Friendly Date

0 0 0
                                    

Jane's POV

Alas-otso na ng gabi patulog na sana ako, nakapikit na ako pero narinig kong tumunog ang cp ko.

*Ting*

Napadilat ako at nilingon ito na kasalukuyang naka-charge at nakapatong sa isang lamesa. Inabot ko ito at tinignan kung sino ang nagchat.

Luh nagchat nga si Felip jhon?

Agad kong pinindot ang chathead at tinignan kung ano ang chat niya.

Ken Suson: Jane!
Ken suson: pede ka ba bukas?
Ken suson: tulog na yata, goodnight!

Nangiti ako at agad na inalala kung may gagawin bako bukas, wala naman kaya nagreply ako sa kaniya.

                        
:Wala naman akong gagawin bukas Felip Jhon

Reply ko sa kaniya. Aba ambilis magseen at reply ah.

Ken Suson: sige, mga 8:00 a.m ah! Hintayin Kita sa may park!

                      Sige sige, tulog nako ah!

In-off ko na ang cellphone ko at pumikit para matulog.

~•~••~•~••~•~••~•~••~•~••~•~••~•~••~•~••~
Naglalakad-lakad na ako sa may park na napag-usapan namin ni Ken.

Maganda sa park na ito, tahimik. Madaming mga tanim na halaman at higit sa lahat mukhang bagong-bago ang mga slide at swing dito.

Masyado pa sigurong maaga kaya mangilan-ngilan lang ang nakita kong tao.

Umupo na ako sa may bench na malapit sa may entrance ng park.

Maya-maya ay naramdaman kong may umupo sa tabi ko.

"Sorry I'm late"

Anas nito. Nilingon ko naman ang pamilyar na lalaki at walang duda si Ken nga ito.

May dala siyang bulaklak at inabot niya ito sa akin habang nakangiti.

Kinuha ko naman ito at sinabing

"Oy ken wala akong pambayad dito ah!"

Natawa lang sya at umiling-iling sa biro ko.

"Sayo yan syempre, bigay ko"

Nagkatitigan kaming dalawa. Gumara man ang porma niya ay alam kong siya pa din yung felip Jhon na nakilala ko. Unti-unti naglapat ang mga labi namin..

Ayan na malapit na..

Malapit ko na siyang mahalikan..

*Ring ring*

Paigtad akong bumangon mula sa higaan.

Panaginip lang pala!

Nanaginip lang pala ako kanina. Napangiti ako, mejo maganda yung panaginip kong yon kung tutuosin.

Inabot ko ang cellphone ko para tignan kung anong oras na.

7:50 a.m??

Why She changedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon