Yeah, kasi may iba pa kasing dahilan kung bakit ako napahinto sa pag-aaral eh, muling sagot ko.

Ano? tanong ni Tantarius.

Alam mo hindi nakalagay sa magazine na nabasa ko tungkol sayo na may pagkachismoso ka pala. Hys, hatid mo na nga lang ako, sagot ko dito.

Napabuntong hininga naman ito bago tumayo. Iniligpit muna nito ang pinagkainan namin bago nag tungo muli sa kwarto nito upang kunin ang susi ng sasakyan niya.

Tumayo narin ako at dahan-dahang naglakad palabas sa kusina. Mahapdi parin ang pagkababae ko, pero kaya konang indahin ang sakit. Sa sala ko na hinintay si Tantarius. Ilang sandali pa ang lumipas nang nakita ko na  lumabas na ito mula sa kwarto. Hinahagis-hagis nito ang susi sa ere. Ihahagos tapos sasaluhin, ihahagis ulit tapos sasaluhin nanam, ganun ang ginagawa nito. Nakatungangang napatitig ako dito. Umabot sa puntong di ko namalayan nasa labas na pala ito nang pinto at naghihintay saakin.

Lalabas ka ba diyan o titig kalang saakin? pukaw nito sa atensyon ko.

Mabilis naman akong napatayo at dahan-dahang naglakad papalabas ng pinto ng bahay. Naglakad na ito papaalis sa harap ng pinto nang hindi man lang ako hinihintay. Pagkalabas ko ng bahay ay nasa harap na ito ng elevator. Inis itong nakatingin sa gawi ko.

Bat ba ang bagal mo? Inis na tanong nito.

Masakit nga kasi yung pussy ko remember. Inis na sagot ko.

Tsk, sabi nito. Bago naglakad pabalik papunta sa gawi ko. Ganun nalang ang gulat ko nang nasa harap ko na ito at bigla akong buhatin. Take note di na pang bride style ang pagbuhat sakin nito tulad ng kanina. Binuhat ako nito na para bang isa akong bigas.

Shit, Tantarius ano ba, ibaba mo nga ako. Pero hindi ito nakinig sakin. Patuloy lang akong binuhat nito hanggang sa makapasok kami sa loob ng elevator. Binaba lang ako ni Tantarius nang nasa loob na kami.

Alam mo nakakainis ka, kaya ko namang maglakad mag-isa eh, pagalit na sabi ko dito.

Shut up Carishe, kung hindi kita bubuhatin malamang bukas makalawa pa tayo makakarating sa baba.

Tsk, Oa, ang sabihin mo ayaw molang talagang nag hihintay.

Yeah, para ka kasing pagong kung maglakad kanina, sobrang bagal.

Wow, kasalanan ko? Sarkastikong tanong ko.

Oo, kasalanan natin, sagot nito. Hindi na ako sumagot pa dito dahil baka masabunutan ko na ito dahil sa inis ko sakanya.

Tumunog ang elevator, hudiyat na nakarating na kami sa second floor. Akmang mauuna nakong lumabas ng bigla nanaman akong buhatin ni Tantarius, buhat na parang bigas parin. Tsk kainis.

Tantarius ibaba mo nga ako nakakahiya, suway ko dito. Nakatingin kasi samin ang mga tao dito.

Shut up Carishe, kung di ka titigil ihuhulog kita, pananakot ni Tantarius saakin. Dahil sa takot na baka totohanin nito ang sinabing paghulog sakin, labag man sa kalooban ko, tumigil nalang ako tulad nang gusto nitong mangyari.

Tsk, KAINIS KANG HINAYUPAK SLASH DEMONYONG MASARAP.

Sabi ko sa isip ko. Nakayuko lang ako habang nilalampasan ni Tantarius ang bawat taong madadaanan namin. Nakakahiya sobra, dahil nakatingin ito samin. Pero mukhang walang pikialam si Tantarius sa mga ito. Dahil dire-diretso lang ang lakad nito patungo sa elevator, wala itong nililingon na kahit na isa. Kaya ganun nalang din ang ginawa ko. Nasa sahig lang ang paningin ko habang buhat-buhat ako nito. Hindi talaga ko nag angat ng tingin dahil nahihiya ako na baka magkatinginan kami ng taong nakakakita samin ngayon.

SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon