Special Chapter

1.7K 34 6
                                    

KRISCHEL'S POV

Tahimik akong nakatanaw sa asul na asul na dagat. Sobrang nakakarelax ang tanawin at talagang nakakaengganyong panoorin ang paghampas nito sa buhangin.

Marahas, biglaan ngunit maganda pag nagsasama ang buhangin at tubig. Gumagandang muli siya pag bumabalik at sumasama sa alon.

Isang marahas na hangin ang gumulo sa aking buhok. Sumabog ito sa mukha ko na agad ko namang sinikop para maayos.

Naramdaman ko ang mainit na brasong pumulupot sa baywang ko. Agad akong napangiti.

"What are you doing here? Hmm?" Bulong niya sa tainga ko. Sumiksik pa siya sa may leeg ko kaya natawa ako ng konti.

Psh May kiliti ako.

"Papahangin lang." Nilingon ko siya. Nanatili ang mukha niya sa may leeg ko. "Good morning! Hindi na kita ginising, sarap ng tulog e."

Gumalaw siya at tumunghay sa akin. Ngumuso. "Good morning, hon. Nagbreakfast ka na?"

Umiling ako. "Inaantay kita. Gutom ka na ba?"

Tumawa siya at sumiksik na naman sa leeg ko. "Yup."

Umayos ako ng tayo at hinarap na siya ng tuluyan. "Tara na! Gutom ka na pala eh. Kain na tayo?"

He bit his lower lip and looked at me. Nangunot ang noo ko.

"Yup, I'm hungry. But.." ngumisi pa ang loko. "I want you for my breakfast.." he whispered huskily.

Nag-init ang pisngi ko at hinampas siya. "Ang manyak mo, Lance!"

He chuckled and pulled me closer. "Kidding. I love you, Honey."

Hindi naging madali ang buhay ko six years ago. Nang makipaghiwalay at iwan ko si Gabriel, doon nagsimula ang paghihirap ko. Umuwi ako sa amin, kina Lola. Hirap-hirap pa ako dahil malapit lang ang bahay nila Chloe. Nagtransfer din ako sa school dito. Wala akong naging kaibigan at talagang nakakalungkot iyon.  Hindi naman ako nakalimutan ni Jelly. Tuwing dismissal nila ay panay ang tawag niya sa akin.

"Kumusta ka na? Namamayat ka ah?" Aniya habang nakaupo sa sofa at kumakain.

Nakahiga ako sa kama habang hawak ang laptop. "Ayos lang! Ikaw?"

Ngumuso siya. "Ayos lang din. Syempre miss na miss na kita."

"I missed you too!" Natatawang ani ko.

Dalawang buwan na ang lumipas. Ngunit ang sakit parang kahapon lang. Nabalitaan kong galit na galit si Chloe kay Gab. Hindi ko na nga lang inalam dahil mukhang alam ko na ang dahilan.

"Nga pala." Umayos siya ng upo. "Puwede ko ba itong sabihin sa'yo?"

Nangunot ang noo ko. "Sige, ano 'yon?"

"Uhm, kasi si..ano..si Gab?" Nanlalaki ang mga mata niya. Kumalabog ang puso ko nang banggitin niya ang pangalan niya. "Palagi ka niyang hinahanap sa akin! Jusme! Katakot-takot na pagtago ang ginagawa ko. At iyang si Owen! Alam mo ba na pinopormahan ako?" Lalo pang nanlaki ang mga mata niya.

Natawa ako. "Ayaw mo noon? Dream came true 'yon, Jelly!"

Ngumiwi siya. "Alam mo naman na si Green lang ang g-gusto ko." Umiwas siya ng tingin sa akin.

Sinungaling, Jelly ah?

"Jelly, h'wag kang pabebe. Alam kong gusto mo siya."

"What? Hindi 'no!"

"Sus. Gusto mo siya. Takot ka lang." Sambit ko. Natahimik siya at napatingin sa akin.

"Ehh naman kasi! Nakakatakot kasi 'yong nangyari sa'yo! Magkaibigan pa naman 'yong dalawang iyon. Paano pag nangyari rin sa akin?"

I Love You, GoodbyeWhere stories live. Discover now