CHAPTER 15(FINAL CHAPTER) not really.

6.8K 149 114
                                    

1 year ago...
TWAYLEM
Nagulat ako nang may biglang kumakatok sa condo ko. Mamaya pa ang uwi ni Danita. Kaya imposibleng siya 'to.

Nang binuksan ko ang pintuan bumungad sa akin si Tao. Basang basa ito ng ulan. Halata sa mukha niya ang lamig. Winter kasi ngayon kaya malamig lalo.

Nang makita niya ako, yinakap niya agad ako. Base sa amo'y nito lasing din siya. Inalalayan ko itong maka-upo. Kumuha din ako ng comforter at pinalitan ko yung pang taas niyang damit.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko habang binabalot ko ito sa kumot. "Miss na miss na kita. Bumalik kana sa akin."

Hindi, Huwag kang makinig Twaylem. Isang taong mong binuo ang sarili mo, mag papawasak ka na naman ba??

"Kailan ka ba babalik sa akin?" Nakatingin ito sa akin. "Akala ko, noon na gusto kong hanapin yung sarili ko. Pero hindi, excuse ko lang yun.. I am sorry for hurting you."

Nagsimula na itong mag iiyak. "Lasing ka lang."

"Kahit lasing ako, alam ko ang ginagawa at sinasabi ko. Twaylem mahal pa rin kita."

"Tao? Alam mo mag pahinga ka na." Habang pinupunasan ko ito ng towel na may maligamgam na tubig, walang tigil ang pag patak ng mga luha niya.

Siya pa rin yung weakness ko. Pero ayoko na itong ipakita pa sa kanya. Alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko pa rin siya.

"Mahal mo pa rin naman ako diba?" Huminga ako ng malalim. "Tao, mag pahinga kana. Lasing ka lang. Tapos na tayo kaya sana.. tama na."

Bakas sa mukha nito na nasaktan siya sa sinabi ko. Nasasaktan din ako sa mga sinasabi ko.

"Bukas pag ayos ka na pwede ka ng umalis."

"Ganito pala talaga yung pakiramdam ng pinag tatabuyan. Ang sakit pala."

"Tapos na. Huwag mo ng balikan." Sagot ko.

"Nakalimutan mo na ba talaga ako??"

"Hindi. Hindi kita nakalimutan. Natuto lang."

"Ano ba yung dahilan bakit mo ako iniwanan?"

"Alam mo Tao, matagal din e. Bago na realize lahat. Na siguro yung mga panahon na yon masyado kong pinaikot yung mundo ko sayo. Na stuck ako doon sa idea na ikaw at ako habang buhay. Pero hindi.."

Pinigilan kong huwag maiyak. "You became my happy pill.. pero as time pass by na realize ko na yung happy pill ko yung papatay sa akin."

"Mahal kita Twaylem."

"Kung mahal mo ako. Dapat hindi mo ako sinaktan noon. Pero hayaan mo na.. tapos na din naman. Sige na mag pahinga kana.."

Hindi pa rin ito tumitigil sa kanyang kakulitan. "Bumalik kana ng pinas.. mag simula ulit tay--"

Habang sinasabi niya ito. Gusto kong mag pakatanga ulit. Maya-maya pa'y dumating iyong pinsan na bading ni Danita.

"Hindi mo kayang bumalik sa akin kasi may bago kana??" Nagulat ito nang makita niya si Tao.

Tumayo ako at lumapit dito. "Sorry Tao pero.." bakas sa mukha nito ang pag kagulat.

LABYRINTH ACADEMY SEASON 3(COMPLETE)Where stories live. Discover now