4

27 0 0
                                    

Best

It hurts

I wish it will be over now

But I love you enough to let go, at hindi parin ako napapagod.

Anong gagawin ko, kung ganun ako Katanga? Kahit harap-harapan na yung sakit, kahit ipinapamukha mo na wala pero eto e, wala e hindi ko mapigilan sarili ko. Mahal ko e

Bakit ganun? Nung bata naman tayo walang ganito-ganito e. Masasaktan lang tayo kapag nadadapa tayo, tas iiyak pagkatapos nun wala na, okay na ulit. Ngayon kasi iba e, sakit sa puso, sa damdamin.Na kahit anong gawin mo hindi mawala-wala, hindi maalis-alis. Masakit pero hindi ko alam kung anong gagawin ko kung paano mawala e, hindi ko alam kung sinong lalapitan ko para kahit papaano mabawasan.

Ngingiti ka oo, pero sinong niloko mo, sa loob loob mo basag-basag ka na-beyond repair, wala e, ganun talaga, pinili ko naman to e papanindigan ko na.

Kahit hindi kami magkaklase alam ko naman kung paanong nagkakamabutihan na si Hannah tsaka si Nile e. Sa kwentuhan palang nila ni Dannielle tsaka Nikki e, makikita mo palang sa mata niya kung gaano siya kasaya, sayang hindi ko kailanman maibibigay sa kanya.

Hanggang dito nalang talaga ako e, isang kasama, kaibigan, taong nandito katabi niya. Hindi ko naman talaga siya masisisi e, kahit pagbali-baliktarin yung mundo walang mali sa ginagawa niya ako lang yung mali e, yung maling nangyari sa buhay niya.

“Huy! Ang lalim naman talaga lagi ng iniisip o.” bigla akong siniko ni Dannielle

“Wala, iniisip ko yung score ko sa Ap!”

 

 

“Lul, Ap nga ba?”

 

 

“Wag ka nga Bebs.”

 

 

“Mahahanap mo rin yung mga kasagutan sa mga katanungan mo, it’s for you to know and find out.”

 

 

“Huh?!”

FlippedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon