Chapter 10: Chemical Reaction

Start from the beginning
                                    

"Cap! Si Bea andito!" Tili naman ni Lily. Agad kaming napalingon ni Ven sa kanya at isang babaeng naka-color blue na shirt na may simbolo ng Falcon ang lumapit, nakacycling shorts lang din siya at namumukhaan kong siya ung isa sa outside hitter ng game bago ang game nina Ven ngayon. She's has the same height as I and Ven, sobrang kurbado din ng katawan niya dahil sa training at sobrang ganda niya, doll eyes, pointy nose, plump limps.

Lumapit si Ven sa kanya at halos lumuwa ang mata ko ng dere-deretsong dinampian niya ng halik si Ven sa labi. Pakiramdam ko tumigil ang mundo at hindi ako nakahinga dahil sa nakita. A slight pain on my chest rose ng lumipat ang tingin sa akin ni Ven na gulat na gulat din sa ginawa ng babae sa harapan niya.

Agad akong napabalik sa reyalidad ng magtama ang mga mata naming at nauna na akong nag-iwas ng tingin. The girl in the blue shirt looks at me at agad din akong tinaasan ng kilay. Gusto kong tanggalin ang magaganda niyang pilik-mata na kitang-kita ko mula dito sa sobrang inis.

"Bi! You can't do that here." Seryosong sabi niya doon sa babae. Her ponytailed hair is shiny long jet black hair ay bagsak na bagsak sa likod niya. Even in loose shirt, kitang-kita ang curves niya.

"yeah, yeah! Whatever Iys. Sabi kasi sayo ligawan mo na ako, or else." She said hastily to Ven. Ako ang napairap sa sinabi niya. Why is she so blunt? Hindi ba siya nahihiya?

"Cap?! Kelan mo ba liligawan si Bea?!" Asar naman sa kanya ni Lily. Pakiramdam ko napalunok at sa sinabi niya kaya dumeretso ang tingin ko sa mismong court na gagamitin nila.

"Ha?! Liligawan?! Teka! Akala ko ba si—" Naputol ang sinasabi ni Tim ng takpan ni Kierra ang bibig niya, sabay silang tumingin sa akin. Napailing naman si Mina dahil sa nangyayari. Hindi ko alam pero pakiramdam ko hindi dapat ako nandito, na hindi naman dapat talaga ako andito. Nakita ko ang iilang tingin na ibinigay ng players sa akin at agad silang nag-si iwas ng tingin na mas lalong nagpalubog sa puso ko. And suddenly, I feel like I don't belong there, napayuko ako at pilit na nilulunok ang bawat ideya na pumapasok sa utak ko.

"I'm just here to say good luck to you. Alam kong kayang-kaya niyo yang kalaban niyo." The girl said at hindi na ko nag-abalang tumitig sa kanila at pinuntuhan na ang mga recording camera na nakaset up na dito. Agad ko na silang inayos at nilagay sa proper setting habang hinahayaan na kumalma ang sistema ko. Tahimik lamang akong humihinga ng malalim.

"A-ah, Bea. Thank you." Hindi ko alam pero may parte sa akin ang lumubog ng marinig ang sagot niya. Pakiramdam ko maling makaramdam ako ng ganto pero hindi ko mapigilan. Her voice is hesitant in a way pero ano naman, maybe that's the girl na nililigawan niya and such, ano bang pake ko doon?!

"If you win this game, date tayo after." And with that, dahan-dahan akong napa-ayos ng tayo habang tumitingin kay Ven na nakatalikod na sa pwesto ko. Hindi ko alam pero may parte sa akin na humihiling na humarap siya at tignan ako, but she didn't, tutok na tutok lang siya doon sa babae sa harap niya. Magsama sila!

"Just go, Bea. I'll talk to you later." Saad ni Ven at doon ko nakumpirma na mali ngang makaramdam ng ganto para sa kanya. I feel like my oxytocin level has drop dahil sa pagtingin ko sa kanya. Napatingin sa akin ang babae at agaran niya akong tinitigan ng mata sa mata.

"I'll wait for you then." Masigla netong balik kay Ven at dumampi pa ulit ng halik sa pisnge ni Ven. Napatingin ako sa paligid at mukhang ang ibang fans ay napatitig na sa kanila at kumukuha pa ng pictures. Agad akong bumalik sa benches at kinuha ang clipboard ko. Tahimik akong dumaan sa gilid nina Ven at noong babae at lumabas ng venue.

Mabilis kong sinalubong ang mga taong halos lahat ay naka-green at excited na mapanood ang susunod na laban habang ako ay gustong-gusto na makalabas doon. When I reach the outside of the entrance, pakiramdam ko ay hingal na hingal ko. Napasinghap at napahawak pa ko sa dibdib ko ng maramdaman ang kirot doon.

Why Does it Matter?Where stories live. Discover now