CHAPTER 24- START BUTTON

Start from the beginning
                                    

Maka-hoy, wagas.

"Good morning, Ashmer!" bati sa kanya ni Beatrice.

Walang galang sa akin ang babaeng ito. Hayaan na nga. Mamaya ay ipapamili ko siya ng gamot na mayaman sa bitaminang 'galang' para magkaroon naman siya niyon kahit papano. Pero meron naman siyang gano'n at nakikita ko iyon kapag ang pinsan niyang si Froizel at Aci ang kaharap niya.

"Good morning," tipid na tugon din niya sa babae.

Alam kong labag iyon sa kalooban niya pero kasi kinausap ko siya kahapon na 'wag sumali sa gusot namin ng babaeng ito. After all, he's the boss at dapat fair ang treatment niya sa amin. Personal issue naman kasi ang meron kami ng lintang ito.

Oppss! Tao nga pala at hindi linta, sorry na agad.

"Yong sinaktan ka na nga nang sobra pero pinagbigyan mo pa rin naman ulit, ang tawag doon?" parinig ni Silang.

Hindi ko pa siya nakakausap mula kahapon dahil pareho kaming busy. Gabi na nga sila nakauwi ni Jin kagabi. Pare-pareho kaming pagod at halos walang tulog dahil mahigpit din ang pagbabantay namin sa camp.

Binabantayan pa rin namin ang kilos ng PC. Sa ngayon nga ay marami na silang establishment na napinsala pero wala pa rin kaming lead na makuha kung bakit nila ito ginagawa at kung saan ba ang kanilang kuta.

"Ano tawag doon? Tanga?" inosenteng saad ni Kendra.

Humanap na lang ako ng pwesto dahil si Ash naman na ang nasa counter. Ramdam ko rin ang masamang titig sa akin ni Beatrice pero binalewala ko na lamang iyon.

"Wala akong sinasabing tanga, ikaw talaga," saad naman ni Silang sa kausap niya. "Tawag doon, payapa," dagdag niya.

Napakunot-noo naman ako. Payapa? Anong connect?

"Payapa? Bakit naman, Ate Gab?" usisa rin ni Kendra sa kanya.

"Minahal mo pa rin kahit sobra kang nasaktan, eh, di payapa ang bansa."

Zsss, pauso talaga ng Gabriellang ito.

"Gab, tumawag ba ang mom?" tanong ko sa kakambal kong kanina pa ako pinipuntirya.

Kung hindi ko lang ito kakambal ay baka naisako ko na rin ito. Galit pa rin siya kay Ashmer and I can't blame her. Kung bakit kasi kailangan niya pang maramdaman lagi ang sakit na nararamdaman ko.

Kung ako man ang nasa sitwasyon niya ay magagalit din ako. Nasasaktan siya kahit wala naman siyang ginagawa. Broken siya kapag broken ako. Apektado siya emotionally sa mga maling desisyong nagagawa mo at sa mga masasakit na pangyayaring nararanasan ko.

Sa nasabi ko na, isang sumpa rin para sa akin ang bond naming gano'n. Lalo na para kay Gab.

"Hindi. Bakit 'di mo tawagan?" supladita niyang saad at malamyang tingin ang ibinigay sa akin.

"Let's talk later," ani ko at saka isiniring ang tingin ko kay Beatrice na mataman ding nakatitig kay Ashmer. Hindi na na kontento pa at tumayo na talaga tsaka lumapit sa isa.

"Ash, wala bang ibang makainan dito?"
Bakas sa kanyang tono ang pang-aakit.

Hindi ko mapigilang mapairap na naman sa kisame. Wala talagang delikadisa ang isang ito.

"Sa labas ng camp ay marami," tugon ni Ash sa kanya at saka marahanan na kinalas ang kamay niya na nakaangklas sa braso nito.

Lihim akong napangiti. Hindi naman din halatang allergy siya sa presensiya ng isa. Bigla ko tuloy naalala ang mga pinaggagawa sa akin ng babaeng ito noong college pa lang kami.

A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)Where stories live. Discover now