said to me kaya naman naguguluhan ko siyang tinignan.

"You'll figure it out, Arya. So please, tanggap ka namin whatever your decisions are." She said bago pumasok ng tuluyan sa kotse. Tuluyan na kong napa-irap sa sinabi niya.

"Pumasok ka na doon bago pa kita hatakin pabalik sa arena." Pang-aasar ko kaya agad-agad naman siyang pumasok sa loob kaya naman natatawa ko siyang tinignan. Nang maisara niya ang pinto ng kotse, I wave from the outside ng imaniobra na ni Annica ang kotse paalis.

Why Does it Matter?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora