2

66 2 0
                                    

Sugal

 

 

 

Ang pag-ibig ay parang isang sugal, kung hindi ka tataya paano mo malalaman ang kalalabasan? Kahit manalo man o matalo, alam mo naman sa sarili mo na sapat na yung ginawa mong move at sa huli wala kang pagsisisihan kasi naging matapang ka para harapin kung anuman ang pwedeng mangyari.

Kung manalo ka edi masaya! Lahat ng kaba at pagaalinlangan na nararamdaman mo mawawala at mapapalitan lahat ng tuwa, Pero kung kabaliktaran, e ano naman at least may mapupulot kang lesson para next time hindi ka na umulit sa mga pagkakamali mo. Hindi ka manghihinayang kasi alam mo sa sarili mo na natalo mo yung takot mo. Hindi mo masasabi sa sarili mo na dapat ganito o ganyan yung ginawa ko, walang mga “What if’s” Kasi kung sumugal ka at natalo, lilipas din yan at pag dating ng panahon na maalala mo ulit yan tatawanan mo nalang, sasabihin mo sa sarili mo I take the risk, and I lose but I gain something.

Pagkauwi ko sa bahay, agad kong binagsak ang katawan ko sa kama at tumingin sa kisame.

Paano ko gagawin yun? Aamin na ba agad ako? Hindi ba parang ang bilis naman?

Kinuha ko yung ipad sa may lamesa katabi ng kama ko.

Scroll

Scroll

Marcelo Santos III: “Habang may buhay may pag-asa, kaya go fight lang para maging masaya.”

Arg, ano nang gagawin ko. Naguguluhan parin ako e. Ang hirap sumugal, lalo na sa nararamdaman. Walang kasiguraduhan kung anong kahahantungan ng kahibangan kong ito, kahibangan nga ba?

Gusto ko siya—ay hindi mahal ko na nga ata siya e, pero saan nga ba ako dadalhin ng pagmamahal ko sa kanya?

Isang tanong, isang sagot Gelo, mahal mo ba? OO pinapahalagahan mo ba? OO. Pero sapat na bang dahilan yun? Sapat na ba itong nararamdaman ko para ipaglaban ko siya? Paano kung mauwi lang sa wala ang lahat? Arg, ang nega-nega ko nakaka-frustrate, hindi ko alam kung anong pwede kong gawin.

Paano ka magsisimula kung umpisa palang naduduwag ka na?

FlippedWhere stories live. Discover now