Teka, anong oras nga uli kami dapat magkita???

Nagback read ako sa convo namin at nakitang--

8:00 a.m

Nahagis ko ang cellphone ko sa may kama at agad-agad na tumayo at dumiretso sa C.R

Wala pala si Mama sa baba, may iniwan siyang papel na nagsasabing namalengke lang daw siya kasama si Tita.

Shet, yare tayo kay Felip Jhon nito!!

Banggit ko sa isip ko habang nagmamadaling maligo. Malamig ang tubig Pero di ko na lang ito inisip ang mahalaga ay hindi ako ma-late!

Paglabas ko sa C.R ay naghanap ako ng pwedeng isuot.

May nakita akong off-shoulders at high waste na jeans.

Ayoko non mukha akong nakikipag date

Sumunod ko namang nahablot ay isang crop top at maong na palda

Ayoko din niyan mukha akong pa-sexy.

Sa wakas, nakuha ko din ang gusto kong damit! Isa itong long sleeve na kulay black at kulay dark green na leggings. Agad ko itong sinuot at binagayan naman ito ng kwintas ko at converse na sapatos.

Kinuha ko na ang cellphone ko at bag ko.

8:10 a.m? Haysss shit!

Lumabas na ako ng bahay at dumiretso sa terminal ng jeep. Buti na lang maaga pa at wala pang masyadong pasahero kaya naman nakasakay agad ako.

Nakakainis nga Lang kasi ang bagal ng jeep, paminsan minsan ay tumitigil din ito kahit wala namang sasakay.

*Ting

Tinignan ko kung sino ang nagchat walang iba kung hindi si Ken nga.

Ken Suson: saan ka na jane?

Oh shit!

Mga ilang metro na lang ang layo ko sa may park ng biglang tumirik ang sasakyan.

"Baba na muna kayo! Lipat kayo sa kabilang jeep!"

Sabi samin ng driver habang yung iba ay binabalik  niya ang bayad.

Tinakbo ko na lang yung park mejo malapit na din naman kasi.

Hingal na hingal akong napahinto sa tapat nito.

Wala si Ken sa labas ng park baka nauna na siya sa loob.

Kaya naman agad agad akong pumasok sa may park. Kagaya ng sa panaginip ko ay maganda dito.

Hinagilap ko si Ken. Tumingin ako sa may Benches, sa may picnic sites, at sa may children's playground.

Wala si Ken.

Mejo hinihingal pa din ako mula sa ilang metrong takbuhan kaya umupo muna ako saglit at nagpahinga.

"Jane!!!"

Why She changedWhere stories live. Discover now