First move

3 0 0
                                    

Ken's POV

Nagising ako sa pagyugyog sa akin ni justin. Pupungas pungas ko siyang tinanong kung ano bang kailangan niya.

"Bakit ba jah?"

Tanong ko habang yakap ang unan ko at nakapikit dahil inaantok pa rin ako.

"Gising naaa! Daliiiii"

Hinatak ako ni Justin sa may tshirt ko at 'di ako nagpatinag.

Wait, anong oras na ba?

Dinilat ko ang mga mata ko at--

"Eight na????"

Nagulantang ang mundo ko at nagmamadali akong tumayo para kumuha ng tuwalya at maligo.

Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko sila josh na nakabihis na at nagpapatugtog ng kanta namin na Alab.

"Hala ka, pag inlove ba talaga nag-isleep talk ah?"

Nagtawanan sila josh pagkasabi ni Stell non.

"Hala weh? Nagisleep talk ako??"

Tanong ko naman, parang ayaw ko maniwala kay stell.

"Oo namn HAHSHS sabi mo pa nga jane.. jane.. yiEeee"

Hays putcha kahihiyan na naman HAHAHAH

Nagmamadali akong naligo, nagsuot ng damit at buti na lang ay nakaayos na ang mga gamit ko kagabi pa. May event nga pala kami ngayon sa isang mall.

"Tara na!"

"Olrayt!"

Banggit nila at nilock na ang pintuan ng condo namin. Nagtungo na kami sa parking lot para hintayin doon ang van na magsasakay sa amin papunta sa mall.

Maya maya pa ay dumating na ang van na sundo namin.

"Good morning pooo"

Bati namin sa driver na nginitian din kami pabalik.

Habang nasa byahe ay puro jokes ni Jah ang naririnig ko kagaya ng:

"Bakit umiyak ang sisiw?"

"Bakit?" Sagot naman ni Stell dahil nagbibiruan sila ni Justin.

"Kasi may itlog yung nanay niya HAHAHAHAHA"

"HAHAHA"

For the first time tawang tawa kaming lahat sa joke ni Justin.

"Umm, sir baba daw po muna kayo at kakain daw muna tayo ng breakfast dito."

Banggit ng driver, nalaman kong Elie pala ang pangalan niya pero 'Kuya Elie' na lang daw ang itawag namin sa kaniya.

"Napakasakit kuya Elie~"

Kanta ni Stell nagtawanan uli kaming lahat. Si Stell talaga oo HAHSH.

Naupo na kami at may mga Fans na nagpapicture at may iba ding nagpauthograph. Nang humupa na ang biglaang fansigning event ay tinanong na kami ni Sejun kung ano ang order namin, siya na daw ang mag-oorder para sa amin.

"Ano order niyo?"

Tanong ni hatdog man este Sejun

"Ahh ako, tapsilog tsaka iced tea drinks!"

Banggit ni Josh

Nagsabi na sila ng mga order nila at ganon din ako.

"Syempre chicksilog akin"

Banggit ko kaya inasar asar ako ni Justin ng "chicken mak mak mak"

Maya maya ay napatulala ako, hindi naman sa nabuang na ako dahil sa gutom pero naiisip ko na naman kasi siya.

Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko at shit---

Nawala cellphone ko??

Parang nawindang ako na ewan akmang pupunta na sana ako uli sa may van ng mapansin kong hawak pala ni Justin ang cellphone ko.

"Jah, nasa iyo lang pala phone ko wewss"

Aabutin ko na sana ang cellphone ko pero nilayo ito sakin ni Jah, kinabahan tuloy ako pakiramdam ko may kahindik hindik na bagay na namang balak si Jah.

"Uy anoyan??"

Tumitig si Justin sa Akin at ngayon may sinasabi sila NI Josh pero hindi ko gaanong marinig, sinasadya nilang hinaan.

"Ehem Felip Jhon"

Banggit ni Josh, hays ano na naman ba ito.

"Anong gusto mong sabihin kay Jane?"

Tanong niya pa.

"Huh??? Wala walaaa oyy ano yan ahh hmk???"

Kinakabahan na talaga ako, pinakita ni Justin sa akin ang screen ng cellphone ko. Nakita kong iniistalk nila si Jane pero nagulantang ang mundo ko ng---

Wait, nagsend ako ng friend request kay Jane???

Siguro inunfriend niya ako or ewan ko. Gusto ko magpalamon sa lupa sa sobrang Hiya, baka isipin ni Jane na--

"Wth! Akin na 'yan!"

Strikto kong banggit.

Jane Fernandez accepted your friend Request!

I'm doomed.

Nagkatinginan si Justin at Josh.

"Ano doi inaccept ka na ba?"

"Tawag jan first move!"

Banggit ni Josh sabay kindat sa akin.
Masasabi kong sa aming lima si Josh ang may pinakamalakas na karisma, kaya naman dahil don? Siya din ang may pinakamaraming karanasan sa mga babae.

Bakas sa mukha nila ang excitement habang hinihintay ang sagot ko.

"Oo.."

"Ayon oh!!"

Sigaw ni Josh at nag-apir silang dalawa ni Justin

Jane's POV

Grabe 'di pa rin maalis sa isip ko ang pagkikita namin ni Ken. Lumipat uli ako sa kabilang parte ng higaan, kanina pa ako papalit palit ng pwesto habang sinusubukang matulog. Yes, oo, nae. Wala pa akong tulog!

"Anak??"

Kumatok si Mama at tinawag ako.

"Kain na"

Bakas sa mukha at boses ni Mama ang lambing habang niyayaya ako kumain.

Napangiti ako kalauna'y sumama na rin kay mama pababa.

Habang naghahain si mama ng pagkain ay tumunog ang notification ng facebook ko.

*Tzzt*

Naramdaman kong nauuhaw ako, kaya naman kumuha muna ako saglit ng tubig at uminom. Habang umiinom ay nakita ko ang notification ng Facebook ko--

Pweeeeee

Shitttttt

Huminto ang oras at nabuga ko ang tubig na ininom ko sa sobrang gulat.

Ken Suson sent you a friend request

Nababaliw na ba ako? Ilusyon ba to??? Teka HINDI! binusted niya ako natatandaan ko pa 'yon!! Pero totoo ba to????

Accept or cancel?? Ano na Jane??! Isip!

Napabuntong hininga ako at --

"Accepted"

Sabay pindot ko naman sa accept button sa facebook. Parang nagbalik ang nakaraan pero hindi pede to hmm.

"Ano anak? Anong accepted?"

Nagtatakang taning ni mama.

"Ah wala po ma, hehe."

Namumula kong banggit.

Ikaw talaga Felip Jhon! Ano bang gusto mo ha???







Why She changedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang