CHAPTER 6

2.8K 96 53
                                    

TAO
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko kay Twaylem. Para bang isang araw gumising na lang ako at wala na akong maramdaman sa kanya.

Tinawagan ako ni Darth para mag usap. Tatlong araw ko na din hindi kinakausap si Twaylem. Araw-araw kaming mag kasama ni Annalisa. Ngayon na lang ako karamdam ng ganoon.

Nakaka guilty,pero ang sarap sa pakiramdam. Masaya. Masaya ulit ako.

"Bakit mo ginago?" Nandito kami sa office ko. "Iyan ba ang ipinunta mo dito?"

"Yoshida, alam mo ako. Diretso ang bibig ko. Ngayon, sabihin mo sa akin. Bakit mo ginago?"

Sa ngayon ayoko sanang sagutin pa iyong tanong niya.

"Alam mo, kung wala ka namang balak na mahalin mi iyong tao. Sana hindi mo na lang pinakilig."

Tinignan ko ito ng diretso sa mata. "Ano bang alam mo sa nararamdaman ko?"

Huminga muna ito ng malalim. "My dad cheated. Halos araw araw kong nakikita kung gaano ka wasak ang nanay ko sa pang gagago ng tatay ko. At maniwala ka sa akin, nakakawasak ng pag katao."

"Are you lecturing me?"

"Oo. Gago ka e. Sana,hindi na lang nag paubaya si Danger. Kasi hindi ka deserve ni Twaylem."

Natawa na lang ako sa mga sinabi ni Darth.

"Tapos ano bang pinakain mo sa mga gago mong kaibigan?"

"Darth,please labas sina Kyd at Lay dito. Huwag mo sila idamay." Nakita kong nag angas si Darth.

"Huwag idamay? Bakit?? Sino ba sila? Hindi ba mag kakaibigan kayo? Through thick and thin Yoshida, halos makipag patayan nga kayo diba? Tapos kung itapon niyo lang sina Donald at Twaylem parang wala lang?"

"Hindi mo ako naiintindihan."

"No,ikaw ang hindi makaintindi. Nawala na yata yung utak mo. Bakit?"

"I was just looking for a comfort."
Maya maya pa'y pumasok si Annalisa. Napabuntong hininga na lang ako.

"Babe lunch na ta--- ohh. Excuse me..." natigilan ito ng makita niya si Darth.

"So, siya yung Annalisa?"

Ngumiti ito kay Darth. "Pucha naman Yoshida."

Tumayo si Darth at lumapit kay Annalisa.

"Comfort? Tapos? Nainlove ka sa kanya?"

"Aware ka ba na may fiancè na tong nilalandi mo? Miss, mag tunog gago na ako. Pero tangina,distansya naman kapag alam mong in a relationship na ang tao."
Yumuko lang si Annalisa.

"Akala ko kasi, hiwalay na sila."

"Tao.. ganito ka na ba talaga kagago?! Pumunta ako dito para sana makipag usap sayo. Marinit ko yung side mo. Kasi ayokong magalit.. pero pare,bakit?"Galit na sabi ni Darth.

"Comfort lang sana ang hinanap mo.. andito naman kami. Kaming mga kaibigan mo pare."

"Masaya sa akin si Tao."

LABYRINTH ACADEMY SEASON 3(COMPLETE)Where stories live. Discover now