CHAPTER 17:FINALLY HAHAHAH

Start from the beginning
                                    

"Twaylem alam k--" nang mag papaliwanag pa ito. Pinutol ko na lang yung sasabihin niya. Pagod na akong marinig yang putanginang sorry na 'yan.

Wala na bang ibang sincere word yung sorry? Kasi parang ang daling gumawa ng kagaguhan, tapos ineexpect ng lahat sorry lang ang katapat? Kumusta naman' yon.

"Pinatawad na kita." tinignan ko ito ng diretso sa mata. Ngumiti ako sa kanya bago ko itinuloy ang sasabihin ko.

Huminga muna ako ng malalim. Dahil ang tagal ko ng gustong sabihin sa kanya to.

"To be honest, ayaw na kitang makita pa. Kasi pag nakikita kita? Na realize ko na ang tanga-tanga ko. Bakit ko ba pinag siksikan 'yung sarili ko sa katulad mo?" bumagsak ang luha sa mga mata ni Tao.

"I don't hate you, Tao. I get tired of hating you. Kaya for the sake of my sanity, pinili kong mag patawad kahit hindi mo' yun deserve." nakatingin pa rin ito ng diretso sa nga mata ko.

"But, thank you. Kasi kung hindi mo ako ginago.. Hindi ko nahanap yung sarili ko." inabot ko yung tissue na hawak ko.

"Ang sarap sa pakiramdam na ma realize mo na, okay naman palang mag isa. Kaya ko naman pala mag isa. Kahit wala ka. Akala ko kasi dati mamatayako pag di ka bumalik. Pero mali. With or without you, okay ako. Kaya ko,"

Tumango lang ito at tumingi. Wala pa ring humpay ang pag patak ng mga luha niya.

"Huwag kang mag alala. Matapos lang tong burol ni Donald hindi na ulit tayo mag kikita." inayos ko ang postura ko.

"Maging civil na lang tayo," at nang akmang hahakbang na ako papalayo sa kanya.

Humawak ito sa braso ko at pinigilan ako. "Can you hear me out, last na 'to. Please?" pag mamakaawa nito sa akin.

"na explain ko na yung side ko. Hindi ka pa ba nasasaktan sa mga sinabi ko sayo? Hindi mo ba maramdaman? Ayaw ko na makipag usap sayo, Yoshida. Kaya tama na."  pag tataboy ko sa kanya.

"At isa pa, burol 'to ni Donald. Kaya kung pwede lang sana, stop petering me. Okay na yung civil na lang tayo. Ikaw naman din ang may gusto nito. Hindi ba?"

"Heto yung consequences ng mga decisions mo before. Wala kang idea kung gaano katagal para masabi ko sa sarili ko na tapos na ako sayo. Kaya please, layo. Habang may kakaunting respeto paako sayo."

Pag mamatigas ko sa kanya. Ito yung gusto kong makita, yung nasasaktan siya. Pero bakit ganon? After all these years, meron pa rin siyang puwang dito sa puso ko. Bakit nasasaktan pa rin ako?

"Now, if you excuse me.." Muli itong humawak sa kamay ko pero itinaboy ko lang ang kamay nito. "We' re through. So kung okay lang sayo, bitawan mo ako. You already set me free right? We're even now, sana maging okay kana"

Hindi na ito umimik pa. Dumating din si Kyd ng mga oras na 'yon. Hindi rin ito halos makatingin sa akin.

"Oh Hi Kyd. Do you still remember me? You' re ex bestfriend. Sana okay ka lang."sabay tapik ko sa balikat niya. Nag lakad ako papalayo sa kanila.

Labag sa loob ko ang mga pinag sasabi ko, pero pain change me.

Lumapit ako kay Darth. Parang naubos lahat ng lakas ko sa mga sinabi ko kay Tao. Pinag masdan ko ito sa malayo, pinapakalma ito ni Kyd. I took a deep breath.

Nakatingin sa akin si Darth na para bang nang iintriga.

"Ano? Babalikan mo pa ba?? Alam ko naman na nandyan pa rin yung inner katangahan mo. " umiling ako. "sira ulo!"

"Sus, Twaylem. Kakilala kita. Alam ko naman na mahal mo pa rin siya." pang aasar nito sa akin.

Ngumiti ako habang sinasabi' yon ni Darth. "Mahal ko pa rin naman siya. Kaso, ayoko na din naman. Tama na yung sakit na pinag daanan ko."

Kumuha ng cornik si Darth. At napabuntong hininga.
"Alam mo, kung buhay lang yang si Donald babangon yon at pag uumpugin kayong dalawa." sinamaan ko ng tingin si Darth. Ngunit mukhang siryoso ito sa kanyang sinasabi.

"Alam ko naman, malaki kasalanan sayo ni Yoshida. Given na yon. Gago. Pero Twaylem, di ko siya kinakampihan.."tinignan ko ng masama si Darth. Napalunok ito bago itinuloy ang sasabihin.

"Hindi ko din alam Darth. Bahala na kung anong mangyare. Sa ngayon, gusto ko munang mag luksa dahil wala na si Donald."

Napabuntong hininga ulit ako habang pinag mamasdan ang kabaong ng aking kaibigan. I still can't believe he is gone.

I miss you, fifi.

Tila nag flash black lahat habang pinag mamasdan ko ang kabaong niya. Noong mga unang beses na nakita ko siya. Ang talandi pa ng suot niya noon e. Yung pag sugod namin sa party ni Zia.

I miss my best friend.

LABYRINTH ACADEMY SEASON 3(COMPLETE)Where stories live. Discover now